✭ LOVE MANEUVER 32 ✭

5 1 0
                                    


٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

"We need to talk about it first. Remember, first draft pa lang 'to. Raw pa 'yan. We have to make sure na okay sa both parties 'yong agreements. Basahin mo 'yong contract, woy," I said to him. He was so excited pa naman, nilalaro 'yong ballpen sa kamay niya. Tinigil naman na niya 'yong ginagawa niya at nilapit 'yong contract sa mukha niya.

"Oo nga, baby, 'a? 'Di ko din naman napansin, excited na kasi talaga akong pumirma, eh!" natatawa niyang sinabi. Napailing na lang ako sa sinabi niya. He even added, "Okay lang 'yun. Marami pa naman tayong oras, sulitin natin! Nga pala, baby, pagkatapos nito 'di ba, ipo-post na natin mga 'to?" Saglit niyang kinuha 'yong developed pictures namin. Ano 'yan, boy, 'di maka-move on? 

Napa-smile na lang ako habang tinitingnan siya. "Yes, after . . . pag-uwi na siguro. I already sent it sa gmail mo. Na-receive mo na ba? 'Yong time pag-usapan na lang natin mamayang kauwi. Dito na muna tayo . . . kasama ka." Umangat 'yong tingin niya, tinuro 'yong sarili niya na parang batang nagtataka. Para namang sira 'tong Mark na 'to. Napailing na lang siya nang sampalin ko 'yong hangin.

"'Di ko pa nakita. May pinagkakaabalahan kasi ako," sagot naman niya, umayos ng upo. He looked so neat, wearing a polo with a white shirt in it. Napatango na lang ako sa kanya. 

"So, ready ka na ba? Let's talk about this contract para agad tayong makauwi at mapa-print pa natin sa palengke. Wait, may load ka naman, right? Wala ako. Need natin para ma-edit 'yong document." May pa-main copy of the contract pa kami, 'di pa pala namin siya masa-sign. But at least, we had this time to spend more time together.

"Teka, baby, gutom ka ba ulit? Nauuhaw? May something ka ba na gusto? Bili na muna ako, ayokong malipasan ka." Lumilinga-linga siya to search for food. Kumain na nga kami kanina, eh. Maraming nakapalibot na stalls. Sakto lang naman 'yong mga tao, banda rin naman kami sa side. Tumingin ulit siya sa 'kin, nakatingin lang ako sa mga mata niya. Tumaas-taas pa 'yong kilay niya, reminding me na naghihintay siya ng response from me.

"No. Okay na 'ko dito," tukoy ko nang hindi inaalis 'yong tingin sa mga mata niya habang nakangiti ako.

"Kainis, bakit ang ganda-ganda mo?" tanong niya sa 'kin. That was the time I already started hearing my own heartbeats while looking at his eyes. Ang sabi pa niya, "Masaya ako na makita kang naka-smile na ganyan. Mas masaya ako kasi alam ko na ako yung dahilan n'yan. Pangako ko na gagawin ko makakaya ko para lagi kitang mapasaya nang ganyan. Baby, gusto ko na lagi kang naka-smile para sa 'kin."

Butterflies started to wander around my stomach, reminding me to keep looking at this man in front of me, with those sparkling eyes I want to see every moment.

"Thank you for being the reason why I have this smile. Thank you for lighting up my every moment."

"Tara na, baby, pag-usapan na nga natin yung contract! Baka kasi mahalikan pa kita d'yan, eh." Natatawa niyang sabi habang nagkamot pa ng ulo. Nilagay pa niya mga kamay niya sa dibdib niya. 

The one thing I knew that time— I was brave for love. I decided to express my love for him genuinely and I'll always be grateful to him for making me feel this way. Ang sarap pala talagang ma-in love. 

"Start na tayo! Wait, all in all, 9 lang pala 'tong agreements? Another wait, ba't lima lang 'yong sa 'yo? I thought pito? Gaya ng sabi mo!" I pointed out while holding the sliding folder.

"Tinanggal ko na 'yun, baby. Yung sa 'yo, bakit apat lang? 'Di pa ginawang lima para sampu?" Tiningnan ko 'yong dalawang kamay niyang naka-form ng four fingers and five fingers. Ang cute naman!

"I actually considered you! Pero ignore mo na lang, nandito na rin naman na. Okay na muna 'to. Hold mo na 'yong contract mo. Let's talk about the agreements isa-isa. Wait, what do you suggest ba?"

Love Maneuver (LOVE TRILOGY #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon