36

859 9 0
                                        

Chapter 36: Free


Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kukote ko at naisipan ko pang pumayag sa gusto niyang mangyari. Even though I know to myself that there's nothing to prove to him and I should just keep pretending, I found myself sitting in the passenger seat of his car. 

Salubong ang mga kilay ko habang diretsong nakatingin sa aking harapan na para bang napakalaki ng galit ko sa dinadaanan naming dalawa. 

I was so dumb for falling into his trap. 

Hindi dapat ako naririto dahil umiiwas nga ako. Pero sa kagustuhang makumbinsi siyang hindi ko siya iniiwasan, na maayos lang sa amin ang lahat matapos nung nangyari, hindi ko nagawang tumanggi. 

At hindi ko rin alam kung maayos pa ba ang takbo ng kukote niya for asking me to come home together! Napagkamalan pa kami ng nga tao sa site kanina that we're dating! Of course, we're not!

Alam kong uto-uto ako minsan pero hindi ako tanga para hayaan ang sarili kong maging kabit ng sarili kong ex-boyfriend. 

Hindi ako umimik buong biyahe at hinayaan ko lang siyang makapagmaneho hanggang sa makarating kami sa kaniyang mansyon.

Dahil ayoko siyang makasabay, nauna na akong bumaba ng sasakyan at dumiretso papasok sa loob. Sa pagmamadali nga ay hindi ko na nagawa pang hintayin siya pero ramdam ko ang presensya niya sa aking likuran.

"Leon! You're finally home! Gosh, I've been waiting for you! I thought you were gonna come home late again as always."

Wala sana akong balak na lingunin pa siya pero nang lagpasan ako ni Harriet na galing pa sa kusina suot ang kulay rosas na apron para makalapit kay Leon, sinundan ko siya ng tingin.

Hindi ba't apron ko iyon? Bigay ni Leon sa akin iyan kaya kilala ko ang apron na suot niya!

Kumunot ang noo ko.

Tumayo ako sa may dulo ng hagdan at tinanaw silang dalawa. Hindi ko na mapigilan pang magtaas ng kilay habang pinapanood silang mag yakapan.

"Guess what?" Harriet asked him excitedly, but Leon's eyes remained on me. It was as if he could hear her but couldn't see her.

Dahil ako lang ang tangi niyang nakikita.

"I cooked your favorite dish! Iyong Pinakbet! Naku, for sure, you're hungry kaya tara na at sabay na tayong kumain."

Umawang ang labi ko.

Kailan niya pa naging paborito ang pinakbet? Maliban sa adobong manok, bistek ang paborito niyan.

"Nagluto rin ako ng Bagoong kaya mas sasarap ang kain natin—"

"Hindi siya kumakain ng Bagoong." Pigil ko kay Harriet nang hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Nahinto si Harriet at nilingon ako nang wala na ang ngiti sa kaniyang labi. Na para bang sinira ko ang munti niyang kasiyahan. Sinulyapan ko si Leon bago ulit ibalik sa babaeng nasa kaniyang tabi.

"What do you mean he's not eating—"

"He has allergies of Bagoong." Mabilis kong sagot kahit na hindi pa man natatapos ang kaniyang tanong. "Noong huli siyang kumain niyan, namantal siya at namaga ang mga labi."

I saw how Leon arched his brow at the information I had just given her, but I didn't give him a reaction, my face remaining natural.

Bakit? Inililigtas ko lang naman siya, ah? Baka kung ano pa ang mangyari sa kaniya kapag hinayaan ng babaeng ito na kumain siya ng mga pagkaing ipinagbabawal sa kaniya!

May masama ba roon?

Wala!

"Oh..." Gulat na napalingon si Harriet kay Leon at mukhang tama nga ang hinala ko.

Taming The Heart (Silvero Series #05)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon