35

855 10 2
                                        

Chapter 35: Prove

Nanginginig at tulala sa mga kamay kong nababalot ng dugo ni Leon, patuloy ako sa tahimik na pagluha habang naghihintay ng resulta.

Ilang oras na ang nakalilipas pero hindi pa rin lumalabas ang mga doctor mula sa operating room at mas lalo lang akong nag-alala para sa kalagayan ni Leon.

"Lustina!"

I snapped my head up the moment I heard Irina's voice coming my way. Tumayo ako at nanghihinang sinalubong siya ng yakap.

I buried my face into the crook of her neck and cried helplessly. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko.

I'm so scared for Leon. Paano kung...

No. He's gonna make it. I know he can. He's a bastard.

Dinala namin agad sa opsital si Leon nang hindi humihinga matapos mabaril ng dalawang beses sa kaniyang tagiliran. Pero nung dumating ang ambulansya, nahanap raw nila ulit ang pulso niya. Ngayon na nasa loob siya ng operating room at nag-aagaw buhay, hindi ko na alam kung paano ako kakalma.

"Irina, si Leon. N-Nabaril siya. Nabaril si Leon." Humahagulgol akong hinarap ang aking kapatid.

"Hush, hush." She hushed me and shook her head while caressing my hair away from my face. "I already heard about what happened. You don't have to explain to me. It's not your fault, okay?"

"Pero nag-aagaw buhay siya ngayon nang dahil sa akin. Kung hindi ako umalis ng mansyon, hindi ko makikita si Julio. Hindi sana ako masusundan ni Leon. Napahamak siya nang dahil sa akin, Irina. Anong gagawin ko? Nag-aalala ako—"

"Hey, hey, hey." She cupped my cheeks and steadied my head so I could look at her straight. Pero kahit anong gawin ko, hindi magawang huminto ng mga luha ko. "Calm down, okay? He'll be fine. He'll survive. Nothing's gonna happen. Just calm down and breath first."

Pinalis niya ang mga luha ko pero hindi mahinto ang mga ito dahil maski ako ay hindi ko magawang makalma ang sarili ko. Hanggat sa hindi ko nakikitang maayos ang lagay ni Leon at ligtas siya, hinding hindi ko magagawang kumalma.

"Where's my son!"

Nahinto ako sa paghikbi nang matanaw mula sa likuran ni Irina ang bagong dating na si Donya Alyana. Pakiramdam ko ay nadagdagan lang ang bigat ng aking dibdib nang makitang kasunod niya ang nag-aalala ring si Senyora Amelia at ang dalawa nitong anak na lalaki.

"Val, how is he? Please, please tell me he is fine." Lumapit ang lumuluhang si Donya Alyana kay Valerian. The worry and fear in her eyes only fueled the guilt in me. "I can't afford to lose a son as well, Valerian. I know you know what I've been through when I lost Ado. Please!"

"Tita, the operation is still ongoing. We don't have any updates from the doctors yet but let's just hope he's gonna make it."

"Ano ba talagang nangyari? Bakit humantong sa ganitong sitwasyon?" Sumingit ang galit ngunit nag-aalalang si Acheron.

Sinulayapan ako ni Valerian at natunghayan ang pagtulo ng aking mga luha. Bumuga siya ng malalim na hininga bago ulit hinarap ang pinsan.

"He protected me," Ako na ang lakas loob na sumagot noon dahilan para mabaling sa akin ang kanilang atensyon.  "He took the bullet for me kaya siya ang nabaril." 

"Ikaw na namang babae ka?" Ang nanggagalaiti sa galit na si Senyora Amelia ay walang alinlangang lumapit sa akin. Nabaling na lang sa kabilang gilid ko ang aking ulo nang lumapat ang kaniyang palad sa aking pisngi. 

"Lola!" 

"Mama!" 

Sigaw nila.

Napapikit ako kasabay ang pagtulo ng aking mga luha dahil sa hapdi at sakit na idinulot nito sa aking pisngi pero hindi ako gumalaw. Nanatili ako sa kinakatayuan ko at hindi ipinagtanggol ang sarili ko sa pagkakataong ito. 

Taming The Heart (Silvero Series #05)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon