✮ LOVE MANEUVER 01 ✮

72 4 8
                                    


A/N: Do not read this kung alam mo sa sarili mo na 'di mo pa nabasa yung Book 1. I'm telling you, hindi mo 'to ma-e-enjoy. Save yourself and read the first book, "Love Ride."😎

٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

Ano 'yong ideal partner mo?

N'ong nakilala ko kasi si Mark, I remember na wala akong s-in-et na standards for my ideal partner.

Biglang nangyari na lang 'yong sa 'min, without forcing my heart to follow that standards I had set, if ever na meron nga.

Dapat ba guwapo, mabait, mayaman, maalaga, god-fearing, family-oriented, malinis, macho at kung ano-ano pa?

Dapat complete, close-to-perfect?

I know it's normal to set standards. Good for them.

Pero . . .

Kay Mark kasi, siguro, dahil lang sa naramdaman ko siya.

Naramdaman ko na mahal niya 'ko.

Enough na sa 'kin 'yon. Wala nang standards standards.

Ang mahalaga, naramdaman namin na mahal namin isa't isa.

We went to experience that love process.

Minsan kasi, kahit sobrang taas ng standards na na-set, kung naramdaman mo na, ayon na 'yong point na siya na talaga.

Mabibigla ka na lang, without preparation. Natural lang.

After that night of January 01, na sobrang saya ko kasama si Mark lalo dahil sa mga nangyari sa Ferris Wheel, natapos 'yong gabi namin n'ong hinintay niya akong makapasok sa amin.

Tulad ng dati, ang lakas talaga ng loob niyang asarin ako. Pa'no ba naman, nanghingi ng flying kiss sa 'kin.

Nakakabigla rin kasi, not in a negative light naman na I feel not safe or not comfortable about it.

It actually felt home, pero kinailangan kong huwag ipakita 'yon sa kanya.

The following days, it felt more nerve-racking and thrilling sa part ko.

There's this awkward situation pa rin kasi na 'di maiwasan. Maybe, I just need to be used to it and be able to adjust to this new love situation.

Eh kasi naman, ang gago, grabe lang 'yong ginagawa niya sa 'kin. Hindi niya pinagpapahinga 'yong puso ko. Ganto pala 'yong feeling, 'no?

Hindi ako makasabay para makaganti man lang at makabawi. Sobrang lakas ng Mark effect sa 'kin, ewan ko ba.

Tanga na yata talaga ako.

Pinapaulanan niya kasi ako ng, I love you, baby messages, Good morning, Good Night, Ingat ka, baby, every day, every, night.

Parang gago.

Eh kasi, nararamdaman ko talaga sa tiyan ko, tapos ʼyong init tumataas sa pisngi ko hanggang sa mamamalayan ko na lang na sinampal-sampal ko sarili ko.

Parang baliw lang, pero aaminin ko na naku-cute-an ako sa sarili ko.

It has been a week pa nga lang since n'ong nakasama ko siya. Wala pa rin kasi kami sa phase na ready na kaming sabihin sa mga family namin. Which I think is okay. We both agreed about it naman. We just need time. We don't need to hurry.

Pero, ang gago kasi talaga ni Mark, na gusto ko naman 'yong pagiging gago niya kasi aaminin ko, oo na, hulog na hulog ako sa mga ginagawa niya. Nakakabuwisit naman, pero nakakikilig, ewan ko, ganito ba talaga 'to?

Paano ba naman, 'pag nakakasabay ko siya sa service, pasikreto niyang hinuhuli 'yong kamay ko tapos pinipisil niya 'yon. Ako naman, pinanlalakihan ko siya ng mata 'pag nangyayari 'yon, eh siya namang gago, mas pinipisil niya 'yon at ngumingiti lang at tumitingin sa harap na parang wala lang habang nakahawak pa rin sa 'kin. Kaya ako, mabilis kong hinaharang 'yong bag ko.

Love Maneuver (LOVE TRILOGY #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon