٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino WangFirst day. Aligaga akong mag-ayos kasi nag-text sa 'kin si Mark na kung puwede raw, sumabay ako sa kanya. Isasakay niya raw ako sa motor niya. Nag-hesitate pa ako n'ong una na baka may makakita pa sa amin sa labas, especially sina mama, eh, magkapit-bahay lang naman kami. Kahit na i-a-announce na rin naman namin, ayoko namang malaman nila through that way.
About the announcement, hindi pa naman namin napag-usapan kung kailan namin ipo-post. I also want it to be edited. Saka, wala pa akong naisip na ika-caption, 'no! I'm actually excited about publicly announcing it ('kala mo naman talaga may pake 'yong buong mundo) with those pictures of us. Kinda nervous din what would be their reactions, especially parents namin.
Since this is the last week, I decided to just wear our department shirt and jeans. Actually, puwede namang mag-civilian.
"Baby, nasa labas na ako." Was the text I received from him around 8:30 in the morning. Before ako lumabas, nagpaalam na muna ako kay mama, planting a kiss on her cheek, she did the same thing, too, and I made sure na hindi siya lalabas. That time, she was busy folding some of our clothes on the sofa.
Across me, nakita ko agad si Mark, wearing a simple white shirt and a maong jeans. He was hot. Nakahawak sa isang kamay niya 'yong helmet, habang 'yong isa nasa motor niya. Ngumiti pa talaga siya sa akin n'ong nakita niya ako. That time as if he was glowing. I did the same thing kahit na para akong natutunaw sa mata niya.
Yes, this is the evidence that the morning is good. You should be jealous of me, just kidding!
"Ate, yung allowance— wait, ba't kasabay mo si kuya Mark, ate?" tanong sa akin ng kapatid ko kaya napaharap ako sa kanya. "Kayo ba? Cheater ka, ate?" dagdag pa niya habang palipat-lipat 'yong tingin sa amin ni Mark. Tumingin naman muna ako kay Mark and mouthed the word, "wait lang," and he just smiled at me.
"Gago, ano namang sinasabi mo? Ako, cheater? What? Care to explain 'tong kagagaguhan mo? Kung iniinis mo lang ako, ako na nagsasabi na itigil mo." I made sure na mahina lang 'yong boses ko pero may diin. Then kinuha ko sa kanya 'yong pera. Oo nga, I forgot to take my allowance! Usually, nasa lamesa 'yon, eh!
"Nakita ko kaya kayo n'un ni Dexter, ate, eh!" pagrarason naman niya, tumaas 'yong boses, nanlaki mata ko bago ako napalingon ako kay Mark na kumunot na 'yong noo. At ano pa ba, wala na tumawid na nang dahan-dahan hawak-hawak 'yong helmet na isa!
"Aalis na kami, pag-uusapan na 'tin 'to. Bunganga mo, sasapakin ko 'yan," sabi ko sa kapatid kong napakamot na ng ulo.
"Ano yung narinig ko? Dexter?" si Mark na kahit medyo malayo pa sa amin. Tiningnan ako na parang binabalatan ako ng mukha nang nasa side ko na. Hindi ko siya matitigan nang diretso sa mga mata niya. Seriously, I'm confused din kung ano sinasabi ng kapatid ko. Nakita niya kami saan?
"A-alis na tayo, Mark. Nagjo-joke lang 'yang kapatid ko. 'Di ba, Bryle, joke time joke time lang?" Ngiti ko sa kapatid ko, but deep inside, gusto ko na siyang sapakin. Kahit na ramdam ko na 'yong kaba, I still made sure to stay calm. Besides, why would I even be worried sa isang bagay na hindi naman totoo?
Fortunately, nakuha naman niya 'yong environment. "Oo nga, kuya Mark, inaasar ko lang ate ko!"
To make it more convincing, lumapit pa ako kay Bryle, niyakap ko siya sa likod gamit ang kaliwang kamay ko at kumapit pa sa braso niya. Nakataas lang 'yong kilay ni Mark sa amin. "Yeah, right, mahal ako ng kapatid ko, woy! Look, ang laki-laki na nga, ang cute cute pa!" When I said 'ang cute cute pa' kinukurot ko 'yong braso ni Bryle, na hindi ko ipinapahalata sa reaction ko.
BINABASA MO ANG
Love Maneuver (LOVE TRILOGY #2)
RomanceLove contract. 'Yan ang napagkasunduan nila matapos madiskubre ang pagmamahal sa isa't isa. Pinakinggan ang sinasabi ng mga puso nila, pero paano ba nila patatakbuhin ang pagmamahal nang magkasama? Sapat ba ito para mapanatili nila ang biyahe sa pag...