✭ LOVE MANEUVER 25 ✭

15 2 1
                                    


٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

The day that Mark has been waiting for came. Ako rin naman, I wouldn't deny that I am so excited. Halata naman sa suot ko. I wore a simple white dress, partnered with the bracelet he gave me. Nagsuot na rin ako ng white thick headband. I feel so lovely in white. I feel happy that love made me feel this way. It was as if I was reborn again. 

Nasa loob pa lang ako, nakita ko na si Mark, na nakatingin sa akin. It was as if he had seen an angel. Humaba pa kasi 'yong leeg niya, gumagalaw talaga 'yon so I crazy assumed na nakatingkayad siya. 

Naka-smile akong tumawid habang nakatingin sa kanya. Kaso, ako na gaga, may paparating palang tricycle kaya agad na tumakbo si Mark papunta sa akin. May narinig pa ako na may bumagsak sa semento. Buti na lang mabilis niya akong naiwas d'on sa motor. He was breathing hard. "Buti na lang. Salamat!" Ramdam ko kamay niya sa braso ko.

"Kuya, sorry po!" paglingon ko sa tricycle driver na nasa likod namin na nakatingin sa amin. Tumango lang ito saka umalis na.

"Thank you and sorry . . . wait 'yong . . . helmet nabasag. Babe, sorry . . . " Nakita ko 'yong helmet na nasa right side namin, basag 'yong shield. Tumingin ako sa kanya saka umiwas din ng tingin. Nakaka-guilty. Ke-bago bago palang yata n'on. It was white.

"Sabi ko 'di ba mag-iingat ka, baby? Ito naman, ingat ka lagi, 'a? " He just ignored what I said. Hinawakan niya 'yong braso ko. He was wearing a white shirt and black pants. Kita kong may suot pa siyang silver necklace.

"'Yong helmet, pa'no na n'yan? Sorry talaga, babe. Sorry." Yumuko ako. Itinangala naman niya ako.

"Helmet lang 'yun, mas mahalaga ka sa 'kin. Ingat ka lagi, 'a?" Basag talaga 'yong shield. "Baby, sagot ka. Ingat ka, 'a?" Napatingin ako sa kanya, ngumiti siya sa 'kin, hinawakan pa 'yong tuktok ng ulo ko, hinimas 'yon to remind me that everything is okay.

Trying to lighten up the mood, tumawa na lang ako. "Baka kasi masyado lang akong nagwapuhan sa 'yo."

"Kung gan'un okay lang na ako masisi. Nasiguro ko naman na ligtas ka."

He just smiled again at hinila na niya ako papunta sa motor. "Dito ka lang, 'wag malikot, baby, 'a?"

Pinulot niya 'yong helmet. Gamit naman 'yong paa niya, tinabi niya 'yong mga bubog sa gilid. 

"Baka may tumarak sa shoes mo," I reminded him. Lumingon naman siya sa 'kin at naka-smile na nag-thumbs up sa 'kin. Pumasok na rin siya sa kanila para iwan 'yong basag na helmet. May mga gasgas pa nga 'yon. Puwede pa bang mapalitan 'yon? I honestly don't know about that. I hope so. Nakaka-guilty talaga, eh.

Umalis na rin kami. Isinuot niya sa 'kin kanina 'yong supposedly na helmet niya. Kumontra pa nga ako sa kanya, kahit na nakasuot na sa 'kin 'yon kasi siya 'yong magda-drive, eh. Mas importante 'yong safety niya. Pero, ang sabi niya para daw safe ako. Remembering it, oo nga, wala rin naman pala kaming nadadaanan na check point, but still, we have to make sure the our safety is our top priority.

When I remembered the reason why I wore a dress, I said, "Mark, meron ka bang classmate na alam 'yong pirma mo?"

"Oo, baby. Bakit?"

"Would you like to do some crazy thing with me?"

"Hindi tayo papasok?"

"Yes! Gusto kitang makasama ngayong araw na tayong dalawa lang."

"Hindi na ako tatanggi, 'a?"

Natawa kami sa isa't isa.

Supposedly, ang napag-usapan namin, after class 'yong date namin. Eh kaso, thinking about it, puwede naman kaming mag-skip, knowing na hindi naman din tumitingin 'yong mayor namin. Si Kate na lang bahala. Besides, hindi naman 'yon magkakaroon ng effect sa overall grade ko.

Love Maneuver (LOVE TRILOGY #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon