*MOVE ON*

23 2 0
                                    

After Intrams, Christmas & New year breaks okay na din ako!!

Salitang madaling sabihin kapag tinatanong ka ng mga kaibigan mo..

Normal na ang buhay ko, malayo sa mga mayayamang katulad nila...

Anim na  buwan na ang nakalipas, pero sariwa pa din sa akin ang mga nangyari,, kung paano ako naloko at nagpaloko sa isang taong hindi naman karapat dapat sa pagmamahal na inalay ko..

MOVE ON! akala nyo ba after six months nakamove on na ako?? andito pa din ang kirot sa puso ko,, pero hindi dahil sa lalaking nanloko sakin kundi dahil sa lalaking importante sakin na hinayaan kong mawala sakin...

Akala ko ako ang may problema,, ako palang talaga kasi sya ang pinili ko over a guy na sobrang nagmamahal sakin... TANGA nga ata talaga ako!!

Huli na bago ko marealize na importante sakin si Dj,, hahaha!! nakakatawa kasi naman kung saang wala na sya saka ako parang baliw na susulyap sulyap sa mga ginagawa nya...

"Skip, yung phone mo kanina pa may nagti-text.." hai naku sya na naman...


After ng araw na yun may isang taong hindi nagsawang magpadala sakin ng bulaklak, sa studio , maging dito sa boarding house.., :) nakuha nya din ang number ko sa mga magagaling kong boardmate na nailibre lang ng burger ay okay na sa kanila... Nagpalit kasi ako ng number para NO CONNECTION na talaga....


"Hindi mo manlang ba babasahin?? baka si prince charming yan.." gwapo daw pero never pa kaming nagpang abot dahil busy ang schedule ko...



"eh di kayo ang makipagtextmate..." nakinig nalang ako ng kanta sa headphone ko...


Tuwang tuwa naman silang kinuha ang phone ko.., haist mas okay talaga dito yung may nakakasama ka sa bahay.,, mamayang gabi may photoshoot kami ng ka-partner kong si Kent sa Resort World para sa endorsement ng isang brand ng alak,, try ko kayang mag inom mamaya?? :) TRY LANG NAMAN>>> nag open nalang ako ng netbook ko..

Naranasan nyo na bang maging stalker? yah, stalker na ata ang tawag sa taong nanghahalukay ng facebook ng iba para lang malaman kung anong nangyari sa kanya...

Anim na buwan na palang nasa hospital si Darrel dahil kay xander,, nung araw na hinalkan nya ako hindi ko alam kung gaano kasakit ang nararamdaman nya sa tuhod nya.., sa tuwing naiisip ko kung gaano kasakit ang nararamdaman nya nung mga oras na yun parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko... Araw araw akong pumupunta sa hospital para makita kung okay na ba sya...

Nagti-therapy sya dahil muntik na syang hindi makalakad,, nahihiya din akong magpakita kila ella kasi dahil sakin kaya nahospital si dj,, kapag sinusubukan nila akong hanapin sa studio pinapasabi ko nalang na wala ako,, kahit si Gerald ay iniwasan ko kaya napalitan ako ng partner..Nakakamiss silang kasama,, oo gusto ko yung normal na buhay kagaya ngayon,walang stress dahil happy ang mga tao sa paligid mo, pero andun pa din yung paghahangad na sana ganito din yung pakiramdam kapag sila yung kasama ko...

"Guys alis lang ako..." pagpapaalam ko sa kanilang kilig na kilig sa nagtitext sakin...



"San ka pupunta?? pupunta daw sya dito ngayon.." nginitian ko lang sila saka umalis.



Paglabas ko may bulaklak na naman sa tapat ng gate., hindi ko nalang kinuha at sumakay na ako ng scooter ko papuntang COSPLAY SHOP,, hindi ko na naman kasing mapigilang hindi sya makita...Malapit sa kwarto nya ay may mga batang Cancer patient at dun ako tumatambay kapag madami pangbantay si Darrel., minsan nga naiisip ko kung gaano kalakas ang mga batang toh dahil hindi sila sumusukong lumaban sa buhay,, hindi kagaya ko na halos bumigay na,, wala akong magulang na masandalan at ang mga kaibigan kong nasa paligid hindi ko alam kung sino sa kanila ang dapat kong pagkatiwalaan...



For now ako muna si Sasami Jurai Masaki ,,isang anime characer Sasami holds a dark secret within her past,,^__^ haha parang ako lang,, may dalawang kaluluwa sya sa loob ng katawan nya.., parang ako ngayon sa mata ng ibang tao masaya ako at maligaya sa buhay at career ko ang hindi nila alam sobrang sakit ng nararamdaman ko dahil hindi ko manlang malapitan ang taong gusto kong makasama sa bawat sigundo ng buhay ko...

"Ate???" naglapitan sila sakin,, nakakagaan ng pakiramdam kapag nayayakap ko sila...

"Andito po si kuya kent.." O_O  ano na namang ginagawa nitong lalaking toh dito??

"Peace!! alam kong pupunta ka na naman dito.., may photoshoot tayo mamaya pero nakapag  bigay ka pa din ng time para sa kanila.." nagpapa cute pa tong si kent.., *oo* na cute na sya.. ^__^ puppy eyes pa more!!

"Hindi mo naman kailangang gawin toh!! pero thank you huh!!"

"Welcome na welcome panget!!" nakasanayan ko na atang mag*pout* sa kanya kapag kinukulit nya ako... "Oh mga kids gusto nyo bang makitang sumayaw ng twerk it like miley si Peter Pan??"

"Opo gusto po namin yan.."

"Sige po.."

 "Pero dapat kasama ko tong immortal   girl na katabi ko.."

*Go ATE KATH--- GO GO ATE KATH-------* kantyaw nila... 

"Noh ba kayo shy si ate kath.., kaya na yan ni kuya kent..." nag open ng music si kent sa phone nya,, Joker din toh minsan....

Nag umpisa na syang sumayaw at kita sa mga mata ang saya ng mga bata kaya kahit hindi ako marunong magsayaw ti-nry ko na din para naman sa ikasasaya nila eh...Maya maya pagtingin ko sa may pinto madaming tao kaya napatago ako sa likod ni kent...

"Ano ka ba??"angal nya,, pagtingin ko nakawheel chair si Darrel habang nanonood sa labas...

"Nakakahiya kasi..." hindi ko naman pwedeng sabihing tinatagoan ko si Mr. Padilla.

"Noh ka ba,, kahit sino hindi makakahalatang ikaw si Kath.. tiningnan mo ba ang itsura mo sa salamin bago ka pumunta dito?? Kapal ng eye liner plus eye shadow plus long eye lashes and your blue hair..." talaga ba?? so pwede ko ba ulit malapitan si Darrel??

"Sabi mo yan huh!!" tumango naman sya... 

Ang daming kumuha ng picture namin together.., umalis na si Dj tulak tulak nila Janine.., hindi ko napigilan ang habulin sila kahit ang daming tao sa daan... Tumingin sya sa direksyon ko kaya umiwas agad ako ng tingin...

"Di ba sinabi kong huwag kang lalabas??"

"CAN YOU PLEASE LEAVE ME ALONE!!!"

"ANO BANG AKALA MO?? NA GUSTO KONG BANTAYAN KA NGAYON?? JAY NAMAN INTINDIHIN MO DIN KAMI.., HINDI NAMIN GUSTONG SABIHAN KA PERO CONCERN KAMI,, GUSTO KO LANG NAMAN MAGING OKAY KA.., NAMING LAHAT!! GUSTO KA NAMING GUMALING.." ouch..

"SINO BANG NAGSABI SA INYONG GUSTO KO PANG GUMALING?? GUSTO KO NG MAMATAY KASI SOBRANG SAKIT NITO OH LALO NA SA TUWING MAKIKITA KO SI SKIPPER NA MAY KAYAKAP NA LALAKI SA MAGAZINE!!" pinag hahagis nya ang magazine..

"Miss???" napaurong ako,, lalapitan ko ba sya??

May karapatan ba akong lapitan sya?? Na kausapin sya?? Na yakapin sya?? Kung alam mo lang jay,, kung alam mo lang gustong gusto kitang makasama..kung pwede lang na ikaw ang kayakap ko sa mga picture sa magazine....

♥ His My Opposite ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon