37

864 11 0
                                        

Chapter 37: Kiss

Tahimik na nakaupo sa isang mono block habang pinapayungan ng isa sa mga bodyguard ni Leon.

Nasa site ako at kakatapos lang ng meeting ko with Engineer and Architect Silvero. Kasama ko rin si Irina kanina pero kinailangan niyang mag paalam agad dahil kinailangan siya sa kompanya ni Papa.

Unti-unti nang nabubuo ang contraction. I know it'll take more years bago tuluyang makompleto ang plano but at least, there's a progress with our works. Achievement na rin iyon.

Nagkukunwari akong abala sa pagbabasa ng interior design pero ang totoo ay inaabangan ko talagang lumagas si Leon mula sa loob ng opisina.

Naroon pa rin kasi siya sa loob at alam kong kasama niya rin si Harriet. Natapos na ang meeting namin kanina pero nagpaiwan silang dalawa roon kaya hindi ako mapakali.

Bakit ang tagal nila lumabas? Ano bang ginagawa nila sa loob at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sila nakikita.

Kinuyom ko ang mga palad ko, nangangating sumugod sa loob para ako na mismo ang umalam kung ano ba talaga ang nangyayari at kung ano ang ginagawa nilang dalawa roon.

I felt like I was being tortured.

I swallowed hard before standing up. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Nagmamadali akong lumakad patungo sa opisina. Binati pa ako ng ilang trabahador na nakakasalubong ko pero hindi ko man lang sila magawang batiin dahil sa pagmamadali.

I was so close to the doorknob. Hahawakan ko na nga sana ito para pihitin at mabuksan pero kusa itong bumukas. Iniluwa ang lumuluhang si Harriet.

Pareho kaming nahintong dalawa. Sa kaniyang likuran ay si Leon na nag-iigting ang panga. Nagsalubong ang mga mata naming dalawa pero mabilis kong ibinaling ulit kay Harriet ang atensyon ko.

I wanted to greet her at least but before I could even say a word, she walked away immediately. Wiping her tears off her naturally red cheeks.

Salubong ang kilay sa pagtataka kung anong dahilan ng mga luha niya, sinundan ko siya ng tingin. Nang hindi masagot ng paninitig ko ang mga tanong ko ay nilingon ko ulit si Leon.

Ang galit sa kaniyang mga mata ay nawala. Pumungay ito at napalitan ng lambing.

Humakbang siya palapit sa akin kaya naman agad akong umayos ng tayo.

"I... I forgot something inside." I said with a chin up. "Babalikan ko lang sana-"

Kusa akong nahinto sa pagsasalita at napasinghap nang hinapit niya ang aking bewang palapit sa kaniya. When he finally secured me in his arms, he closed the door behind us. He then suddenly rested his forehead against my shoulder.

"Nothing happened, baby. We just talked. That's all." He said assuredly. Wala pa man akong sinasabi, his voice was full of gentleness and honesty.

Wala pa akong sinasabi pero parang alam na niya agad kung ano ang mga bagay na tumatakbo ngayon sa isip ko ngayon.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya.

"W-Wala naman akong sinabi... Hindi mo kailangan mag paliwanag." Bulong ko kahit na ang totoo ay gusto ko na siyang tanungin kung ano ba talagang pinag-uusapan nilang dalawa sa loob at kung bakit umiiyak si Harriet pagkalabas ng kwarto.

But of course, I didn't voice it out.

"I don't want you to overthink about me and Harriet anymore." Bumuntong hininga siya pero nanatiling nakatago ang kaniyang mukha sa aking leeg.

I felt his hands tightening around me but just enough not to hurt and squeeze me.

"Hindi naman ako nag-ooverthink." Mas humina ang aking bulong.

Taming The Heart (Silvero Series #05)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon