٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang"It's good to know na naririnig mo," bulong ko. I didn't even try denying it. There's no reason to do that.
Ngumiti lang siya na hindi labas 'yong ngipin at ipinikit niya mga mata niya. Ang payapa tingnan ng mukha niya. "Rinig mo rin yung akin?" Nakasarado pa rin 'yong mga mata niya. Ang cute niyang tingnan.
"Kahit hindi ko marinig or itanong sa 'yo, alam ko na ako."
I just saw him smiled.
We just stayed in that position. Nanahimik na rin naman 'yong paligid. Habang naririnig ko puso ko at ramdam ko ulo ni Mark sa balikat ko, unti-unti kong isinarado mga mata ko at may pag-alalay na isinandal ulo ko sa ulo ni Mark. From that moment, I know there was love and peace.
Around 4 A.M. kami umalis kanina sa bahay. Kate informed me na dadaanan na lang daw niya kami. That night nga tumawag pa sa 'kin si Mark para i-remind ako sa mga gamit ko, asking me kung settled na lahat at kung wala ba raw akong nakalimutan. Nakuwento ko na kasi minsan 'yong nangyayari sa amin ng kapatid ko when it comes to preparation.
Ni-remind din niya ako na huwag kalimutang magdala ng shades at sunblock. Doing the same thing, I reminded him na huwag kalimutang magdala ng white towel at extra shirt. Madali kasi siyang pagpawisan.
Nagpaalam din naman ako kay mama. I became honest. Ang sabi ko, kasama ko si Mark, kasama sina Kate. She even said, "Double date, sweetie?" Simple akong tumango and she just smiled. Ngumiti rin naman ako sa kanya. Nag-offer siya sa 'kin ng yakap, kaya lumapit ako. I even heard her saying the word with five letters and I said the same thing.
After 3 hours of drive, finally nakarating na rin kami sa destination namin. Hindi pa nga kami nakakababa, ipina-park pa lang nga ni Khalil 'yong kotse niya, ang ingay-ingay na talaga ni Kate. Hindi halata na excited siya. She was singing a song, gumagalaw pa katawan niya. Well, usually naman ganyan siya. She's really that enthusiastic about life.
Nagulat pa nga ako n'ong bigla siyang humarap sa 'kin, "Sis, nagdala ka ba—"
Mabilis akong lumapit sa kanya at tinakpan ng palad ko 'yong bunganga niya. Nanlaki lang naman mga mata niya. Pinanlakihan ko talaga siya ng mata at idiniin ko palad ko sa bibig niyam Buti na lang 'di niya nasabi 'yon!
"May malaking langaw na dapat patahimikin," sabi ko na lang, pinagdiinan 'yon sa kanya. Hinawakan naman niya wrist ko at dahan-dahang tinanggal 'yon.
"Y-yung tent kasi sasabihin ko! Sis naman, ewan ko sa 'yo. Kumalat na lipstick ko!"
"Ah, 'yong tent." Ginalaw ko ulo ko to pretend I was agreeing. Both right and wrong. First, it was right kasi she chatted me days before na kung meron ba kaming tent. Sakto may tent kaming ginamit namin noon kaya 'yon na lang. Second, it was wrong kasi 'yong bikini tinutukoy niya! It was evident in her tone!
Kababa namin, the two boys reminded us na mauna na kami sa lobby area. Sumalubong din naman agad 'yong guards at isang staff kina Mark at Khalil, bringing a hotel porter.
Kaya humawak na sa balikat ko si Kate at naglakad na kami papunta sa lobby.
"Ang saya-saya mo, woy," sita ko. Para kaming batang naglalakad, super excited ng gaga.
"Ready ka ba, sis? This will be your best night ever!"
Nag-stop ako at binawi ko kamay ko. Nasa harap na kami ng lobby area. Naramdaman ko paglipad ng buhok ko dahil sa ventillation fan na super laki. Inayos ko buhok ko at nakita kong nag-smile 'yong guard sa 'min kaya nag-smile rin ako at yumuko.
"Sinasabi ko sa 'yo, woy. Masasampal ka sa 'kin. Ano binabalak mo?"
"I don't want to spoil the fun, sis." Kumindat pa siya sa 'kin bago siya humawak ulit at dumiretso na kami sa lobby area.
BINABASA MO ANG
Love Maneuver (LOVE TRILOGY #2)
RomansaLove contract. 'Yan ang napagkasunduan nila matapos madiskubre ang pagmamahal sa isa't isa. Pinakinggan ang sinasabi ng mga puso nila, pero paano ba nila patatakbuhin ang pagmamahal nang magkasama? Sapat ba ito para mapanatili nila ang biyahe sa pag...