٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino WangThat same night, Mark informed me na gusto na rin daw akong makita nina tita Lorna at tito Emil. Maiinis pa sana ako kaso he made me calm by telling me na sasamahan niya ako. Thinking about it, mangyayari din naman 'to and oo nga, this is one of the things I can't control. Nand'yan na, nangyari na. Kung magagalit pa 'ko which is valid naman, mas magiging complicated pa 'yong situation, especially sa amin ni Mark, baka magalit pa 'ko sa kanya. Or maipit siya sa family niya. The best thing we can do is to move forward.
He didn't say kung kailan. Wala pa rin namang sinabi ang mama kong maldita na 'yon. Ayoko pa rin namang malaman kasi ewan ba't excited ako na kinakabahan, kahit naman na close parents ko at parents ni Mark. There's just this feeling na curious ako kung ano 'yong change the way they treat me, the way they treat us knowing na mag-boyfriend/girlfriend kami, especially 'pag dumating na 'yong celebration na 'yon. Would they be calm, mang-aasar ba or whatever? For now, I'll enjoy whatever process we might face.
Mabilis akong dinaanan ng mga araw hanggang sa 'yong mga araw na 'yon, naging dalawang linggo na. Consistent pa rin naman mga ginagawa ni Mark. Nagte-text siya sa 'kin. Minsan pinapadalhan pa 'ko ng meryenda. Magcha-chat pa 'yan or tatawag. Makikita ko na lang siya n'on sa harap ng bahay namin na may bitbit sa kamay na paper bag. Kung dati, kinakamot pa niya ulo niya every time na may gagawin siya to express his love, sign na nahihiya siya, ngayon todo lawak na ng ngiti niya at magpapaalam pa na humingi ng yakap sa 'kin.
Gusto ko nga sanang i-invite siya na pumasok sa amin para makasama ko na rin siya sa loob ng kuwarto ko, pero we agreed na after na lang ng celebration na mangyayari. Weird but I love the thrill kasi we really take time to enjoy the process of experiencing the progression of our relationship. Thinking about it, I think need talaga muna namin na makapag-adjust adjust baka nahihiya or hindi pa ready i-face parents namin. Hindi naman din kami nagmamadali.
Ang sabi pa nga niya one day, habang nasa clubhouse kami, nagsi-swing, siya nasa kaliwa ko, "Baby, excited na ako makapasok sa kwarto mo!" He was super enthusiastic to the point his eyes were sparkling.
At ang sagot ko, "Bakit naman?" Was really trying hard to think clean, but I couldn't. Kahit ako, nagtataka ako sa sarili kong utak ba't gan'on? Marami naman puwedeng gawin aside sa naiisip ko. And hey, girl, hindi 'yon 'yong habol mo sa isang relationship. Your relationship with this guy is more than the relationship which focuses on sexual gratification. You want depth!
"Gusto ko makita kung may pictures ba 'ko dun o ano," nakangiti niyang sabi.
"Mag-ready ka nang ma-disappoint. Aside sa developed pictures natin, wala ka ng pictures," I said habang tinitingnan ko 'yong mga mata niya. Nakita kong unti-unting sumara 'yong bunganga niya and when he noticed I was observing him, mabilis siyang nag-change ng reaction into hyper mode.
"Okay lang, 'di naman importante 'yun. Pictures lang 'yun. Alam ko naman na ako lang!"
Tumayo ako. Lumayo nang konti sa swing at lumapit sa harap niya. "Sorry."
Tumingala naman siya sa 'kin. "Ito naman, sabi ko okay lang. Sorry din kasi nag-expect ako, 'a?" In-offer ko sa kanya kamay ko para tulungan siyang makaangat, nag-smile pa nga siya nang makita niya 'yon. "Sa kuwarto ko kasi meron, eh. Marami."
"Nasabi mo nga 'yon."
"Dadagdagan ko pa. Excited na ako na dumami pa memories natin."
"Baka magsawa ka naman sa mukha ko, woy!"
"'Di kaya. Dahil sa mga yun, nakakatulog ako agad. Pinapakalma ako."
"'Yang bunganga mo 'no, ang daming nasasabi!"
"Bakit 'di mo ba gusto?"
"Wala akong sinabing gan'on! Hindi ba obvious sa mukha ko? Feeling ko ang pula-pula na."
"Effective pala, uy!"
"Ako effective ba sa 'yo?" I challenged.
"Palagi. Kahit wala kang ginagawa, makita't makasama lang kita, effective pa rin. Ikaw pa rin laman nito." Turo niya sa dibdib niya habang nakangiti.
Lumapit ako sa kanya para yakapin siya. Ibinaon ko mukha ko sa dibdib niya. Rinig ko pakikipag-usap sa 'kin ng dibdib niya. Tumingala ako para salubungin 'yong mga mata niya. "Ayan, naramdaman mo ba?" At ang sagot niya, nakangiti, "Oo, nararamdaman ko." Saka niya ako niyakap nang mahigpit.
***
There's a new thing he does: every night, niyayaya niya ako for a night walk, around 10 P.M. to 12 A.M. He did asked me about it first which I appreciated kasi tanda niya 'yong isang agreement sa love contract namin. We agreed kasi na i-require 'yong isa't isa na i-memorize namin mga 'yon and I admit, I expected na baka makalimutan niya or hindi pa niya memorized. My bad for not believing in him.
Usually, when our night walk happens, naglalakad lang kami to spend time together. We still talk about things about our daily life. Most of the time, we spend time together in silence. I actually prefer spending time with him in silence. Just the thought of having him beside me is already enough to make me feel at ease. Kahit na that day, naasar ako either kay Mama or kay Bryle, dahil kay Mark, mawawala agad 'yon like magic as if ang gusto lang ng katawan ko that time ay 'yong fact na kasama ko siya at dapat sa kanya lang 'yong focus ko.
Habang nakaupo kami sa may clubhouse malapit sa barangay, ako nakasandal sa balikat niya, siya hinahawi 'yong buhok ko, we spend the night while listening to the silence and the sound of our own heartbeats, and just being free to be watched by the stars while being romantically involved with Mark. I hope the stars our happy to witness our love kasi ako . . . masaya talaga 'yong puso ko. While listening to my own hearbeat and looking at his side profile, specifically his eyes, under the night sky, I silently wished that our heartbeats would always meet . . . forever.
I want to spend my every silence with him.
٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang
BINABASA MO ANG
Love Maneuver (LOVE TRILOGY #2)
RomanceLove contract. 'Yan ang napagkasunduan nila matapos madiskubre ang pagmamahal sa isa't isa. Pinakinggan ang sinasabi ng mga puso nila, pero paano ba nila patatakbuhin ang pagmamahal nang magkasama? Sapat ba ito para mapanatili nila ang biyahe sa pag...