✭ LOVE MANEUVER 20 ✭

15 2 0
                                    


٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

By afternoon, tumawag sa 'kin si Kate, asking me kung ano plans ko this last week. Knowing her, for sure na magyayaya na naman ang gagang 'to. Kaso, wala pa akong masabi sa kanya. I told her na sabihan ko na lang siya. Ang sabi niya, alis daw kami after makapag-attendance, kesa raw agad umuwi ng bahay nila. Eh kung ako nga 'yon, mas gusto ko pang umuwi agad, laki-laki kaya ng bahay nila. 

About my plan, I've always been consistent about it until Mark happened. I admit, hindi ko na masyadong nabibigyan ng pansin weekly plans ko. Even those times na ini-spend ko 'yong time ko learning like reading a physical book, watching some documentaries, listening to podcasts, hindi na talaga naging consistent. Wait, not me really blaming Mark with my inconsistency, huh?

Eh kasi, kino-consider ko 'yong biglang pag-aya niya sa 'kin anytime. I have to be always available for him. Sinasabihan ko naman sarili ko na puwede ko namang gawin 'yong usual daily activity ko while waiting for Mark, pero wala, eh. There's always this hope na baka tumawag siya bigla at magyaya, which results of me not doing what I was supposed to do that day. Ewan ko, ganito yata talaga kapag in love ka. Trying to adjust with the relationship, trying to experience everything in love.

I've always wondered kung ano ginagawa niya or something. Tinitingnan ko rin lagi 'yong phone ko. Luckily, hindi naman ako naiinis 'pag wala akong na-receive na text niya. Okay lang sa 'kin kung meron o wala, basta ang importante talaga for me, kahit na hindi ko siya nakakausap, basta 'pag nagkita kami, at dumating 'yong time na i-e-express niya love niya sa 'kin, I want it to be genuine. It has to be always genuine. 

Genuine love matters.

I want to respect his time rin naman kasi. Ako na rin nagsabi sa kanya na feel free to do whatever he wants sa relationship namin, pero ang gaga ko lang for also wanting to spend more time with him. Like, seriously, naguguluhan ako sa sarili ko. Pero siguro, this is all normal. Maybe I have to accept everything I experience. Maybe kailangan talaga naming mapag-usapan.

Ayoko namang isisi sa personality niya, eh, we have differences. Ayoko rin namang magmukhang desperate. Siguro hinahanap ko lang siya kasi lagi ko siyang naiisip, not to the point na gusto ko every minute, every hour lagi ko siyang kausap. 

By evening, around 8:30 P.M. bigla siyang tumawag sa 'kin through video call. I was currently doing my skin care routine. May facial mask akong suot. Kaya agad-agad kong sinagot.

Kaso . . . bigla ba naman tumilapon 'yong kanin sa bunganga niya, may ulam pa nga na hindi ko masyado makita kung ano. Napunta pa talaga 'yong iba malapit sa phone niya. Nakaupo siya that time. 

Agad naman siyang tumayo para uminom kaya nakita ko 'yong likod niya, 'yong braso niya. Gusto kong mabwisit that time kasi naka-topless siya, naka-boxer pa, pero mas nangibabaw 'yong pag-aalala ko.

Agad naman siyang bumalik, bago siya umupo, nakita ko pa abs niya.

"Okay ka na? Ba't kasi ngayon ka palang kumakain, woy?"

"Ayos na, 'wag ka na mag-alala sa 'kin. Yung kasing nakalagay sa mukha mo, 'a."

"Ah dapat ako 'yong sisihin sa nangyari?"

"Hindi naman sa gan'un, 'a. Bakit kasi may ganyan ka?"

"Daily routine ko 'to."

"Teka . . . teka," sabi niya saka ngumisi. Kapag talaga naririnig ko sa kanya 'to, ito na 'yong cue na kailangan kong mag-ready sa sasabihin niya.

"Baby, sinagot mo agad nung tumawag ako. Puwede ka namang mag-text na may ginagawa ka, pero bakit 'di mo ginawa? Hinihintay mo ako, 'a." Nakangiti niyang sabi habang naka-crossed arams pa, kaya form na form 'yong biceps niya. 

Love Maneuver (LOVE TRILOGY #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon