٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino WangIba pala sa feeling na after an exhausting day surviving your acads, may isang taong naghihintay sa 'yo.
My special someone: si Mark.
Actually, kanina pa siya nakaupo sa bench. I don't even know kung ano schedule niya, my bad. But the fact that he's here waiting for me just made my heart flutter, it made me special. Kaya ako na gaga, pasulyap-sulyap ako sa kanya, ang tahimik kasi niya na nakaupo, not totally looking where our room was that time, he was just directly looking in front of him while swaying his head kahit wala naman siyang music na pinapakinggan. It was a nice moment of him. However, the result of my action was, "Humaharot 'yan, sis? I'm so happy for you!"
"Gaga ka, maganda lang 'yong view sa labas. Lumayo ka nga, woy, mabawal pa tayo sa ginagawa mo," bulong ko at inilayo katawan ko, sinulyapan 'yong prof namin.
"I-chika mo 'yan sometime, sis!"
Napailing-iling na lang ako bago ko tinapunan ulit ng tingin si Mark. Gan'on pa rin ginagawa niya. I wonder kung naiinip ba siya or he was just enjoying the moment while waiting for me.
After we were dismissed, agad akong lumabas. 'Di tulad ng dati, nakatingin na siya sa pinto and when our eyes met, I just smiled, while him, he waved his hand, sumabay pa 'yong kilay niya.
"Hi," simpleng bati ko, nasa harap niya ako, bandang side. Mula sa puwesto ko, amoy na amoy ko 'yong parang chocolate scent.
"Hi," bati niya. Saglit niyang inayos 'yong polo niya. Napansin kong tiningnan niya 'yong likod niya.
"Wala namang dumi, don't worry."
"Salamat. Tara?" Saka niya kinuha sa 'kin 'yong bag ko.
Naglakad kami nang nasa side niya ako. I don't know why that time, it felt different from the usual. Ang comfortable lang talaga, kahit na alam kong pasulyap-sulyap mga kaklase ko. No tension, walang ilang or whatsoever. At kahit na ang tahimik ni Mark, I didn't feel na nag-iisa ako. His presence was enough.
"Uy . . . kumusta naman studies mo?" tanong niya mayamaya, as if narinig niya ako, or maybe I was staring at him or should I say observing him. Nasa CEA na kami, pababa na 'yong araw, kita ko sa mukha niya 'yong konting sinag ng araw at 'yong shadow.
"Good, nothing to worry about. Ever since naman. May course lang na challenging, pero kaya ko naman. Ba't mo natanong?"
"'Yun naman pala, wala lang para may mapag-usapan. Ang boring ko yatang kasama."
"Woy, ba't mo naman nasabi?" That time, malapit na kaming makalabas sa university gate.
"Eh hindi kita kinakausap."
"Sira, 'di naman big deal."
"Oo sa 'kin. Pasensya na, first time ko lang kasi."
"Joke ba 'yan? Seriously, Mark? First time mo, as in ako 'yong first ano mo . . . 'yong . . . first ano mo, basta!" Hindi ko masabi. Facepalm!
"Ano 'yun?" Ngumiti siya saglit, tapos agad ding nagbalik sa dati. "Oo, ikaw pa lang. More on crush crush lang ako n'un. Sensya na talaga, sinusubukan ko naman."
"Nagte-text ka naman sa 'kin, woy, lakas ng loob mo d'on always." Tumawa ako, para kahit papaano, mapagaan ko 'yong environment.
Ever since we started our relationship, he didn't miss a day and night greeting me 'good morning,' 'good night,' 'kain na,' and 'mahal kita.' Doon pa lang, na-a-appreciate ko na siya.
"Kahit na, tingin ko kasi kulang pa 'yun."
"Alam mo, mamaya na nalang na 'tin 'to ituloy, Mark. Woy, papuno na 'yong jeep, dali habol tayo!" I exclaimed para na rin makasakay na kami.
BINABASA MO ANG
Love Maneuver (LOVE TRILOGY #2)
Storie d'amoreLove contract. 'Yan ang napagkasunduan nila matapos madiskubre ang pagmamahal sa isa't isa. Pinakinggan ang sinasabi ng mga puso nila, pero paano ba nila patatakbuhin ang pagmamahal nang magkasama? Sapat ba ito para mapanatili nila ang biyahe sa pag...