✭ LOVE MANEUVER 40 ✭

9 0 0
                                    


٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

Kapasok namin sa room after mag-selfie sa balcony, tinanong ako ni Mark kung gusto ko raw munang magpahinga, asking me kung pagod ako. He even placed his hand sa mismong bed at t-in-ap pa niya 'yon. Nakataas pa nga 'yong mga kilay niya.

Ang sagot ko, "Parang gusto kong bumaba. Pahinga ka muna d'yan. Or nood ka, 'yon 'yong channel guide." Turo ko sa may harap.

"Iiwan mo 'ko?" Tumayo siya. Nasa gilid siya ng bed, ako nasa harap.

"Ang laki mo na, 'woy. As if naman may multo. Don't tell me takot ka sa multo?"

"Hindi, 'a," sabi niya, "gusto kita makasama. Ayoko rin mawala ka sa mata ko, uy. Marami kayang lalaki d'yan. Ayoko mangyari ulit 'yun." He was pertaining about what happened n'ong time na na kina lola niya kami.

Silence enveloped us. Ewan hindi ko kasi alam kung ano mararamdaman ko sa sinabi niya. I liked it, yes, obviously kasi . . . I could hear how my heartbeats were dancing at that time, but for some reason, I didn't know how to respond to that. As in nagkatitigan lang kami nang mata sa mata. In the end, ako rin umiwas, napalunok pa nga ako.

"Saka kung magpapahinga ka, gusto sana kita makatabi matulog," mahinang sabi niya kaya napalingon ako nang bigla. Nagtama ulit mga mata namin. He was so serious.

"Hindi naman yung . . . yung magkatabi talaga, 'a? Lalagay ko naman mga bag na 'tin sa mismong kama," pag-e-explain pa niya. For what? I mentally laughed at that thought. Gumalaw pa talaga kasi ulo niya at naka-pout 'yong labi. Haha. Cute mo.

I admit, doon pa lang sa time na nasa lobby kami, nang nalaman ko kagagahan ni Kate, the thought na matutulog kami sa isang room, our bodies on the same bed, already popped out as a bubble. Too many bubbles of thoughts with the same content, actually: nasa isang room kami ni Mark with one bed. Magtatabi kami. Paulit-ulit pa sa isip ko. Eh, pang-couple 'yon!

What is weird sa bubble na 'to? Hindi sila pumuputok. It had stayed in my mind, enticing me to entertain them.

I mean, pa'no ko makakaya na makatabi siya? Okay, let's say maglalagay kami ng mga bag, but those bags didn't change the fact na nasa isang bed kami at katabi ko siya at sobrang lapit namin at pa'no n'on kakalma, like, seriously?! Besides, may possibility na maglilikot kami matulog, right? Or even before that, may big possibility na 'di ako makakatulog! Kasi nga magkatabi kami! And then ano mangyayari?

"I'm not saying na hindi kita gusto makatabi, woy. Akin lang . . . sa totoo lang . . . 'wag kang tatawa, sinasabi ko sa 'yo, woy!" Pinanlakihan ko pa siya ng mata at tinuro ko pa talaga siya. Huminga ako saglit, " Ewan . . . I think . . . wait 'di ko talaga ma-explain." Huminga ulit ako, was really trying hard to lock my eyes from his. "Ikaw kasi, eh . . . "

"Uy, ano ginawa ko? Wala kaya, 'a."

Right. Wala naman nga. But your presence has always had an effect on me. 'Yon pa talaga na magtatabi tayo?

"Kasama kasi kita. Wait . . . just don't get me wrong. It's not what you think. Yes, gusto kita kasama, gustong-gusto actually. Masayang-masaya nga ako na kasama kita now, kaso . . . " Lumapit ako sa kanya. Lumapat 'yong palad ko sa braso niya to tap it for a moment, tinanggal ko rin agad. He was wearing a sando. "Ito. As in 'yan. Naramdaman mo ba? May naramdaman kang parang energy? There's this weird feeling na parang nakikiliti ako na ewan 'pag nagdidikit balat na 'tin."

Ngumiti lang ang loko kaya kinurot ko.

"Aray! Baby naman, eh. Ano ba mali d'un? Ibig sabihin lang n'un malakas tama mo sa 'kin."

Narinig ko pa tawa niya. Lumayo ako sa kanya. 'Di ko tinanggal mga mata ko sa kanya.

Nagtaas naman siya ng kilay. "Oh, smile ka na. Sorry na. Baka kasi iniiwasan mo, 'a? 'Pag naramdaman mo 'yun, harapin mo. 'Yaan mo, yakapin na lang kita para mawala 'yun."

Love Maneuver (LOVE TRILOGY #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon