✭ LOVE MANEUVER 15 ✭

8 2 0
                                    


٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

Base sa behavior ng mga kasama ko, hindi pa naman sila ganong natamaan ng alak. Sabagay, mga 45 minutes pa lang yata kamiNG nandoon. While Dex, pulang-pula na 'yong mukha niya at sobrang tahimik na.

"Dex, ayos ka lang? Stop ka na. Magda-drive ka pa pauwi, woy."

"Ayos lang 'yan, baby. Ang hina naman." Si Mark, saka niya dinagdagan ulit 'yong baso ni Dex na sinamaan ko naman ng tingin, "'Di ba, pre, kaya pa?" sabi pa ng nakakainis na 'to. 'Di man lang naisip na magda-drive pa. Honestly, since this was the first time seeing Dex drinking an alcohol, I was a bit worried about him. Baka mamaya low tolerance pala 'to sa alak.

"Sira ka ba? Magda-drive pa 'yan pauwi!"

"I'm okay," sagot naman ni Dex, saka siya umupo nang maayos. Eh parang dumighay siya, na parang anytime masusuka siya!

Still, it made me worried. Knowing he's introvert, maybe he was struggling to say no, that's why he just cave in to peer pressure. Na nakakainis. Pinipilit ka sa bagay na ayaw mo naman, pero wala kang magawa, thinking na baka hindi ka tanggapin sa circle of friends. Na hindi lang naman 'yon 'yong reason para maramdaman mo na belong ka. Still, nakakainis talaga. Oo, nakakainis si Mark.

"'Kaw may kargo n'yan, 'pag may nangyari!" pagdiin ko kay Mark.

"Shhh, stop! Stop! Ang iingay. Kayong dalawa, you've been ruining the mood! Why don't we just dance?!" Tumayo bigla agad si Kate and she started dancing like crazy na sinabayan naman siyempre ng Khalil niya. Humawak pa talaga sa batok ng Khalil niya, tingin na tingin sa mga mata nila.

Humarap naman siya bigla sa amin. "Guys, stand up! Sayaw tayo! Ang boboring n'yo naman, ang haba ng gabi ano ba kayo! Let's go, tapos na ang finals, let's partyyyy!" Nakakagulat n'ong tumayo naman na si Dex. Ang nakakagulat pa, nang magsimula siyang iindak 'yong katawan niya. Sakto lang 'yong energy, parang nahihiya pa rin sa simple moves, unlike kay Kate, na kulang na i-declare niya sa lahat na kanya 'yong dance floor! 

"Nakakainis ka," sabi ko kay Mark saka ako tumayo na.

Tumayo rin siya saka tiningnan ako. "Kainis ka din."

"Shhhh, let's partyyyyyyyyyyyy!" sigaw bigla ni Kate sa amin, nag-move forward pa talaga 'yong ulo niya. Sobrang lakas, para siyang nasasaniban sa boses niyang 'yon or parang nagta-transform into something! Baliw! After n'on, bumalik siya sa pagka-poker face at gamit ang dalawang kamay niya, pinalipad niya bigla 'yong buhok niya palayo sa kanya, then agad na bumalik sa hyper mode ang gaga. Para siyang hindi nawawalan ng energy, sayaw talaga kung sayaw. Lasing na nga ang gaga.

Naglakad naman na ako palapit kina Kate para sama-sama kaming magsayaw. Si Kate naghe-headbang na nga, gulong-gulo na 'yong buhok niya, while si Khalil naman, naririnig ko sa kanya 'yong "woah!" Todo suporta pa sa gaga niyang girlfriend. Si Dex naman, gumagalaw pa rin 'yong katawan. Ako naman, todo iwas kay Mark na sunod nang sunod sa akin. Bakit kasi sunod nang sunod sa akin 'tong nakakainis na 'to? Ano'ng kailangan niya?! Kaya para 'di makahalata 'yong iba, nagpapanggap ako na sumasayaw from one place to another para lang maiwasan siya.

Pero ano pa ba, napatigil na lang ako nang naramdaman ko mga kamay ni Mark sa bewang ko at 'yong chest niya sa likod ng ulo ko, para akong nakuryente sa ginawa niyang 'yon plus the fact na ang init ng katawan niya. 

"Sorry na, uy," malambing na sabi niya. "Huwag ka na magalit sa 'kin."

Hindi ako sumagot. "Sorry na, uy. Huwag ka na sabi magalit sa 'kin," pag-uulit pa niya habang ramdam ko pa rin mga kamay niya at 'yong chest niya sa likod ng ulo ko.

Love Maneuver (LOVE TRILOGY #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon