٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino WangSince 'yong bahay ni Dex, located siya sa isang subdivision, naging kampante naman na ako. Kahit na may mga ginagawa pa lang na mansyon at may malalawak pa na space, may mga poste na enough naman na para magliwanag 'yong daan.
Kanina sa gate, kulang na nga lang hindi kami papasukin. Buti na lang natandaan kong sabihin 'yong full name ni Dex. Eh pa'no si manong guard, kulang na lang paghinalaan kami nang masama na ang sama ng tingin. I still thanked him for what he did and alam ko naman na he was just acting his duty.
"Tanda mo pa bahay nila, 'a?" tanong ni Mark.
"Wait, wait, sige diretso pa."
"Ayan, ayan, natatandaan ko 'to, doon ka umiyak n'on!"
"Sus, binanggit pa talaga yun."
Hinayaan ko na lang 'yong sinabi niya baka mag-away na naman kami. Deep inside? Pinipigilan kong tumawa kasi ang cute ng reaction niya.
Nag-doorbell naman na ako agad n'ong nasa harap na kami ng mansion nila Dex. Bukas pa rin 'yong mga ilaw nila.
"Sino 'yan?" tanong nito kahit malayo pa.
Kita ko 'yong medyo may katandaan na kasambahay na papalapit sa amin.
"Hello po, good evening!" Mas lumapit pa 'ko sa gate.
"Friends po kami ni Dex. Kasama po namin siya, ito po."
"Naku, si Sir pala, ano'ng nangyari sa kanya, hija?"
Sasagot na sana ako n'ong may nagsalita sa likod ni manang.
"Ang Sir mo na ba 'yan, manang?"
"Opo, ma'am."
"What happened to my son?" sabi niya n 'ong nakalapit siya saka tiningnan pa kami mula ulo hanggang paa. Kinuha naman na agad sa amin ni manang si Dex, umalalay din naman agad ang mom niya, masama pa rin kaming tinitingnan. Nakataas kasi 'yong mga kilay.
"We had party po. Sorry for the inconvenience."
"Ikaw yung dinala niya sa bahay, 'di ba? I'm right. You were really giving me that bad vibe. You're a bad influence to my son."
"Ma'am, teka lang po. Hinatid na nga po namin si pare, 'a? Tanungin n'yo na lang po anak n'yo paggising," sabat naman ni Mark, kaya lumapit ako sa gilid niya at hinawakan 'yong balikat niya. Medyo nagtaas kasi boses, baka ano pa mangyari.
"Alcohol. Mga pariwara sa buhay. Manang, ipasok na na 'tin ang Sir Dexter mo." Tiningnan pa rin kami nang masama bago kami tinalikuran. Hindi ko maintindihan bakit gan'on 'yong tingin niya sa amin just because we smelled alcohol.
"'Di n'yo man lang kami papainumin, Ma'am, 'a?" hirit pa ni Mark, ramdam ko sa tono niya na na nanunuya ito.
"Hayaan mo na lang, woy. Tara na. Uwi na tayo." Hinawakan ko braso niya.
Nakataas 'yong mga kilay, nakaharap 'yong mukha sa harap ng mansion. "Kainis, hinatid na nga na 'tin anak niya, ganun pa tayo tratuhin."
"Nag-aalala lang sa anak niya 'yon. Huwag ka na mainis, woy. Uuwi pa tayo."
Sumakay naman na ako nang tahimik sa likod niya. Ewan ko ba ba't biglang bumilis 'yong tibok ng puso ko. Ang awkward din kasi.
"Lapit ka naman, 'a. Layo mo. Yakap ka sa 'kin, baby," paalala pa niya.
Dahan-dahan naman akong lumapit at para akong napapasong yumakap. Nakaramdam pa ako ng kuryente sa katawan ko. Pinaandar na rin naman na ni Mark. 'Yong baba ko, nasa kanang balikat ni Mark. Kaso, ang sira, bigla ba naman niyang binilisan.
BINABASA MO ANG
Love Maneuver (LOVE TRILOGY #2)
RomansaLove contract. 'Yan ang napagkasunduan nila matapos madiskubre ang pagmamahal sa isa't isa. Pinakinggan ang sinasabi ng mga puso nila, pero paano ba nila patatakbuhin ang pagmamahal nang magkasama? Sapat ba ito para mapanatili nila ang biyahe sa pag...