✭ LOVE MANEUVER 09 ✭

9 2 0
                                    


٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

The first day of the finals ended well. Okay naman, nagsisinungaling ako 'pag sinabi kong nahirapan ako. My effort really paid off. Hindi na nakapagtataka. And I think . . . I must start to appreciate my own efforts. Kasi . . . I just realized that all this time, all I did was to appreciate other people, but myself.

Effort is an effort. I know I just need to allow myself to receive my own appreciation for myself. Alam ko na it would take time to be comfortable hearing my own appreciation, pero at least . . . masasabi ko sa sarili ko na nand'on na ako para sa sarili ko.

Because . . . 

I was too blind to acknowledge myself that I deserve to receive love and appreciation, too. 

I am sorry, self. I really am.

"Baby, ayos ka lang?"

I was shocked to see Mark. Sa harap ko, nakahawak sa mga balikat ko. Tumingin ako sa mga mata niyang nag-aalala. Tumingin din ako sa paligid ko . . . sa position ng mga paa ko at that time. Hindi ko namalayan na ang straight lang ng lakad ko to the point na kahit 'yong way palabas ng department, 'yong katawan ko, hindi nakaharap d'on.

Tumingin ako sa mga mata niya, I smiled, "Oo, ayos lang ako. Thank you pala sa pagdating."

Hindi naman niya ako sinabihan. Not that I didn't want him to be there. In fact, I've always loved the idea of having him beside me whenever I'm feeling some chaos in me. Laging tinatalo ng presensiya niya. 

I guess . . . that's really the power of Mark effect. 

Or to be more accurate, that's the power of love.

And I'm grateful for that. 

"Wala 'yun. Gusto kasi kitang makasabay."

"Kanina ka pa ba naghihintay? Same lang ba tayo ng schedule?"

Naglalakad na kami palabas ng university. Magkahawak mga kamay namin. 

"Hindi, pero 'yaan mo na 'yun. Gusto kitang makasabay, wala lang sa 'kin na hintayin kita."

"Wait, what time ba kayo natapos?"

"Huwag mo na alamin. Ayaw ko din sabihin. 'Yaan mo na nga sabi 'yun."

"That means matagal kang naghintay? Sira ka ba, ayos lang naman kung umuwi ka na."

"Ito naman, gusto nga kitang makasama, 'di ba? Ang kulit, paulit-ulit. Gusto nga kitang makasama, 'di ba? Kainis."

Dahil sa reaction niya, hindi ko napigilang hindi mapatawa. Eh pa'no, binatawan niya kamay ko, ako namang gaga, humagalpak talaga ako sa pagtawa. Nakakatawa talaga, to the point na napahawak pa ako sa tiyan ko! Parang sira! Ang cute kasi talaga ng reaction niya! At n'ong hindi pa ako tumigil sa pagtawa, bigla na lang niya akong iniwan, nauna nang maglakad. 

"Woy . . . " mahina kong sabi.

That time, may naisip ako. It's time for a love experiment!

Ang ginawa ko, hindi ko siya hinabol. Nakatingin lang ako sa likod niya na ang bilis maglakad. 

"1"

"2"

"3!"

As expected, I won! Tumigil nga siya at nilingon ako. Nang nagtama mga mata namin, nag-smile ako sa kanya. Nakahawak pa talaga 'yong mga kamay niya sa tagiliran niya. Napailing-iling pa nga siya sa 'kin. Ako naman hindi mawala 'yong ngiti, ang cute lang kasi talaga niya.

Love Maneuver (LOVE TRILOGY #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon