34

809 11 2
                                        

Chapter 34: Pulse

Hindi ko maiwasang humikbi habang kinukwento ko kay Alyssa ang nangyari kaninang umaga sa sala.

Nakasubsob ang mukha ko sa unan habang nakadapa sa kama at umiiyak. Kanina pa ako rito sa kwarto at walang ganang lumabas.

Mukhang tanga dahil iniiyakan ko ang simpleng bistek na iyon.

Pinuntahan na nga ako nung dalawang bodyguard na nagbabantay rin sa akin kagabi para ayain akong kumain na ng tanghalian at hapunan pero hindi ko sila inanyayahan.

Ilang beses na nila akong kinatok rito pero hindi ako nagsasalita. Maski si Nikolov, nung sinubukan niya akong palabasin ng kwaroto, hindi rin siya nagtagumpay kaya naman wala silang nagawa pa. Hinatiran lang nila ako ng makakain at maiinom.

Dahil hindi ko pwedeng magamit ang telepono ko, ginamit ko na lang iyong telepono na ipinahiram sa akin ni Nikolov kanina. Account naman niya ang naroon kaya numero na rin niya ang ginamit ko para matawagan si Alyssa. Mabuti na nga lang at sinagot niya dahil kadalasan, hindi niya sinasagot ang mga tawag ng mumerong hindi registered sa telepono niya.

Ikinuwento ko sa kaniya ang buong pangyayari pati na rin ang tungkol sa sitwasyon namin ngayon. Paano kasi, nadulas ako kanina habang nagkukwento tungkol sa ginawa ni Leon. Hindi na ako makagawa pa ng dahilan para makalusot sa kaniya kaya sinabi ko na lang rin ang totoo lalo na at kasama ko rin si Caspian nung nangyari ang gulo.

Malalaman at malalaman rin naman niya ang tungkol roon kaya hindi ko na itatago pa.

Ngayon ko lang naikwento sa kaniya ang tungkol roon kaya naiintindihan ko ang reaskyon niya pero dahil umiiyak ako ay hindi niya magawang makapagbato sa akin ng mga tanong.

I know she's curious about what's going on now but she chose to put her curiosity aside so she could listen to me ranting.

[Aba! Bastos pala 'yang engineer na 'yan, eh! I get it that he is your ex and what happened between the two of you years ago still upset him pero hello?! Ikaw na nga itong nagmamagandang loob! Tapos ganiyan pa ang isusukli sa iyo!] Rinig ko ang iritasyon sa boses ni Alyssa mula sa kabilang linya habang pinapakinggan ang mga hikbi ko.

Patuloy ako sa paghikbi bago ko inahon ang mukha ko mula sa unan para titigan ang numero niya sa screen ng telepono.

"Naiintindihan ko naman kung bakit naging gano'n ang pakikitungo niya sa akin, Alyssa. Kasalanan ko rin naman. Pero kung tingnan niya ako kanina, para bang hindi niya ako minahal noon. Na para bang hindi niya ako kilala." Hikbi ko na parang batang naghahanap ng kakampi.

[How dare he made you cry! Naku! Iyang mga ex talaga na 'yan, walang magandang dulot sa buhay natin!] Iritado niyang sabi. [Eh, pero, maiba nga ako. Bakit ka nasa bahay niya, aber? Bakit kailangang diyan pa talaga sa bahay niya? I mean, he can find you a safer place for you to stay in with your family, right? Why his? What's the purpose because I don't really get it?]

Doon ako natigilan sa paghikbi. Matagal kong tinitigan ang screen.

I sniffled, looking away from the screen as if she can see me. Dahil maski ako sa sarili, hindi ko rin alam kung bakit kailangang dito ko pa kailangang tumuloy.

Maybe it's safer if I stay with him? Dahil rito, mas matututukan ako ng mga tauhan niya.

Sasagutin ko na sana siya pero ang dalawang magkasunod na katok mula sa pintuan ang nakaagaw sa aking atensyon.

Nilingon ko ang pintuan. Dahil patay ang ilaw sa loob ng kwarto, nakikita ko mula sa ilalim ng pintuan ang gumagalaw na anino ng tao mula sa labas.

Hindi ko nga lang masabi kung sino ito lalo at hindi siya nagsasalita para ipakilala ang kaniyang sarili.

Taming The Heart (Silvero Series #05)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon