٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino WangAfter our kiss, I think we spent an hour para magkuwentuhan. We talked about a lot of things. Childhood stuff. Some information about family. Our moments when we were in elementary and when we were in a same circle of playmates. I really enjoyed that moment while being embraced by his arms.
Before going home, we decided to stop by at 7/11 to freshen up. At that time, it was fifteen minutes past 12 A.M. Although I told him na huwag na lang, he still insisted. Ayaw talagang patalo sa 'kin. He even said na gusto pa raw niya akong makasama. Kaya pumayag na rin ako kasi want ko rin naman, I won't deny that.
Kumuha siya sa beverage section ng sport drinks. While me scanned the other section, looking for some biscuits, kaso agad din siyang sumulpot sa side ko, suggesting that we should eat big bite hotdog and I think it was a good idea.
Instead na sa labas kami umupo, sa loob na lang. We were facing the clear glass. N'ong nakaupo na kami, agad din siyang tumayo.
"Huwag mo muna kainin, 'a. Hintayin mo 'ko," sabi niya bigla kaya huminto sa ere 'yong big bite hot dog.
"Ano gagawin mo?"
"Nakalimutan ko kumuha ng tissue natin."
"Okay. Bili mo na rin ako ng alcohol."
"Para saan 'yun?"
"Baka gising pa si mama, lalagyan ko ng alcohol katawan ko."
"'Di 'yan."
"Gusto kong bumili. Ikaw na lang dito, ako kukuha." Tumayo ako.
"Ayaw ko."
Ang sira sinundan talaga ako hanggang sa counter. "Ba't mo iniwan hot dogs natin, woy?"
"Wala namang tao, 'a." Nakita ko pang natawa si kuyang sales clerk sa amin.
Eh ano pa ba, wala na akong nagawa. Wala nga namang tao. Nakasandal din naman 'yong hot dogs namin sa sport drinks namin. Afterall, why would I be worried about the hot dogs? Nasa loob kami ng 7/11. Sino'ng maglalakas-loob kumuha ng hot dogs namin? Besides, kesa mag-away pa kami rito sa simpleng big bite hot dogs.
Tahimik kaming kumain, ako 'yong nasa kaliwa. Mula sa puwesto namin, may mga iilan kaming nakitang jeep na bumabyahe pa rin that time. Naalala ko tuloy ibang special moments namin sa loob ng jeep. Kahit din na nasa loob kami ng 7/11, ramdam ko pa rin gaano ka-peaceful 'yong palengke. Ang sarap makita na walang masyadong gumagalaw na mga tao.
"Thank you for this day, babe."
"Napansin ko na madalang mo akong tawagin sa call sign."
"As if naman dito nasusukat 'yong love?"
"Kahit na kaya, baby. Iba pa rin 'yung naririnig mo sa taong mahal mo. Ikaw ba, 'pag natawag kitang 'baby', ano nararamdaman mo?"
"Let me think about it," sabi ko saka uminom muna. Ramdam ko namang nakatingin siya sa 'kin, hinihintay 'yong sagot ko.
"Ganda pala ng mga mata mo, 'no?" sabi ko.
"Salamat, baby, pero sagutin mo 'ko, 'a."
"Para siyang hangin. Kapag naririnig ko 'yon sa 'yo, para akong niyayakap, reminding me na lagi kang nand'yan sa tabi ko. And here. Sa puso ko." Turo ko sa dibdib ko. Huminga ako saka humarap sa kanya. "Kahit na minsan, yes ginagamit mo 'yon para mang-asar, still nandoon pa rin 'yong familiarity na nagsasabi sa 'kin na, 'Ah, itong tao 'to 'yong nagpaparamdam sa 'yo na mahal ka niya.' I always get that warm feeling whenever you say that word. It reminds me of our relationship. Love."
BINABASA MO ANG
Love Maneuver (LOVE TRILOGY #2)
RomanceLove contract. 'Yan ang napagkasunduan nila matapos madiskubre ang pagmamahal sa isa't isa. Pinakinggan ang sinasabi ng mga puso nila, pero paano ba nila patatakbuhin ang pagmamahal nang magkasama? Sapat ba ito para mapanatili nila ang biyahe sa pag...