✭ LOVE MANEUVER 16 ✭

9 2 0
                                    


٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

After the said performance of the night, nagsitayuan 'yong mga tao para pumalakpak. Hindi ko alam kung ano na bang oras that time kasi I admit, nag-enjoy ako sa moment na 'yon, not just because of Mark, but also because of the fact that seeing them acting so free was so satisfying, especially, our new friend, Dex!

"Woy, nakadami na kayo, hindi pa kayo titigil?" sita ko sa kanila, saka tumingin ako kay Mark na inom nang inom. "Kate, ano na balak n'yo? 'Yang si Dex baka hanapin na 'yan, tingnan mo, nakasandal na sa upuan, gaga ka."

"Sis naman, nag-e-enjoy pa ako magsayaw." And yes, she's right. Na kahit nga nasa place siya, nagsasayaw pa rin siya ang gaga habang nakapikit pa talaga. 

"'Pag ako lumapit d'yan, sasabunutan talaga kita."

"Ate naman, 'wag mo saktan baby ko," si Khalil. 

"Thanks, babe. Kaya mahal kita, eh. Pa-kiss nga." At ang maharot, inilapit pa talaga 'yong nguso habang nakapikit pa, at ito namang si Khalil na gago, ginaya niya rin! Ngumuso rin habang nakapikit pa, kulang na lang mandiri ako sa nakikita ko sa kanila. Like, seriously, wala akong na-feel na nakakakilig sa ginagawa nila, kahit na aware ako na labas ako sa kung ano nararamdaman nila sa isa't isa. Like, ang weird nila!

Kaya after nila mag-kiss, pumalakpak naman 'yong gaga! Labas 'yong mga ngipin habang nakapikit at konting nakayuko pa, gumagalaw pa 'yong ulo, saka hinahawakan pa talaga 'yong labi. 

Si Mark naman ay napailing-iling na lang.

"Woy, ikaw din Khalil, ha, after n'yang isang baso tigil na. Sinasabi ko sa 'yo, nakikita mo 'tong kamao ko? Diretsong iuwi mo rin 'yang gagang 'yan sa bahay nila, ha? Kuha mo?" Para makasigurado pa ako, kinuha ko 'yong phone ko sa bulsa at p-in-icture-an sila. As expected from the crazy couple, nag-pose pa nga ng kung ano-anong pose, magkadikit pa talaga, as if flexing to me their drunk sweet moments kuno.

"Sige, ate, 'di ko naman papabayaan 'yan," sagot nito after nila maghiwalay.

"Nakikita mo 'tong picture n'yo? May evidence ako na ikaw ang kasama ng gagang 'yan. Kaya subukan mo lang na huwag iuwi 'yan sa kanila, makikita mo. Correction, hindi mo na siya makikita!" pagbabanta ko pa habang ipinapakita sa kanila 'yong pictures nila.

"Paano naman tayo?" rinig ko naman sa gilid ko, ang hina lang na parang pabulong. Nakahalukipkip pa talaga 'yong mga kamay. Parang bored na bored pa talaga.

"Sabay na lang tayo kay Dex. Wait, marunong ka ba mag-drive ng kotse?"

"At bakit naman tayo sasabay sa kanya? Sa 'kin ka sasabay," nakataas pa 'yong mga kilay niya kaya humarap ako sa kanya.

"Wala kang sasakyan. Kesa mag-jeep tayo. Pa'no rin si Dex, tingnan mo, sino mag-uuwi d'yan?" Tinuro ko pa si Dex.

"Meron akong motor na dala."

"Ah . . . okay. So pa'no nga si Dex?"

Lumambot din 'yong ekspresyon niya sa mukha. Nakita kong tumayo siya't lumapit kay Dex. Yumuko pa siya, tapos agad ding bumalik sa puwesto para kunin 'yong upuan niya. Umupo siya katabi ni Dex. "Pre, pre, ayos ka lang?" Inaalalayan niyang makatayo si Dex, eh knock out na talaga si Dex. 

"Huwag mo namang saktan, woy," sita ko n'ong nakita kong sinasampal-sampal niya 'yong pisngi ni Dex.

"'Di ko siya sinasaktan, 'a."

"Sinasadya mo, 'no?" pagtatanong ko pa. Honestly, hindi naman gan'on kalakas 'yong ginagawa niya, para lang talaga magising si Dex at para maasar ko rin siya. 

Love Maneuver (LOVE TRILOGY #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon