٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino WangKate and I deciced na magpunta nang maaga sa university. She informed me na napuyat daw siya kay Khalil kaya hindi siya nakapag-review masyado.
Gusto niya na i-review ko siya at ang harsh na sagot ko, "And so? Ano'ng part ko sa kaharutan mo? 'Kala ko ba good influence 'yan? Face the consequence, gaga."
Ang sagot niya, "Sis, dahil gusto ko siyang makausap, nagpanggap ako when he asked me kung prepared na ako for tomorrow. Aaminin ko, sorry na, inuna ko landi before studies."
"Aware ka naman pala sa kagagahan mo."
Kaya ang gaga, to convince me, ginamit niya 'yong 'libre card' sa 'kin at bilang isang taong mahilig sa libre, sino ba naman ako para tumanggi? I realized na ready naman na ako so walang problema sa 'kin na tulungan 'tong bestfriend ko.
Another thing is . . . this is a rare situation to happen between us. Madalas sa bahay ako nagre-review, dumadating na lang ako 10 - 20 minutes before our exam starts. While Kate, I don't actually know kung ano study habits niya. However, considering her improved grades, I must say I have to acknowledge her efforts whatever those are.
While doing the review, she reminded me about their plan after the finals. Pupunta lang daw kami sa mall, doing some shopping. At ang gaga, kulang na nga lang masampal ko dahil ni-reveal niya sa akin nonchalantly . . . na ginamit niya lang daw name ko sa parents niya para payagan siya, wherein the original plan was only both of them. Sinama-sama pa talaga ko? She even said na ako na raw bahala in case na magtanong sa 'kin parents niya. Ang kapal lang talaga ng mukha nitong kaibigan ko, gagawin talaga niya lahat makuha lang gusto niya! Kaya para matapos na and for the sake of my precious peace of mind, pumayag na rin ako.
The said review went well. I admit nag-enjoy din naman ako kasi kahit na may mga obvious part of the lesson na hindi pa niya nare-review, I still felt her dedication. I applause her for that. Siya nagsa-suggest kung isang round pa. She actually made her own reviewer. Nakasulat sa yellow paper. There were highlighted words. 'Yong review style niya sa definition of terms, gumamit siya ng keywords which is isa sa mga ginagamit ng lahat. Para nga naman 'pag nakita 'yong keyword sa question, 'di na mahihirapan sa pagsagot. I actually have concern about that style. May mga prof kasi na 'di naman word-for-word magpa-exam, may nagpa-paraphrase to test the knowledge and understanding of the students, that's why it's advisable to really exert an effort para intindihin per topic.
Then, hiniram niya rin old test papers ko kasi nakakainis daw 'yong kaklase naming nag-check ng paper niya. Hindi man lang daw nilagay tamang answers sa mga mali niya. At ang gaga, kita ko talaga sa mukha niya 'yong inis. Sinabihan pa nga niyang ang tamad-tamad daw ng kaklase naming 'yon na tinawanan ko na lang.
She even asked for clarifications sa topics na 'di niya gets. We exchanged some ideas para suportahan isa't isa. I must say I admire her for that. Essential 'yong ginagawa niya for essay part where in you really have to know and understand the topic, not just memorize it. And I like her drive to discover what she doesn't know yet. You can see it in her eyes.
That moment, it was evident that she was really motivated to better her studies. Regardless of the sole reason behind her motivation, I, as her best friend, was proud of her.
***
An hour of break time. Mag-isa lang ako. Si Kate, dumiretso kay Khalil. Time to recharge the dead battery daw at ang sabi pa niya, utang niya na lang muna sa 'kin 'yong libre niya. 'Kala naman niya simpleng libre lang gusto ko? Only foot long and fries plus drinks? No, susulitin ko na. I want dress.
BINABASA MO ANG
Love Maneuver (LOVE TRILOGY #2)
RomansLove contract. 'Yan ang napagkasunduan nila matapos madiskubre ang pagmamahal sa isa't isa. Pinakinggan ang sinasabi ng mga puso nila, pero paano ba nila patatakbuhin ang pagmamahal nang magkasama? Sapat ba ito para mapanatili nila ang biyahe sa pag...