✭ LOVE MANEUVER 36 ✭

8 1 0
                                    



٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

Alam mo 'yong feeling na ang ganda-ganda ng araw mo tapos bigla-bigla na lang masisira kasi may mga nakakainis na mukha kang nakita? 

Kagaya ng nangyari nang umuwi kami ni Mark. Nadatnan ko mukha nilang dalawa, nasa sofa 'yong isa, nagbabasa ng libro, 'yong isa naman kalalabas lang, papunta na yata sa banyo. Sino pa ba: si Teresa at nakakainis na kapatid kong si Bryle.

Kung sanang nakakapunta na ako sa bahay nina Mark, sa kanila talaga ako matutulog.

"Anak, nakauwi ka na pala. Kain ka na. Huwag mo kalimutang takpan yung ulam. May cake rin sa ref," sabi ni mama saka tumayo. 

Gusto ko sanang sabihin sa kanya na, 'Ma, natural nakauwi na ako kasi nakita mo na 'ko. Wow nagamit mo mga mata mo. Amazing! Let's celebrate!' Imagine me rolling my eyes and saying whatever. Thankful naman din ako sa concern niya, kaso naiinis pa rin ako noong mga oras na 'yon kaya ang sagot ko na lang, "Busog pa ako, Ma. Kasama ko si Mark. Hindi ako pinabayaan n'on." 

Malalagpasan ko na sana si mama, pero ang sabi niya, "Dapat lang, sweetie, aba, sa ganda mong 'yan, dapat inaalagaan!" Ewan ko na lang sa 'yo, Ma. Nakita ko naman 'yong kapatid ko na nakatingin sa amin kaya tinaasan ko siya ng kilay. Wow, nag-agree pa talaga ang isa pang mayabang. As expected. At ba't naman kasi sinabi ko pa 'yon? I shook the thought of my kagagahan and simply shifted my focus to changing my clothes kasi kating-kati na ako, gusto ko na maghilamos!

But . . . 

"Sweetie, reserve your sharing for another day. I want to hear what happened today with you two." Tukoy niya sa amin ni Mark. She was pertaining about the everyday-kuwentuhan-session. 

"Do you really think pati 'yon, Ma, ishe-share ko? Hindi ka ba aware sa privacy? I don't agree with that. Don't use your authority to control us," sabi ko. I could feel my heart starting to beat. I mentally reminded myself that I should stay calm and be aware of my slow breathing.

"Ah si ate ganun kaya kami ni Mama. Sinasabi ko sa kanya nangyayari sa amin! Saka bakit ganyan mo pagsalitaan si Mama, sumunod ka na lang," si Bryle saka lumapit sa amin at dumiretso sa sofa. Sinindi niya 'yong cable namin. Lakas naman ng loob nitong gagong 'to!

"Hiningi ko opinion mo?" I sarcastically asked. Isinampa niya 'yong dalawang paa niya sa sofa. Tumingin ako kay Mama. "I respect your authority, but you should know your limitation, Ma. Our relationship is only for us. Hindi namin obligasyon na mag-share sa inyo. Whatever is happening between us, amin na lang 'yon. It would be just our conscious and mutual choice if we would be vocal about those. Not this way. Enough with the pressures. Enough with the social approval. Magmamahal kami nang malaya. At ikaw . . . " Lumingon ulit ako kay Bryle, "hindi ka aso. Hindi ka puwedeng basta-basta sumunod lang. May sarili kang isip, gamitin mo. Wala rin akong pake kahit gumamit ka pa ng megaphone sa pinagshe-share mo kay Mama."


***


That night bago ako matulog, nag-text ako kay Mark. I told him na gusto ko siyang kausapin. We actually agreed beforehand na huwag muna mag-usap para magpahinga na kaso hindi ko mapigilan. Besides, naiinis pa rin ako. Naiisip ko pa rin sinabi nila. Am I wrong for wanting to make our relationship private? Hindi ba tama na in every relationship, there should still be a privacy? 

And I really want to talk to him.

"May nangyari ba sa 'yo, uy? Hindi ka makatulog? Makikinig ako," sabi niya. Saglit akong bumangon para sumandal sa headboard. Nag-uusap lang kami through phone call. That time, kahit willing naman siyang makinig, I didn't want to dump my annoyance with my family. At kahit aware ako about doon sa isang agreement sa contract, being free to open up without pressuring each other, I didn't mind pointing it out to him. Mas gusto ko siyang kausap.

"Naabala ba kita? Inaantok ka na?" tanong ko agad. 

"Hindi ka magiging abala sa 'kin, 'a? Tandaan mo 'yun. Basta kung kailangan mo ako, sabihan mo ako, tawagan or text mo ako, kakausapin kita. 'Di ba, ang napag-usapan natin, sasamahan kita, sasamahan mo ako, kaya bakit mo naman ako maaabala?" tanong niya, seryoso. Doon ko na naramdaman 'yong ngiti ko at unti-unting pagkalma ng dibdib ko at paghinga ko. Kapag talaga kausap ko siya, kumakalma ako.

"Eh pa'no naman 'yong isang tanong ko?"

"Sinusubukan mo ba ako, 'a?" Kung kasama ko si Mark face-to-face, for sure makikita ko ngisi niya.

"Gusto ko marinig sagot mo."

"Kapag kausap kita buhay na buhay ako."

"Ang general naman. Can you please be more specific? Or be more detailed."

He chuckled. Ganda sa pandinig. "Kapag naririnig ko boses mo, nararamdaman ko yung init sa pisngi ko, yung pagbuka ng bibig ko kasi masaya talaga ako 'pag kausap ka. Yung puso ko, baby, tumitibok-tibok talaga nang pagkalakas-lakas pa'no pa kaya 'pag kasama kita neto?" Hinawakan ko 'yong dibdib kong sumasagot sa mga sinabi niya. Nakita ko 'yong developed selfies namin together na nasa gilid ng heart lampshade ko kaya inabot ko 'yon. "Kahit pala hindi kita nakikita o kaya nakakausap, buhay na buhay pa rin ako. 'Pag kumakain ako, 'pag naglalaba ako, 'pag inaalagaan ko kapatid ko, sa lahat na yata ng ginagawa ko, baby, ikaw pa rin laman ng isip at puso ko. Binubuhay mo ako."

Inilapit ko sa mukha namin 'yong picture namin. Ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko dahil sa mga sinabi niya. "Despite chaos, you always make me feel alive."

"Salamat, baby, pero ang general din. Puwede maging specific?" Narinig ko tawa niya. 

"Gaya-gaya."

"Madaya."

"Woy!"

"Biro lang, uy. 'Di naman kita pipilitin." 

I admit, I felt kinda guilty. He made a point. I required him to be specific about telling me how I make him feel alive tapos gan'on lang mare-receive niya sa 'kin? 

Inilapit ko 'yong phone sa bunganga ko and I bravely expressed how he make me feel alive. Hearing the sound of my heartbeats as my direction, I planted a smack kiss. Three times, slowly.

"Sarap naman 'yan, baby."

"This is one of the things how you make me feel alive. Dahil sa 'yo, may mga bagay nagagawa ako. Alam mo ba, babe, dati, nako-corny-han ako sa mga banat mo— sa love na rin mismo." Tumawa ako at saglit na tiningnan 'yong pictures namin. "I even hated love, but when you came, everything changed. Now I love the feeling of being in love. Dahil 'yon sa 'yo. Kung dati, yes, inis na inis ako sa tuwing nakakakita ako ng mga naglalandian in public places, thinking na ang kakapal naman ng mukha ng mga 'to, sa public place pa talaga, now I can uderstand them na. Gan'on pala sa love, 'no? Walang corny corny. Nagiging malaya ka. If you've felt it, 'yon na 'yon. Love is love."


٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

٩꒰。•‿•。꒱۶Drino Wang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Love Maneuver (LOVE TRILOGY #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon