✭ LOVE MANEUVER 43 ✭

4 1 0
                                    


٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

After naming mag-picture ni Mark, hinawakan niya kamay ko without saying anything then nagpatangay na lang ako sa paglakad niya pabalik sa lugar namin. That time, nakalubog 'yong paa namin sa dalampasigan, so we could take a picture habang bumababa na 'yong araw.

The weird thing? I could feel how happy he was just by basing it on his footsteps. Mabilis pero hindi nakakasakal 'yon. It was as if his footsteps was speaking to me.

I saw the two, Kate and Khalil, shared a moment together habang nakaupo sila sa isang beach folding chair. Nakakandong talaga si Kate sa lap ni Khalil, nakangiting hawak 'yong phone niya, inviting Khalil to take a selfie with her. Sa katawan din ni Kate, mafi-feel talaga from here 'yong energy na katawan niya.

And the fact pa lang na nakita ko kanina na ang dami na niyang pictures sa IG stories na parang powerpoint presentation pa nga tells me na enjoy na enjoy 'tong gagang 'to. I'm happy for her.

Sana lang huwag masira happiness ng best friend ko, kasi my judgmental side tells me na baka matumba sila, eh mas malaki pa si Kate kay Khalil. Although the difference is not that big. I still hope huwag mangyari 'yon. 

"Inggit ka ba sa kanila, uy?" si Mark. Naglalakad pa rin kami papalapit sa dalawa, but I stopped walking when I heard that. Hinarap ko siya. I really tried so hard na huwag ako ma-distract sa katawan niya, especially kay Mucy. Understandable naman na napatanong siya, the way pa lang na tingnan ko sina Kate.

"Bakit naman ako maiinggit?" I seriously asked. Tiningnan siya, mata sa mata. I'm curious to hear his answer. I mean, why would he asked that?

Nag-iwas siya ng tingin at bumuntong-hininga. "Baka boring akong kasama. Wala lang. Tingin ko lang kasi. 'Yaan mo na yun."

Naramdaman ko 'yong pagsabay ng paghampas ng hangin at ng alon after niyang magsalita. Lumipad 'yong ilang hibla ng buhok ko. Hinawakan ko mga 'yon at inilagay sa tenga ko. "Hindi natin kailangan na laging magsalita to enjoy our moment together. Kung nasa'n ka, and'on ako, basta kasama ka, okay ako. Kahit tahimik pa 'yan, basta magkasama tayo, okay na. But I appreciate you for voicing this out and I want you to know na naririnig kita, papakinggan kita anytime you need me," sabi ko sa kanya, assurinh him that it was just okay. "Pero curious ako, woy, tanungin kita about dito. What do you feel kapag kasama mo 'ko? Imagine kahit hindi ako magsalita."

Napakunot naman noo ko nang bigla siyang lumuhod, nakita ko likod niya na may mga konting pawis. "Sakay ka muna sa likod ko, baby. Gusto kita buhatin."

"'Pag ikaw 'di sumagot," sabi ko na lang saka sumampa sa likod niya, without minding 'yong mga pawis niya. That doesn't matter. Yumakap talaga ako sa leeg niya at naramdaman pa nga ng kamay ko 'yong paglunok niya. That time, I didn't prevent myself from smiling kasi I also felt an electric charge when our bodies ignited as one— a love response.

"Kahit 'di ko marinig boses mo, basta alam ko na kasama kita, parang nagsasaya yung puso ko, baby. Mga problema, kapag kasama ka, biglang nawawala, alam mo yun? Lalo na 'pag nakikita ko yung ngiti mo, yung mukha mo. Parang nasa loob na ng puso ko yung pangalan mo na kahit 'di kita nakikita, may dahilan lagi ako para maging masaya," sabi niya. From that moment, I didn't even need to see his face to prove that he was happy. Sa tone pa lang ng boses niya, alam ko noong mga oras na 'yon ay nakangiti siya. Ramdam na ramdam ko pakikipag-usap ng puso ko sa mga sinabi niya. "Oo nga, baby, tama ka. Akala ko boring 'pag 'di tayo nag-uusap. Salamat sa pagpapaalala, 'a?"

Ngumiti ako at nilagay palad ko sa pisngi niya. I wanted to feel his face. Hinaplos ko talaga 'yon nang dahan-dahan. I even felt his reaction, then he acted like it was nothing by simply chuckling. Boy, that's unnecessary, nahuli na kita, woy.

Love Maneuver (LOVE TRILOGY #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon