32

808 8 0
                                        

Chapter 32: Danger

Standing at the edge of the yacht as the sea breeze hugged my body, I watched the breathtaking scenery in front of me. Letting my hair dance against the air.

The sounds of the waves and birds above the sky are making the atmosphere even more. Plus the 80s calming song playing on the yacht for everyone to hear.

Nakahinto na ang yate sa gilid ng nagtataasang mga bato. Everyone is already swimming in the clear blue water of the sea. Except from Engr. Silvero and his so-called secretary. They're sitting in the corner, probably working on something on the laptop in front of them.

Ngumiwi ako.

Kaya nga kami nanditong lahat para makapagbakasyon pero hanggang dito ay dinadala nila ang trabaho nila.
And I'm not even sure kung talagang trabaho nga ba ang ginagawa nilang dalawa.

Just look how close they are.

Engr. Silvero is sitting on the single couch while Harriet is standing just behind him. Wearing her sexy triangle two-piece bikini that highlighted her hourglass body even more.

Idagdag pa ang kulay tsokolate niyang maalong buhok na nagsasayaw sa tuwing gumagalaw siya.

Hindi ko tuloy maiwasang ibaba ang mga mata ko sa sarili kong katawan bago ulit ibalik sa kanilang dalawa.

Unlike my body, mas malaman siya. Big butts and boobs, just like his type.

Naalala ko tuloy bigla iyong mga babaeng natipuhan niya noong hindi pa ako pumapasok sa buhay niya. Sobrang layo ko sa kanila.

Naputol ang iniisip ko nang sumulyap sa akin si Engr. Silvero. Agad kong binaling ang ang tingin ko kay Caspian na nasa aking tabi. Hanggang ngayon ay tumatawa pa rin dahil sa ikinukwento niyang hindi ko na nasundan dahil sa mga isipin ko kanina.

I cleared my throat before sipping on my drink to pretend that I was still listening to him.

Ayoko namang ilaan ang bakasyon ko sa pag-iisip kay Leon kaya nang ayain niya ako na bumaba ng yate para makapaglangoy ay hindi ko siya tinanggihan.

I need to distract myself.

"Come on! Jump!" Natatawang sinenyasan ako ni Caspian na ngayon ay nasa ibaba na ng tubig kasama ang mga kapatid ko at ang pinsan niya.

Mom and Dad are upstairs having their own relaxing conversation.

"Come on, Ate!" Argux cheered me as well.

Ngumiti ako at tatalon na sana pero napabaling ako sa aking gilid nang marinig ang mahinhin na boses ni Harriet.

Nawala ang ngiti sa aking labi.

"Let's go, Leon! Let's join them!" Bungisngis ni Harriet habang hinihila si Leon patungo sa gilid ng yate kung nasaan ang daan pababa.

"Ikaw na lang. I need to finish my report." Nakangiting tumanggi si Leon sa babae.

"Aw, come on! We're on vacation! Dapat, ipahinga mo muna ang isip mo sa trabaho! Ano ka ba? What's the purpose of coming here if you're not gonna enjoy and relax, hello?" Ngumisi ito bago ako nilingon. "Right, Lustina?"

Tumaas ang mga kilay ko sa biglaan niyang pagdamay sa akin. Ayoko naman mag mukhang hindi nakikisama kaya kahit napipilitan, ngumiti ako sa kaniya at tumango.

Nang ibaling niya ulit ang atensyon niya kay Leon, sinulyapan ko ito. Na agad ko ring pinagsisihan dahil nagtama na naman ang paningin naming dalawa pero agad niya rin iyong iniwas para kausapin ulit ang babae sa kaniyang harapan.

Taming The Heart (Silvero Series #05)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon