✭ LOVE MANEUVER 30 ✭

6 1 0
                                    


٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

I can still remember the kiss we shared. Like, seriously, ganito ba talaga 'pag in love? May magagawa at magagawa ka na hindi mo inaaasahan. At parang kapag tinawag ka ng "love," wala ka nang pake sa paligid mo. We kissed in the university! Na parang kami lang! Like . . . love is the only thing that mattered.

After universtiy, we decided na magtusok-tusok muna kami. Ang tagal ko na ring hindi nakapunta rito. 'Yong last time ay 'yong hindi pa kami ni Mark at bigla siyang sumulpot— 'yong tinusok niya 'yong hotdog ko at sh-in-oot pa 'yon directly sa baso ko . . . at 'yong day na muntik na akong masagasaan, pero nasalo niya ako! Ang dami na rin pala naming na-experience.

The money we used was from our savings. We already agreed na magshe-share kami sa expenses namin. Not totally shared lagi, we still talked about the things like surprises na gagawin nang isa't isa— own effort to express love. Basically, may sariling gastos pa rin naman, but the simple things like this, sa shared savings na namin kukunin. 

Napag-usapan pa nga namin if mag-o-open ba kami ng bank account, pero I suggested na huwag na lang muna. He even asked kung sino hahawak ng mga pera namin, worried siya na 'pag siya raw, baka mawala or ma-misplaced, kaya I volunteered. May two choices kami sa pagbibigay: it's either daily or weekly. The thing is . . . walang exact amount kaming nire-require sa isa't isa. It should always be genuine 'yong pagbibigay and we reminded ourselves na walang judgment, kung ano lang 'yong kaya— walang pressure. May acceptance palagi.

Bumili pa nga kami ng buko juice after. Tig-20. Una niyang binigay sa 'kin 'yon and he even reminded me na dahan-dahan lang daw sa pag-inom, baka mabulunan daw ako. He even said na may binili raw siyang tissue na nasa side bag niya. I just simply nodded while observing him. He was wearing a white shirt that time. May suot pa siyang silver necklace with a cross pendant. 

Dahil sa pag-o-observe ko sa kanya, kulang na nga lang mabulunan ako n'ong nahuli niya mga mata ko na pinagmamasdan siya! Like, seriously, bakit dati, ang pangit niya sa mga mata ko? Naaasar ako sa kanya at nayayabangan ako! But now . . . gets na gets ko na bakit ang daming girls na nagkakagusto sa kanya! I must say na 'yong killing features niya ay tatlo: 'yong makapal niyang kilay, 'yong hulma ng panga niya, at 'yong mapula niyang labi. 

Ang guwapo ni Mark.

Agad naman siyang kumuha ng tissue sa side bag niya para iabot sa 'kin at ang sabi niya, "'Di ba, ang sabi ko naman sa'yo, dahan-dahan lang? Ito oh, kunin mo 'to, baby." Kinuha ko naman 'yon sa kanya at pinunasan ko bibig ko. Buti na lang 'di gan'ong nabasa shirt ko! "Haharap muna ako dun para 'di ka mabulunan ulit," dagdag pa niya. Nakita ko pa ngiti niya. Loko-loko talaga and I admit, na-distract nga ako sa kanya!

Naglibot pa kami sa palengke noong gabing 'yon. He said na bibili raw siya ng tsinelas. 

"Ba't dito ka bumibili? Wait, don't get me wrong, just asking." Curious lang talaga ako! 

"Mura kasi, baby. At affordable," sagot naman niya sa 'kin at lumapit sa mga tsinelas na nasa semento. The price range was from Php 200 to Php 100. Hinayaan ko muna si Mark na pumili. Pinagmasdan ko na lang 'yong likod niyang nakayuko para abutin 'yong mga 'yon. Ni hindi niya na sinukat 'yon, tiningnan lang niya.

"'Yon pala difference na 'tin, 'no?" I said, habang nakahawak ako sa balikat niya. Nakabili na siya ng slippers niya at naglalakad na kami papunta sa kanto namin, nasa kanan niya ako. Panay sulyap pa nga siya sa daan just to make sure na bantay-sarado niya ako at maprotektahan ako sa mga sasakyan.

"Ano 'yun?"

"Whenever I buy something, lagi kong kino-consider 'yong quality."

"Sinasabi mo ba, baby, na hindi matibay yung binibili ko?"

"Offended ka? I didn't mean it that way. Wait, oo nga 'no, somehow, I wasn't aware of that since I've always focused on the quality 'pag nabili ako. And I think influence na rin ni Kate," sabi ko. "Matitibay ba mga binibili mo? I observed din kasi, the products here in the marketplace, na the higher the price, the higher the quality is."

"Matitibay naman depende sa gagamit. Praktikal din kasi yung iba, baby," sabi naman niya sa 'kin. 

"Okay, I understand. Pero investment na rin kasi at kung i-a-analyze mo, in the long-term, mas makakatipid ka talaga kung 'yong mahal na 'yong binili mo. Pero okay . . . choice naman nila 'yon at oo nga 'no, I forgot na iba-iba tayo ng situation sa buhay kaya thank you for saying this."

Tumingin siya sa mga mata ko. "Marunong naman akong mag-alaga, 'a? Patitibayin ko."

I got what he was trying to say. Kaya, "Isusuot ko naman 'yong tsinelas, Mark. Sasamahan kita kahit saan ka magpunta."

"Sasamahan din kita, baby." Hinawakan niya 'yong kamay ko, hindi tinanggal 'yong mga mata sa 'kin. "Isusuot ko rin 'yong isang tsinelas. Ano man yung makuhang dumi ng tsinelas natin, hawak-kamay nating lilinisin." 

٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

٩꒰。•‿•。꒱۶Drino Wang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Love Maneuver (LOVE TRILOGY #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon