✭ LOVE MANEUVER 13 ✭

7 2 1
                                    


٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

"Tol, uuwi na pala ako."

"Akala ko ba . . . " si Khalil.

"Mark, stay ka muna. I'll explain this to Celine," sabi naman ng gaga kong kaibigan, sinamaan ko siya ng tingin. Kaso . . . pupuntahan na sana ako ni Kate para kausapin ako n'ong agad na umalis si Mark, kaya agad ko rin siyang sinundan. 

Umikot muna ako saglit para harapin si Dex, "Dex, d'yan ka lang, ha?" Tumango lang siya. Even him look confused to what was even happening that time. Hindi naman niya kasalanan.

Bakit nandito si Mark? I mean, hindi naman sa ayokong nandito siya. It is just not what I'm expecting to happen. Isa pa, hindi naman 'to 'yong sinabi ni Kate! Ang napag-usapan namin ng gagang 'yon, supposedly magiging third wheel ako sa kanila, eh ginamit nga ako ng gagang 'yon as reason para makapag-date sila! But now, what is happening? I thought ako ang mangsu-surprise. Ako pala ang na-surprise, just wow!

"Mark! Wait lang!" Kaso hindi niya ako pinakinggan. Ang bilis lang niyang maglakad nang hindi man lang ako tinitingnan. I admit, iba 'yong bilis ng kabog ng dibdib ko.

"Aray, aray, ang sakit!" 

1

2

3

I got you! 

Sabi na nga ba. Lumingon nga si Mark. Kung gaano siya kabilis lumayo kanina, mas nilagpasan niya 'yong bilis nang nagpunta siya sa akin. Tumakbo talaga, rinig na rinig ko footsteps niya. Alalang-alala ang mga mata.

"Ayos ka lang? Sabi ko 'di ba mag-iingat ka lagi? Sa'n yung masakit? Kasi naman, eh. Nasagutan ka ba?" Naramdaman ko kamay niya sa palapusuhan ko, tapos isinampay niya sa balikat niya para alalayan akong tumayo. Nagpunta kami sa may elevator.

"Boss, may first aid team ho ba?" sabi pa niya. "Sa'n yung masakit? Ito naman, bakit 'di sumasagot, nag-aalala ako, 'a. May sugat ka ba?"

Nag-pretend kasi ako na nadapa ako. Nakasalampak pa 'yong mga paa ko, 'yong right wrist ko nakahalik pa talaga sa floor. I even pretended na pabangon ako. 

Ayaw magpahabol? Then it's time for a show! 

"Sir, hindi na po kailangan. I'm fine," agad kong sabi sa guard.

"Anong fine, tingnan ko nga!" 

"Usap na tayo. Mag-e-explain ako." Napa-stop siya sa pag-alalay sa 'kin. He already got it! Tumaas pa mga kilay niya, nalukot pa 'yong mukha. That's why when I felt na tatanggalin niya na pagkakaakbay ko, ipinulupot ko 'yong kanang kamay ko sa leeg niya para magsalubong sila ng kaliwang kamay ko sa leeg ni Mark. At tinitigan ko si Mark.

"Hindi ako aalis dito." Hinila ko 'yong leeg niya palapit sa mukha ko nang dahan-dahan. Tumingin pa ako sa mga labi niya bago tumingin ulit sa mga mata niya. "Mag-uusap tayo, Mark, sa ayaw at sa gusto mo." Binasa ko pa labi ko.

And it's effective. Napalunok si Mark. Napakurap-kurap pa. Kaya hindi ko pa inaalis 'yong kapit ko sa leeg niya.

"Ano? Aalis ka? Iiwanan mo 'ko?" dagdag ko pa at ngumisi. Feel na feel ko na ang lakas-lakas bg kabog ng dibdib ko, mas malakas pa sa upbeat sound na naririnig ko sa loob. Feel na feel ko rin pagka-bad girl vibes ko.

"Kainis ka naman, eh. Nag-aalala ako tapos joke lang pala?"

"Sorry na."

Nabigla ako n'ong naramdaman ko mga kamay niya sa bewang ko, para akong niyakap para lumapit sa katawan niya kaya nabitawan ko 'yong pagkapit sa leeg niya. "Sa tingin mo sa ginawa mong yun, makakatakas ka sa 'kin?" Lumapat 'yong dibdib ko sa chest niya kaya amoy na amoy ko 'yong manly scent niya at doon ko rin napansin na may suot pala siya kuwintas. It was silver, the pendant was a cross.

Love Maneuver (LOVE TRILOGY #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon