٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang"Baby, okay ka lang?" rinig kong sabi ni Mark. Napatingin ako sa kanya. Nakataas 'yong kilay niya. Dating kaharap ko, tumayo pa nga siya para lumipat at tabihan ako. Naramdaman ko pa likod ng kamay niya sa noo ko. "Alam ko nasa contract natin na hayaan natin mag-open isa't isa. Kaya lang, hindi kasi ako makatiis. Kanina ka pa tahimik. Nag-aalala ako. May something ba na nangyari sa bahay n'yo, baby? Tungkol ba sa 'kin 'to, baby? May nasabi ba ako sa 'yo na 'di mo nagustuhan? O kaya nagawa? Makikinig ako."
We went at the mall. We agreed to spend this time together. We played games, rode some rides, took pictures together, watched cinema, and spent time while sitting in the waiting area at the supermarket to just sit comfortably. He even tried to suggest to buy some snacks, but I declined.
"Thank you sa concern, Mark. And sorry kung hindi ko agad sinabi, napag-alala pa kita." Hinawakan niya mga kamay ko, reminding me that his attention towards me is undivided. I actually feel guilty about not having the 100% of my attention while I'm with him. Babawi na lang ako sa susunod. "Si Mama kasi."
"Ano'ng nangyari kay Tita? Sana wala!" Tumaas 'yong tono ng boses niya.
"Hindi 'yong iniisip mo. Mama is fine, nakakainis lang siya."
Hinaplos-haplos niya mga kamay ko. Ang init ng mga kamay niya. "Kasi?"
"Sinabi ba naman ni Mama kay tita Lorna na mag-set daw sila like the family bonding we experienced n'on sa lola mo. She reasoned out para daw 'yon celebration ng relationship natin, as if naman need natin ng tulong. And then I got mad," I admitted. Kahit papaano naman, na-lessen 'yong inis ko. Maybe I was comforted by the fact that I got his genuine attention.
"Bakit? Ano masama dun? Nalaman din naman na nila, 'di ba, baby?"
I placed my hands on my chest. "Yes, pero ang gusto ko, tayo 'yong magde-decide! Pinangunahan kaya nila! Bakit kailangan nilang magmadali?! Why do they need to interrupt? Why don't they let us do whatever we fucking want in this relationship?! Kasi tayo 'yong nagmamahal, hindi sila! Hindi ko gets bakit kailangan nilang makialam!" I reasoned out. Ramdam ko talaga inis ko sa lalamunan ko at sa sentido ko.
"Uy, baby, relax ka lang, baka mapano ka. Ito yung mineral water, inom ka muna," sabi niya saka inabot sa 'kin 'yon. Napatingin na nga sa'min 'yong mga tao. "Baka kasi gusto lang ng mama mo na masurportahan ka? Minsan kailangan din natin ng tulong ng iba, eh. Wala pa naman binanggit sa 'kin si mama, itanong ko na lang tapos balitaan kita, 'a? Relax ka na. Enjoy natin yung araw na 'to."
"To the point na gan'on? Kung gusto niya pala akong masuportahan, I would have appreciated it kung naghintay na lang siya, not that way."
"Pupunta rin kasi naman tayo dun sa part na 'yun, baby. May mga bagay rin na hindi natin mako-control. Kaya, relax na, baby, 'a? Smile ka na. Hahawakan ko kamay mo, sasamahan kita. 'Wag ka mag-alala, 'a? Haharapin natin 'to nang magkasama. Smile ka na, uy!"
Tinaasan ko siya ng kilay. "Pinaparating mo ba sa 'kin na pangit ako 'pag 'di ako naka-smile? You always remind me to smile. Somehow . . . I thought that possibility na gan'on sinasabi mo! You don't appreciate every part of me? Gan'on ba? Pangit ako sa mata mo, woy? Pangit ako?!"
Bigla siyang tumawa. "Baby, sa dami nang sinabi ko 'yun talaga napansin mo?"
"Talaga! Kaya sumagot ka na! Nakikita mo 'tong kamao ko, woy? Dadapo 'to sa mukha mo, huwag mo akong sinusubukan! Ano sasagot ka or what?"
Nakita kong pigil na pigil siyang tumawa.
I mouthed, "Ano?" I really prolonged it, waiting a response sa nakakainis na 'to.
Wait nga lang, Celine! Bakit bigla naging gan'on reaction mo? He's right! Bakit 'yon pa napansin mo?
"Alam mo naman na yung sagot sa tanong mo," panimula niya. Hinawakan niya kamay ko pero iniwasan ko 'yon, kaso mapilit kaya inabot niya ulit 'yon. "Baby . . . kung paano pa lang kita titigan, mararamdaman mo na 'yun. Kulang yung salitang 'maganda' para maiparamdam yun sa 'yo."
Ano pa ba, nakuha ako ni Mark. My heart started beating, overpowering the annoyance I felt a while ago, reminding me to just savor this moment with Mark.
Umuwi na rin kami pagkatapos, but I suggested na huwag muna. I asked him if interested ba siyang kumain ng streetfoods. I want to spend more time with him. And he happily agreed. Kaya we went to palengke. Ip-in-ark niya saglit 'yong motor, he even asked me to wait doon sa mismong location ng tusukan, but I stay firmed about my decision to wait for him. I even said, "Huwag kang tatanggi, woy. I want to be with you!" Tumagal pa nga 'yong mga mata niya sa 'kin dahil sa sinabi kong 'yon. Napa-smile na lang ako. Magkahawak-kamay naman kaming nagpunta sa location ng streetfoods.
Suddenly, while waiting for him, observing his back, because he had asked me to allow him to serve me, a memory revisited my mind. Iba rin pala 'yong effect ng physical location sa isang tao, 'no?
One thing I learned from Marketing is that . . . essential talaga 'yong physical location to attract customers plus the emotional experience it delivers. You really have to be strategic choosing a location for your business!
Kung titingnan, 'tong location niya, nasa center siya ng stalls here in the market. Every day, especially tuwing pagabi na, nagkukumpulan talaga 'yong mga tao from different walks of life. It reminds me of a community who continues to strive after an exasperating day. Thankful talaga ako sa place na 'to kasi sa tuwing nai-stress ako, I always go here to eat. And just seeing people, who are just like me, eating and fighting for their lives, makes me motivated to continue living and chasing whatever dreams I have.
Aside sa community it offers to me as an emotional experience, it also reminds me of the core memory I had with Mark. That day na sinave niya ako. Who would have thought that the emotional experience this location it offers has now a special place to my heart? Lalo na, naging part na 'to ng quality time namin together.
I saw Mark smiling when he walked forward. Nasa dalawang kamay niya 'yong isang malaking baso na may dalawang stick. Ang sabi niya share na lang daw kami. He even said, "Mainit pa, hahabulin ko muna."
"What if maarte ako?"
"Uy, nagtu-toothbrush at mouthwash naman ako," he said. He was cute!
Napa-smile na lang ako. "Wait mo 'ko, ako na bumili ng buko juice!"
"Baby, maya na, mawala lamig nun. Lapit ka na sa 'kin para masubuan na kita. Hayaan mo 'kong gawin sa 'yo 'to, 'a?"
Tumango na lang ako. Hinabol niya nga muna talaga 'yon. Naka-smile pa siya. Humawak pa ako sa wrist niya na nakahawak d'on sa baso, to assist myself.
"Let me serve you too," I proudly said. Napakamot lang siya ng ulo saka binaba na 'yong baso para iabot sa 'kin 'yon. I just simply smiled and placed my hand on the stick.
His presence always make me calm and these simple moments we have make me feel alive and loved.
٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang
BINABASA MO ANG
Love Maneuver (LOVE TRILOGY #2)
RomantizmLove contract. 'Yan ang napagkasunduan nila matapos madiskubre ang pagmamahal sa isa't isa. Pinakinggan ang sinasabi ng mga puso nila, pero paano ba nila patatakbuhin ang pagmamahal nang magkasama? Sapat ba ito para mapanatili nila ang biyahe sa pag...