✭ LOVE MANEUVER 02 ✭

25 3 5
                                    


٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

Kailan ba dapat ipaalam na may boyfriend/girlfriend ka na?

To the point ba na the day na naging kayo, agad n'yong sasabihin sa iba? Wait, I have a question: kailangan ba nilang malaman lahat? Like you need to publicly announce it kasi required at obliged kayo na ipaalam sa kanila, worried na they would miss out and end up mad because you didn't tell them?

Naisip ko lang, parang nawawalan ng special moment 'yong dalawang magboyfriend/girlfriend kapag sinabi agad sa iba. I think that experience before na walang nakakaalam, special memory 'yon between the couple, not just the memories after publicly announcing their relationship. Like, that moment should be celebrated and treasured first.

Hindi ba puwedeng you spend time muna together before informing everyone? Especially if new relationship pa lang and you feel that this relationship is kinda different and special. Not to the point that you have to gatekeep your relationship from everyone, thinking that they would ruin it. You just want to savor those moments, without rush, or even without pressure.

Do we even have to rush?

I believe love is a process. Hindi puwedeng sabihin nang gan'on-gan'on lang. There should be a mutual agreement between the couple before publicly announcing it. I think sa amin ni Mark, I would want our relationship to end up like that. There should be no other party that would dictate how to handle our relationship. 

"Uy, natahimik ka. Joke lang, 'a," sabi ni Mark, nakatingin sa mga mata ko, nakayakap pa rin sa 'kin tho maluwag na. To distract myself, kumalas ako, at pinulot 'yong tupperware bago nagpunta sa kusina.

Ramdam kong sumunod naman siya sa 'kin.

"Joke lang talaga 'yun."

"Mark," sabi ko. "Seryoso ka?"

"Sa alin?"

"Doon sa sinabi mo."

"Hindi nga, promise."

"Puwede ka naman magsabi. Sa totoo lang, ako, sineryoso ko 'yong sinabi mo. And sorry kung na-judge kita. I just don't want to hurry talaga at alam ko, napag-usapan na na 'tin 'to. Though kung seryoso ka sa sinabi mo, I get it. Naiintindihan naman kita."

"Uy, pasensiya na. Dahil sa joke kong 'yun, nag-overthink ka pa."

"Ano ka ba, 'di mo kasalanan 'yon, woy. Utak ko 'to, that's for me to handle, but I appreciate you for telling me this."

"Na-excite lang kasi ako."

"Talaga lang, ha?"

"Bakit? Ayaw mo bang ma-excite ako? Tayo na kaya. Nakaka-excite 'yun."

"Wala akong sinabing ayaw ko, woy. Oo na. Fine. Whatever."

Napailing siya sa sinabi ko.

"Kinakabahan nga lang din nang konti." Gaya ng dati, nakita ko ulit 'yong cute niya na mga daliri niya.

"Bakit?"

"Kinakabahan ako 'pag sinabi na na 'tin. Kay Mama, ayos naman 'yun. Ewan ko sa parents mo, lalo na kay Tito."

"Let's see kung ano magiging reaction nila. Tama ka, Mark. Ang exciting."

"Sorry ulit sa natanong ko, 'a. Kalimutan mo na 'yun. Hihintayin naman kita huwag kang mag-alala."

"Correction, maghihintayan tayo." 

Ngumiti lang naman siya sa 'kin, gan'on din naman ako. Kahit papaano, gumaan pakiramdam ko because to be honest, ganoon pala 'yong feeling. Akala ko, magli-lead sa serious conflict, at the same time, natakot, thinking how would we handle that conversation?

Love Maneuver (LOVE TRILOGY #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon