33

850 10 2
                                        

Chapter 33: Changed

"Leon! What do you mean I'll live here with you?! You can't just decide for me!"

Hindi inalintana ang mga tauhang nakaantabay sa paligid, iritado ngunit gulat pa rin sa kaniyang sinabi, sinundan ko siya papasok sa loob ng kaniyang mansyon nang mabalik ako sa reyalidad.

I can't stay here! Hindi pwede!

"I ain't staying here! May sarili akong bahay kaya bakit kailangan ko pang manatili rito—"

"Calustina."

Nahinto ako sa paglalakad at napabaling sa pinanggalingan ng boses na iyon sa sala.

Ang nangangalit kong puso ay napalitan ng kirot nang magtama ang paningin naming dalawa ni Nana. Her eyes softened and gave me a soft smile, exposing the wrinkles on her face due to old age.

Huminto rin si Leon para bumati at tumango kay Nana. Binati niya rin ito pero agad ring ibinalik sa akin ang kaniyang atensyon.

It's been years since the last time I saw her... Since the last time I talked to her.

"N-Nana?" Nanginig ang boses ko.

"Apo ko." Nakangiti niyang ibinuka ang kaniyang mga kamay na para bang iniimbitahan niya akong yakapin siya.

Kusang namuo ang luha sa aking mga mata dahil sa ilang taong pangungulila sa kaniya. Hindi ko na napigilan ang sarili kong tumakbo palapit kay Nana para hapitin siya ng yakap.

Para akong batang musmos na isinubsob ang aking mukha sa kaniyang leeg habang humihikbi at niyayakap siya nang mahigpit.

"Patawarin mo ako, apo." Bulong niya habang marahang hinahaplos ang aking buhok.

Hindi ako umimik. Hindi rin ako gumalaw. Nanatili lang akong nakayakap sa kaniya at humihikbi.

I never realized how much I needed her in my life until I had to leave her for the better.

Ilang sandali pa ang hinintay naming dalawa bago ako tuluyang kumalma. Sitting on the couch as I tried to calm myself down, hawak ang isang baso ng malamig na tubig na inabot sa akin ni Nana kanina habang siya ay nakaupo sa aking tabi, inaalu ako.

Sinulyapan ko si Leon na nakatayo sa likuran ng sofa kung saan kami nakaupo ni Nana. Naka-cross ang kaniyang mga kamay sa ilalim ng kaniyang dibdib habang kausap si Harriet at Nikolov.

Nang maramdaman niya sigurong may nanonood sa kaniya ay agad kong ibinalik kay Nana ang tingin ko.

I stared at my grandmother. Trying to memorize her face again after years of not seeing her. 

It's been years since the last time I saw her. Hindi ko nga nagawang magpaalam sa kaniya nang personal noong umalis ako noon sa mansyon.

Gustuhin ko man, hindi ako makahanap ng paraan para mapuntahan siya sa mansyon ng mga Silvero lalo na at hanggang ngayon ay doon pa rin siya nagtatrabaho. Hindi rin siya makaalis dahil naging mahigpit sa kaniya si Senyora noon.

And I don't want to lose her job either kung ipipilit ko pa ang gusto ko. I know she loves her job at alam kong napamahal na rin siya sa nga inaalagaan niya roon kaya naiintindihan ko.

But what happened years ago, the fact that she knows about the truth why my mother had to hide me from my father, it hurts me. Syempre, nasaktan ako nang sobra dahil ang kaisa-isang kakampi ko noon na akala ako ay totoo sa akin, nagawa rin akong pagtaguan ng katotohanan.

Ipinagkait niya rin sa akin ang katotohanan tulad ni Mama.

Pero kahit gaano kasakit para sa akin ang mga nangyari noon, kahit gaano kabigat sa akin ang lahat ng nalaman ko, hindi ko pa rin siya kayang talikuran.

Taming The Heart (Silvero Series #05)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon