Epilogue

1.3K 17 9
                                        

Note: Hello! Guess, what? We made it here! Yey! This will be Leon's point of view and the final chapter of Taming The Heart.

Enjoy!

:)

______________________________________________________________________________


Epilogue:
Leon Demetrius Silvero


Standing in front of my father's grave, I watched my Mom kneeling down and crying, hugging the frame where his picture was placed.

Sa tabi niya ay si Kuya Eros na buhat-buhat ang nakababata naming kapatid na babae, bahagya itong hinihele para hindi magising mula sa pagkakatulog. Si Acheron naman ay umaalalay kay Mama kahit na wala ring hinto ang kaniyang mga luha.

Kanina pa umalis ang mga tao. Ilang minuto na rin ang nakalilipas simula nung mailibing si Papa pero hindi pa rin magawang umalis ni Mama sa harapan ng kaniyang libingan.

Mukhang tulad ko at ng mga kapatid ko, hindi niya pa kayang bitawan si Papa. Pero kailangan.

I know how much he loved her. I watched them loved each other every single day. He was so gentle and genuine when it comes to her. Totoo ang pagmamahal na ipinakita niya kay Mama at sa aming magkakapatid. Kaya alam kong sobrang sakit at bigat para kay Mama ang biglaang pagkawala ni Papa.

If only that bastard take him to the hospital right away instead of running like a scared rat. Hinding hindi ko mapapatawad ang pumatay sa kaniya. Hinding hindi rin ako titigil hanggat hindi siya natutunton ng mga pulis.

Pagbabayaran niya ang lahat. At ipinapangako ko, he won't live his life normally from now on. I will make him suffer. Including his family. Para maramdaman nila kung ano ang pakiramdam ng isang anak na nawalan ng ama.

Kinuyom ko ang mga palad ko bago marahas na pinalis ang aking mga luha bago kumaripas ng takbo paalis at palayo roon. Narinig ko pang tinawag nila ako pero hindi ako nag dalawang isip na muli silang lingunin. Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa tuluyan akong makayo sa sementeryo.

Why does this have to happen? Masyado pa kaming bata para mawalan ng mabuting ama.

Paano si Alisterille? Lalaki siya nang hindi nakakasama si Papa. At habang lumalaki siya ay maaari niyang makalimutan na nang tuluyan ang hitsura ni Papa. Hindi magtatagal, makakalimutan ko rin ang hitsura niya at ang tunog ng boses niya.

I don't want that. I don't want to forget him. I want him to be there even though he's not there anymore. Gusto ko, palagi ko siyang nararamdaman at nakakasama kahit alam kong imposible na.

Nagtungo ako sa kakahuyan at dumiretso sa threehouse kung saan kami madalas ni Papa na magpalipas ng oras noon. Pagkatapos naming mangisda sa Casa Al Juarez ay dito kami didiretso para makapagpahinga.

Hinubad ko ang mga sapatos ko at humiga sa kamang naroon. Doon ko hinayaan ang sarili kong umiyak. I let my guard down and let myself feel the emptiness of a son losing his father.

Mahal na mahal ko si Papa. Hindi ko alam kung kakayanin kong lumaki nang wala siya. But I need to be strong for my mother. For my sister. For my brothers. Wala na si Papa kaya kailangan kong maging matatag.

I need to be strong for them. Lalo na kay Mama. She's too pure and innocent to handle the emptiness in her heart after losing her husband and the father of her children.

Hindi naging madali sa akin ang lumaking walang ama pero kinaya ko. Kahit may mga araw na nagdadaan na parang may kulang sa buhay ko, pilit ko itong pinupunan. Eros and Acheron were always there for us. Hindi ko alam kung paano ko sila mapapasalamatang dalawa because words are not enough to express my feelings how grateful I am to have them in myt life.

Taming The Heart (Silvero Series #05)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon