✭ LOVE MANEUVER 38 ✭

3 1 0
                                    


٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

I didn't expect it would come to this point: sasama ako sa bestfriend ko kasama si Mark for a double date. I still remember that time na sumama ako kina Kate para maging third wheel nila. Now, hindi na ako part ng third wheel.

This is the first time experiencing a double date. Knowing Kate, for sure, hindi talaga allowed sa kanya tumanggi. Besides, it would be nice to have this experience before continuing our journey as third year college students.

She's actually been consistent about updating me sa kung ano gagawin namin. According to her, this double date would be a two-day bonding trip sa beach. Even though sagot naman sana ni Kate, Mark and I agreed na mag-share about the expenses na kinuha sa joint account na finally meron na kami.

Humihirit pa nga 'tong gagang 'to na magdala raw ako ng bikini, para namang 'di niya alam na ang laging suot ko ay dress. Ginamit pa nga niyang 'excuse' 'yong reasoning niya na gusto na raw niya talaga kaming magka-picture wearing a bikini at the beach.

She even used the hashtag frienship goals. 'Pag kasi umaalis kami, she always respect what I wear and usually, 'pag resort or beach, more on tampisaw lang ginagawa ko and more on documentation, appreciating the beautiful sceneries.

I always wear dress kasi pinalaki akong gan'on ni mama. According to her, simplicity is attractive. Na hindi naman kailangan mag-reveal ng katawan to be noticed.

On my part, as much as I want to contradict her stance, having an urge to remind her that wearing a bikini is normal and you're not doing it for men but to embrace your body, I just let it that way. Hindi naman siya dumarating sa point na nagshe-shame siya ng mga babaeng nag-e-expose ng katawan nila. It is just one of her convictions in life and there's no point of changing the way she thinks.

Growing up, despite Mama's upbringing, I admit na hindi ko naiwasan maging curious how would I look wearing a bikini. Above all, I'm curious about the feeling of doing it, not just for Mark (part na rin 'to, kinda excited to know what would be his reaction), but also feel how liberating would that be. 'Yong feeling na may freedom ka to embrace every part of you without considering others. You just feel yourself how to be 'naked,' figuratively.

Kaya n'ong nabasa ko 'yong message niya about sa magpi-picture kami wearing a bikini, I secretly bought one. Already grateful to Kate for the new experience. Hindi ko na ipinaalam kay Mama. I realized that I need this new experience. I respect Mama's authority, but I need this liberation.

"Uy, grabe ka naman sa 'kin, pansinin mo naman ako," sabi ni Mark sa mahinang boses. From my peripheral vision, nakita ko siyang nag-pretend na yumuko malapit sa puwesto ko since nasa dulo ako, left side.

I admit, nafi-feel ko 'yong intense energies, na parang nakikiliti ako na ewan kahit 'di naman nagtatama alinmang part ng katawan namin. My system just knows na hindi ako nag-iisa, lalo na . . . nasa tabi ko 'tong si Mark na para talagang ewan.

Kanina pa niya hinuhuli 'yong tingin ko, pero hindi ko pinapansin. Hindi ko pinapansin kasi I want peace while listening to music, nakasuot 'yong isang earphone sa right ear ko. I've always been like this. Music gives me peace.

Nasa backseat kami, nakasakay sa kotse n'ong Khalil. 'Yong dalawa naman, himala na ang tahimik din. 'Yong gaga kong kaibigan, nakasandal, pagod yata, kita kong nakasuot siya ng shades from the mirror. Si Khalil naman, tahimik na nagda-drive. Buti na lang nga hindi niya kinakausap si Mark, na panigurado naririnig niya pa rin kahit mahina 'yong boses. 

"Nakikinig ako ng music. May mata ka, right?" In the end, hindi ko rin natiis. Humarap ako sa kanya at tumingin naman siya sa akin. Kulang na lang mapaatras ako sa lapit ng mga ulo namin. Nakita ko pang nakakunot 'yong noo niya at napalunok pa, kumurap-kurap.

Nang makabawi, "Narinig mo naman ako, eh. Wala naman nakakabit sa isa." Ngumiti pa siya.

"Mamaya na lang tayo mag-usap," sagot ko, seryoso pa rin. Ano ba kasing gusto niyang pag-usapan? Nasa loob kami ng kotse. Puwede namang mamaya na lang na kami lang. Kung seryoso man 'yon, I want some privacy!

Besides, when I listen to music, ayoko talagang naiistorbo ako. I know hindi naman istorbo sa 'kin si Mark. Kaya lang . . . I still want to listen to music and want to save whatever conversation he's about to involve me with na para sa amin lang.

"Okay, mamaya na lang tayo mag-usap. Sorry kung ang kulit," sagot niya at umahon, nakaupo nang straight na hindi nakasandal. Hindi magkapantay mga katawan namin, naka-forward 'yong kanya.

"Hindi ako galit, woy. Hindi ka istorbo," paalala ko. Dahan-dahan naman siyang humarap sa 'kin. Tiningnan ako sa mga mata kaya tinaasan ko siya ng kilay. Ang hirap mag-pretend na hindi ako affected the way he looks at me, "What?"

"Ang ganda mo," he mouthed. Seryosong-seryoso kaya napalunok ako at naramdaman ko 'yong init aa pisngi ko. That time, mas naririnig ko 'yong pagtambol ng dibdib ko kesa sa music na pinapakinggan ko; Love Story by Taylor Swift.

"M-matulog ka na lang muna kung gusto mo. Puwede kang sumandal sa 'kin." I didn't know why I said that!

Nakita kong nag-smile siya sa 'kin at walang alinlangang sumandal sa balikat ko. From that moment, I could feel the enrgies became more intense, but not in a chaotic way. Hindi pa nga ako naka-recover doon sa compliment niya, lumala pa n'ong maramdaman ko 'yong init na galing sa ulo niya.

"Gusto ko sanang kunin yung isang earphone para makinig tayo ng music," panimula niya." Sa fact pa lang na nag-pause siya, alam ko na may sasabihin siyang magpapaingay ng nararamdaman ko, " . . . pero mas gusto kong naririnig yung tibok ng puso mo." And that hit me. Tagos. Directly at my heart.

Alam ko, noong mga oras na 'yon, kahit naririnig ko 'yong makina ng kotse ni Khalil, kahit naririnig ko 'yong iilang mga sasakyan na bumubusina, kahit na naririnig ko 'yong lyrics na, "It's a love story, baby, just say yes," mas nanaig pa rin 'yong ingay na nanggagaling sa puso ko— 'yong ingay na hindi ako magrereklamo kahit paulit-ulit ko pang marinig, 'yong ingay na hahanap-hanapin ko, 'yong ingay na pinapakalma ako.

Mapayapa.

Pagmamahal.

At alam ko kahit hindi siya magsalita, kahit hindi ko marinig mismo sa tenga ko, ako pa rin 'yong nilalaman ng puso niya.

Ang sarap malaman na parehong mga pangalan namin ang sinisigaw ng mga puso namin. Kahit nga 'di magkausap nang literal . . . alam kong nagsasagutan ang nararamdaman namin, kapwa ipinaparating at sinasabi na, "Naririnig kita."

٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

Love Maneuver (LOVE TRILOGY #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon