✭ LOVE MANEUVER 27 ✭

9 1 0
                                    


٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

Usually, 'pag nalalaman ko grade ko, I always get that feeling na parang wala lang, like, eh ano naman ngayon? Eh-ano-naman-ngayon thinking kasi laging high grades. Like, ano'ng bago? Ano'ng nakaka-excite? Boring.

'Pag naman may bumaba, I was like, "Dapat ganito ginawa mo, eh. Dapat 'di ka na nanood-nood ng series series na 'yan. Nag-chill ka pa talaga? Wake up! Dapat consistent! Pa'no scholarship mo?" Yeah, pinagkakaitan ko 'yong sarili ko to be imperfect. Taas ng expectations. Lakas lang i-pressure 'yong sarili. Valid, pero ang gaga lang. 

But not that time.

When I saw Kate's message about my grades, the first thing I did is to hug myself, followed by saying, "You did a good job, Celine. Proud ako sa 'yo. Nagbunga lahat ng efforts mo. I promise na lagi kong i-a-appreciate whatever progress you've made." Cause I really did. Grabeng investment nilalaan ko sa pag-aaral ko. Yes, my parents are not that strict when it comes to guiding us in our education. But still I want to make them proud to the point na nakalimutan kong maging proud sa sarili ko. Confident naman ako na kahit hindi ko gan'ong ma-appreciate 'yong sarili ko, alam ko naman na babalik at babalik pa rin someday lahat ng efforts ko. They say whatever you put out in this universe will always comeback to you. And I've always believed that. I know someday I'll be successful.

The second thing I did: tinawagan ko si Mark. That was around 9 P.M. Tinanong ko pa siya kung naistorbo ko siya or what. Ang sabi naman niya, hindi raw. Nakahiga na siya that time sa kama niya. Nakasando na color gray and black shorts. 

"Sure ka na hindi kita naistorbo, woy? Nagising yata kita, eh," tanong ko. Humikab kasi siya. Nakasandar siya sa wall nila. And 'yong sitting posture niya kasi plus his messy hair na ang haba na.

Napa-smile naman siya and that confirmed it. Inayos niya pagkakaupo niya. "Bakit ka natawag, baby? Miss mo na naman ako? Magkasama pa lang tayo kanina, 'a?" Nilagay niya kamay niya sa chin niya, parang kinukurot-kurot. Ang lapit pa ng camera sa mukha niya.

After namin sa school kanina, naglibot muna kami. Siya nagyaya and I agreed. We spent time together na kahit ang init, okay lang sa 'kin basta kasama ko siya. Nag-stop pa kami sa isang bridge, sa ilalim n'on may river tapos sa both sides may mga nagsisitaasang talahib. Sa mismong gitna ng bridge, we took pictures together. Selfies muna together then photos individually. Hinintay pa talaga namin bumaba saglit 'yong araw kaya todo takbo talaga kami n'ong bumaba na, nakangiting in-offer niya 'yong kamay niya sa 'kin.

Buti na lang nga walang masyadong dumadaang mga sasakyan sa way na 'yon kaya I even suggested na mag-picture rin kami sa mismong gitna ng daan na parang mga baliw lang. Gusto pa sanang tumutol ni Mark, worried na baka may dumaan na mga sasakyan, pero hinawakan ko 'yong kamay niya at tumango para yayain siya. Napailing na nga lang siya saka nag-smile rin. Sayang nga hindi kami nakapagdala ng selfie stick, but still the moment we shared was enough for me.

Sa side naman n'ong bridge, may kanto d'on saka may puno kaya lumilim na muna kami. Nakaupo siya habang nagtaas-baba 'yong dibdib niya, sa akin pa talaga nakatingin. I even asked him kung meron ba siyang dalang any panyo or white towel, umiling lang siya. Nagpaalam na lang siya sa 'kin to buy something, telling me to just stay there, pero ako na makulit, sinamahan ko siya. Napailing na nga lang siya, he even tried to use his motor as his palusot kasi raw baka manakaw, eh wala namang tao at saka gusto ko talaga siyang samahan! In the end, ako 'yong nanalo! Bumili kami ng biscuits saka mineral water. We stayed there sa ilalim ng puno para magpahinga at magpahangin.

"May ishi-share ako," simpleng sabi ko. Nag-ayos ako ng upo, sumandal nang maayos sa headboard, binalot ko 'yong paa ko n'ong blanket ko.

"Iniba pinag-uusapan, 'a." 

Love Maneuver (LOVE TRILOGY #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon