٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino WangOne day. One day before our finals, then next week, it would be our last week before our vacation.
Usually, 'pag natatapos 'yong final exams, umuuwi agad ako sa bahay namin para matulog. Kagising, I binge watch feel good series on my phone to recharge and just enjoy the moment. O kaya manonod ako sa sala ng documentaries while having some pop corn. Then, as usual, ano pa ba, bigla akong maiinis dahil sisirain ng kapatid kong si Bryle 'yong solo moment ko at ang sasabihin niya, "Ilipat mo nga 'yan, ate. Manonood ako ng basketball!"
Na 'kala naman niya, pagbibigyan ko ang sira, kaya ang gago, magsusumbong pa talaga kay mama, at 'to namang si Teresa, dahil baby niya inaaway ko kuno, si Bryle 'yong pagbibigyan. Ano pa ba, aalis akong bwisit, sasamaan ng tingin kapatid kong gago na nakangisi pa talaga sa akin. I always assume na ginawa niya 'yon intentionally. Todo ngisi, eh.
'Kala naman niya papatalo ako. Ang ganti ko, I pretended na pumasok ako sa kuwarto ko na asar na asar at n'ong nasiguro ko na bumalik na si mama sa kuwarto niya or kung ano ginagawa niya that time, lalabas ulit ako at tatapunan ko ng isang sakmal na popcorn kapatid ko. Sobrang satisfying! Na masisira agad kasi tatawa lang naman 'yong gago n'on habang pinupulot niya popcorn sa sofa namin, tapos ang nakakainis pa talaga? Kakainin niya 'yon na parang inaasar pa 'ko! Ang kadiri! Himala naman na 'di na nagsumbong sa mama ko.
Then another time, finals din, naulit na naman kaya that time, ang ginawa ko, kinuha ko 'yong notebook niya sa kuwarto. As in diretso ako sa kuwarto niya na walang paalam. When I got his notebook, nagsulat ako d'on tapos binigay ko sa kanya. The thing is, binigay ko sa kanya 'yong notebook nang nakangiti ako sa harap niya at ang sabi naman niya, "Ano 'yan, ate?" at ang sagot ko, "Check it." Nakangiti kong hinintay na mabuksan niya muna 'yon at n'ong nabasa na niya at tumingala siya sa 'kin, I said, same sa sinulat ko, "Go to hell."
Aaminin ko, nakaka-miss 'yong gan'ong situation sa amin ng kapatid ko. Naging bonding na kasi namin 'yong pag-aaway sa bahay. It was one of the reasons why our home felt lively! Na kahit na alam ko na parang na-i-stress na sa amin si mama, sige pa rin kami!
Pero remembering those times, madalas nga si mama, wala pala siyang pakialam! It's like she has already mastered the art of not being bothered! Eh pa'no, kahit na naririnig na niya kami at malapit lang siya sa amin, while us doing the pillow fight sa sala, siya makikita lang namin na nagse-selfie with different poses. Minsan pa nga, pupunta pa 'yan sa kwarto ni Bryle para sa black shades. Ang sasabihin pa niya n'on, "Kids, enjoy your play. Magse-selfie muna ako para may mai-send na ako sa papa n'yo. Alam n'yo namang baliw na baliw pa rin sa akin 'yang papa n'yo!"
Dahil kay Kate, hindi ko muna ma-e-experience 'yong mga 'yon which is a good thing. Not that I dislike the idea of going with Kate plus Khalil, it just feels new not to be in our house after the finals. Nga naman, that would be a new different experience. I just hope na 'di ako ma-bore or even mabwisit sa dalawang 'yon.
N'ong araw na 'yon, hindi na ako nag-review pa. I just stayed chill and mentally reminded myself na kaya ko. Regardless, lagi namang high scores nakukuha ko: close to perfect or perfect scores. It's like effortless. Effortless which results to that feeling of not being able to fully celebrate whatever scores I've acquired. An empty satisfaction. An auto-pilot achievement. Walang bago, like telling me, "Bitch, okay and then?"
That feeling sucks. Na kahit na gusto mong maging proud sa sarili mo at kahit na ramdam mong proud na proud kaibigan mo pati family mo, wala kang magawa. I've been trapped with that feeling. Para siyang ghost na laging nakasunod. Gusto kong makawala balang araw, one day at time, at my own pace.
Saving me from these uncomfortable thoughts, I ended that day having an unexpected moment with Mark.
I received a text from him: Labas ka.
BINABASA MO ANG
Love Maneuver (LOVE TRILOGY #2)
RomanceLove contract. 'Yan ang napagkasunduan nila matapos madiskubre ang pagmamahal sa isa't isa. Pinakinggan ang sinasabi ng mga puso nila, pero paano ba nila patatakbuhin ang pagmamahal nang magkasama? Sapat ba ito para mapanatili nila ang biyahe sa pag...