٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino WangFirst morning after publicly announcing it. It felt surreal. There was this light feeling inside me that warms my heart. It even felt I was in a paradise, surrounded by flowers and butterflies.
Kaso, n'ong kinuha ko 'yong phone ko to check his usual morning text messages, it felt like there was a storm which replaced the whole scene I had just experienced. What a transition. I was disappointed kasi wala akong nakitang text message niya. Bakit naman wala?
I tried to breathe slowly, preventing myself not to overthink, reminding myself what could possibly happened. Maybe hindi siya agad nagising kasi may ginawa or maybe kasi nakalimutan niya lang at wala dapat meaning 'yon sa 'kin. Yeah, right! Maybe gan'on nga. Okay lang. I smiled wildly to support the stories I just reframed, concluding something in a healthy way. Kaso talaga, may something talaga sa 'kin na hindi mapakali. Kaya I decided to turn our wifi on.
Kaya naman pala wala siyang text message. Ito talagang Mark na 'to. Eh pa'no nag-send siya sa 'kin ng voice message. Usually text message lang, eh.
The content: Baby, good morning! Ito yung unang araw na alam na ng mga tao na girl friend kita. Ang saya-saya ko pa rin kasi hindi ako makapaniwala na akin ka. Thank you, 'a? Kasi lagi mo akong napapasaya. Alam ko baka nainis ka sa 'kin kasi 'di ako nag-text sa 'yo. Sorry na, baby. HAHAHA. Nakabusangot ka n'yan, uy, umagang-umaga! Smile ka, 'a? Kahit nainis kita. HAHAHA. Break fast ka na, baby! Huwag papalipas ng gutom, 'a? Gagalit ako! Nga pala, baby, busy ka ba mamaya? Gusto sana kita makasama. Puwede ka ba? Pa-text na lang kung may gagawin ka o wala. Sige na, bye na! Enjoy your day, I love you!
Nakakainis talaga si Mark. 'Kala ko naman ano na nangyari. I admit, I never expected I would react that way. Iba rin pala kapag nasanay ka sa isang bagay, talagang hahanapin mo.
After seeing his voice message, I replied to him saying na puwede ako, even though hindi ko pa naisip kung ano mga gagawin ko ngayong araw. Okay lang, hindi pa rin naman ako nakabalik sa paggawa ko ng weekly plan ko kahit Sunday kahapon. As long as kasama ko naman si Mark, okay ako. Thinking about it, this is the first day after announcing it kaya I would want to treasure it.
Nakita kong may messages si Kate. After announcing it kasi, in-exit ko agad 'yong app, not minding their possible reaction since I'm not bothered about it. Ang gaga, ang daming messages! Tuwang-tuwa!
Kate:
sissssss!!!
happy talaga ako for u!!!
may alam pa talaga kayong ganon no, ibang level na yung harutan ganon?!
infairness, nag-improve ka na sis!
go, girl, slay! get it! cheering for u!
congrats!! dalaga na best friend ko oh my god!
if interested ka sa tricks ko, you know, sis . . . available ako!!
use me as your inspiration sis!
ano na sis
bat ka offline!!
basta yung double date don't forget
seset ko na, not allowed tumanggi, sis! you know me!! sasabihan ko na manok ko, ha, sabihan mo na manok mo!
Gaga talaga 'tong si Kate kahit kailan. But I love the fact na ang supportive niya sa relationship namin. We actually promise this with each other. No matter what happens, ready-to-the-rescue kami pareho.
I am not really that updated about their relationship. We really don't oblige each other to share something. We don't pressure ourselves. To handle our friendship, we still have these boundaries. Pero I know as long as willing mag-share at available, makikinig naman, basta mag-set lang talaga ng date in advance. Then we never fail to always remind each other that we always got each other's back.
Yes, nakikita ko sila sa newsfeed ko sa facebook kasi panay flex si Kate ng sweet moments nila, pero hindi ako gan'ong nagpe-pay attention kung ano ba nangyari or ano context n'ong picture nila. I click their pictures naman and whenever I do this, ang tinitingnan ko lang ay 'yong ngiti ni Kate. I always check kung happy ba siya. I want her to be always happy.
That day, of course, papahuli pa ba family members ko who tried to pester me? Let's talk about mama first. Kalabas ko, nadatnan ko siya sa lamesa, nagkakape, and I noticed the usual notebook she uses for budgeting, plus the calculator.
"Good morning, Ma!" I happily said.
She raised her gaze. "May good morning talaga sa morning, sweetie! May boyfriend ka na! Kumusta naman kayo? Any news aside sa pinost n'yo? Cute n'yo ha perfect combination!"
"Mama naman, ano ba, umayos ka nga, para kang tanga!"
Natawa lang siya. "By the way, nag-chat sa 'kin ang Papa mo! Malalagot ka raw sa kanya!"
"Galit si Papa?" I asked worriedly.
Napangisi siya. "Joke lang, sweetie!" Tinaasan ko siya ng kilay, sa isip ko sinasabunutan ko na siya! "Kakausapin lang daw ng Papa mo kauwi niya. Sinuggest ko nga na mag-set kami nina mareng Lorna to celebrate this, I'm already excited! I'm just waiting for their reply!"
She really thought that was okay for me. "What?! Nag-suggest ka ng gan'on? Talaga lang, Ma?! And you're still proud of what you di? I'm not buying this. You didn't even ask me, okay ka lang, just wow?! I want to be free! Gagawin namin kung ano gusto namin. No outside influence and I'm not sorry."
"Anak, magkaka-wrinkles ka n'yan! Stick to that positive vibe. I'm just thinking na baka makatulong. Hindi n'yo ba kami kakausapin man lang?"
"We will. Pero not this way na papangunahan n'yo. Kaming dalawa 'yong mag-uusap ni Mark. Kaming dalawang 'yong nagmamahal, hindi kayo, be informed about that! Kaming dalawa! Sa amin manggagaling 'yong decision."
And followed by Bryle. Isa pa 'tong nakakainis na 'to. Nasa sala ako, nagkakape, enjoying my supposedly peaceful time.
"Ate, kailan pupunta si kuya Mark dito? Marunong ba 'yan mag-basketball? Baka weak naman! I'll challenge him and I'll make sure he will lose!" sabi ng gago. Pupunta na nga lang sa banyo, hihirit pa talaga ng ganoon!
"Pake mo ba? Wala naman akong pake sa inyo ni Eunice, ha?"
"Wala daw pero makasabi sa 'kin na 'wag puro Eunice lang. Saka sino kaya yung ate ko na tumulong sakin nung date namin ni Eunice na may mga pakulo, galing-galing ng ate ko na yun! Wala ba siya sa harap ko?" He was that sarcastic to the point na gusto ko siyang kalbuhin!
"Gago. Oo na. Fine. Whatever. Maghintay ka na lang. Make sure you're mindful kung ano sasabihin mo! Or else lalagyan ko ng packaging type 'yang bibig mo."
"Worried ka ba na may masabi ako tungkol sa 'yo, ate? Don't worry! Trust me!" Tumawa pa talaga ang gago.
"Alis ka na nga, napakabaho na. Sirang-sira na 'yong ilong ko!" Napailing na lang siya at dumiretso na sa banyo.
Buti na lang talaga, kinahapunan, Mark and I met each other. Hinintay niya ako, nasa gilid ng motor niya. He greeted "hi," and I did the same. Kapwa nakangiti sa isa't isa.
I'm grateful that love saved my day.
٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang
BINABASA MO ANG
Love Maneuver (LOVE TRILOGY #2)
RomanceLove contract. 'Yan ang napagkasunduan nila matapos madiskubre ang pagmamahal sa isa't isa. Pinakinggan ang sinasabi ng mga puso nila, pero paano ba nila patatakbuhin ang pagmamahal nang magkasama? Sapat ba ito para mapanatili nila ang biyahe sa pag...