38

829 11 1
                                        

Chapter 38: Marry


Hindi niya ako pinakinggan. Ibinaba niya lang ako nung makarating kami sa parking lot kung nasaan nakaabang ang kaniyang mamahaling sasakyan.

Hindi ko pa rin nagawang makawala dahil hindi niya ako nilubayan hanggat sa hindi ako nakakasakay.

Wala tuloy akong ibang nagawa kundi ang pumasok sa loob ng sasakyan at isinalampak ang sarili ko sa upuan, salubong ang mga kilay.

"Hindi ko alam na kidnapper ka na pala ngayon, Engineer?" Singhal ko, iritado ngunit hindi maiwasan ang tuwang nararamdaman ng puso ko ngayon dahil ako ang kasama niya.

I've always wanted to get myself out of his life. To keep my distance. To avoid him. Dahil iyon ang makakabuti para sa aming dalawa pero dahil sa mga nangyayari ngayon, para ko na ring kinain ang sarili kong mga salita.

"Well, I knew you wouldn't accept my invitation kindly, so I had to use force." He shrugged as he drove away but was smirking. "Besides, kung hindi ako gagawa ng paraan, tatakasan mo na naman ako."

Inikot ko ang mga mata ko sa ere bago bumuntong hininga at isinandal ang likod sa aking kinauupuan.

"Bakit naman kita tatakasan? Aber?"

"Who knows? Gawain mo 'yon, hindi ba? Ilang beses mo na akong tinakbuhan."

"Excuse me?!"

"I'm not letting you go ever again. Kahit na ilang beses mo pa akong takbuhan at iwasan, mahahanap at mahahanap kita. Gaano pa katagal." Detirmenado niyang sabi habang patuloy sa pagmamaneho. Minsan pa siyang susulyap sa akin bago ulit ituon ang atensyon sa dinadaanan.

"Who said na magpapahanap ako sayo, huh?"

"Oh, you won't? After what you did last night?" I saw how he arched his lips in amusement. "I can still remember how needy you are last night that you begged me to fuck you?"

"Shut up, Leon!" Namumula ang buong mukha sa kahihiyan, hinampas ko ang bag ko sa kaniyang braso dahilan para humagalpak siya ng tawa.

I feel so ashamed that I just suddenly felt the urge to jump out of the car window and escape. Kung kakayanin ko lang, hindi na ako magpapakita pa sa kaniya habang buhay!

"I wasn't on myself last night! I was drunk!" Dahilan ko.

"Uh-huh, you were drunk." Mas lalong lumawak ang ngisi sa kaniyang labi, hindi kumbinsido sa idinahilan ko.

Lalo akong nanliit sa kahihiyan. Gusto ko na lang lumubog sa kinauupuan ko.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Iritado kong tanong para maibaling na sa iba ang usapan naming dalawa.

Ibinaling ko ang mukha ko sa bintana para hindi niya makita kung gaano namumula ang mga pisngi ko ngayon. Sa sobrang init ng mga ito, pakiramdam ko ay makakapagluto na rito ng itlog.

"Just wait and you'll see."

Napailing na lang ako bilang pagsuko. The silence between us after minutes was killing me so I had to use my phone and talk to Alyssa through text just so I could make myself busy while he drove.

Para na rin mawala ang kahihiyang nararamdaman ng pagkatao ko dahil sa mga kahihiyang ginawa ko kagabi.

Now I understand why alcohol is bad for my health. For my reputation as well!

Kinamusta ko si Alyssa roon pati si Caspian. Kinailangan niya kasing bumalik roon para matulungan siya sa negosyo. Lalo na at nagkasakit pa ang Nanay nila. Hindi kakayaning mag-isa ni Alyssa kung wala ang kapatid niya roon.

Taming The Heart (Silvero Series #05)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon