✭ LOVE MANEUVER 11 ✭

9 2 1
                                    


٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

I messaged Kate about sa plan nila. I told her na huwag akong sasabay ngayong araw sa kanila at ang sabi niya, okay lang naman daw basta 'wag daw akong maglalakas-loob na 'wag sumipot. To convince her more, ginamit ko 'yong Khalil niya, I reminded her na opportunity 'yon para ma-solo niya si Khalil which made her giggle while me felt cringe with the idea of me doing that kind of thing and using that reasoning.

I just have a little concern about their plan. Hindi ko kasi alam kung trip ba ni Dex 'yon kaya I decided to message him on messenger. Malay ko ba, may good boy naman na trip din 'yon. Saka lalaki siya!

The message: Dex, drink party daw pala 'yon. As in, beer beer, inom inom. Ewan sa gaga na 'yon. Anyway, sasama ka pa?

Lumabas ako ng kuwarto habang naghihintay. Nakita ko si mama na nasa sofa at himala na nand'on din 'yong kapatid ko si Bryle na nasa kanan ni mama. Nakita naman nila ako kaya tumango ako at ngumiti sa kanila. Kahit naman na 'di ko naririnig boses ni papa n'on, the way pa lang na ngumiti si mama, alam na alam ko na. Kaya lumapit na rin ako para makisama sa kanila at magpaalam na rin.

"Ma, magpapaalam ako," sabi ko, nakatayo sa gilid ni mama.

"Honey, oh ito anak natin na matalino na mana sa 'kin! Celine, say hi to your papa!"

Tumabi ako sa kaliwa ni mama, iniluhod ko 'yong kanang tuhod ko, inilapit ko 'yong mukha sa camera. "Hi pa, kumusta po? Hope you're okay! Ingat lagi d'yan!"

Kumaway naman si papa, ngiting-ngiti. Nakasuot siya ng sandong black, nakadapa sa unan 'yong katawan. Mukhang kagigising lang. "Hi 'nak, narinig ko sinabi mo. Sa'n punta ng anak ko?" tanong ng papa ko, umayos ng pagkakadapa, mas inilapit 'yong mukha.

"May date siguro 'yan, Ma, Pa! 'Di naman naalis 'yang si ate tuwing Sabado!" singit ng gago kong kapatid. 

"Ulol, sira ka ba anong sinasabi mo?!" Sinamaan ko siya ng tingin tapos siya napailing-iling lang at nag-focus na kay papa. 

"Bunganga n'yong dalawa! 'Di na kayo nahiya sa papa n'yo, mga siraulo!" 

Narinig ko naman malakas na tawa ni papa, "Honey, focus ka na sa 'kin, yaan mo na mga anak natin, malalaki na 'yan, eh. Focus ka na sa 'kin, sino ba tinatawag mong baby n'un?" 

"Magtigil ka nga, mga anak mo nandito, kakahiya!" Nag-ayos pa talaga ng buhok si mama, isinukbit sa tenga niya. Halatang kinilig din ang gaga!

"Bakit totoo naman!" Napailing na lang ako saka na lumayo. Patuloy pa rin sa pagharutan 'yong dalawa, halata sa sobrang lawak na ngiti at hagikgik ni mama. As usual naman 'yon. 'Pag sinimulan 'yan ni papa, masusundan pa 'yan nang marami. 

Ang sweet lagi ng papa ko. Gan'on naman siya sa 'ming lahat. Kahit nga na madalas wala siya sa bahay, nand'on pa rin naman 'yong presence niya, nagcha-chat pa rin siya sa 'kin, asking me kung kumusta na pag-aaral ko at 'yong other habilin niya like tulungan ko raw si mama sa household chores kasi ayaw daw niyang napapagod si mama lalo na wala siya sa tabi nito. 

Nang matandaan ko na 'di ko pa nasabi context ng paalam ko, umikot ako, "Ma, ha, kasama ko naman si Kate!" pagsigaw ko.

Lumingon naman sa 'kin si mama tapos umangat 'yong kamay niya, ginawa niyang pamaypay, tatlong beses 'yon telling me to shut up already kasi ayaw ng gaga kong mama na maistorbo pa siya sa moment niya with my papa. She didn't even wait for my response. Balik na agad 'yong focus kay papa. Napailing na lang ako. 

And that made me smile while looking at mama. Ang cute pa rin talaga nila, tanda-tanda na, haharot pa rin. Which is admirable if you think about it. They managed to sustain their relationship that way. I wonder how would that feel.

Love Maneuver (LOVE TRILOGY #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon