٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino WangI still remember what we talked about. He's right. Kung ano meron kami ngayon, I just have to enjoy it first. Ayokong makain ako ng mga what ifs na 'to, leading me to overthink and not enjoy our relationship. Ayokong maging dahilan para mag-away pa kami because of me letting myself be devoured by fear.
I realized that fear will always be there and I don't need to run away from it. I just need to treat it with gentleness and openness, without adding label that it's a negative occurence. Above all, I just need to focus more in love. Besides, meron naman na kaming plano about sa relationship namin which is the "love contract." Kaya kahit papaano, kampante ako na kasama namin 'yong isa't isa.
Tumatak din sa 'kin mga paalala sa 'kin ni Mark, assuring me na lagi siyang nandyan sa tabi ko. I know na magtutulungan at magtutulungan kami sa relationship na 'to.
We actually reminded ourselves again about the contract. Ang sabi ni Mark, may mga tinanggal daw siyang iilan at kinakabahan daw siya na malaman ko mga sinulat niya. I reminded him na okay lang, pag-uusapan din naman namin. Hindi ko sinabi na kinakabahan din naman ako at the same time thrilled to discover kung ano-ano ba 'yong mga bagay na want namin mangyari and I'm hoping na maging smooth lang 'yong process ng gagawin namin.
Actually complete na 'yong akin. Nag-allot ako ng 30 minutes a day para itanong ko sa sarili ko ano ba want ko mangyari sa relationship namin.
The original plan was to send it first on messenger, pero Mark suggested na sa personal na lang daw para mapag-usapan pa namin na dala-dala namin 'yong draft namin written in scratch. Sinabihan din ako ni Mark na nakabili na raw siya ng bond paper and I suggested na ako na sa ballpen. Bale ang balak namin, 'pag nag-meet kami sa isang place na ang sabi pa nga ng sira, mag-date na rin daw kami, doon na raw namin isusulat and isa-sign 'yon kasi oo nga naman, 'di rin naman 'yon final agad if ever, baka may i-revise pa kami or i-rephrase, saka 'di malayo na may parehas kaming maisulat or what.
Nagtanong din naman siya sa 'kin about our pictures together for the announcement. Ang sabi ko sa kanya na-enhance ko na photo namin. Ginamitan ko na rin ng editing skill ko sa Canva to make it more creative and appealing sa mga mata namin. Probably, i-send ko sa kanya mamaya sa messenger after finalizing the design. Kailangan ko rin kasi ng approval niya sa design kahit na alam ko naman na i-a-approve niya agad 'yon. Simple lang naman 'yong design with collage. May naisip na rin naman na akong caption. The thought of me posting it makes me excited.
I intentionally woke up 5 in the morning. It was Friday. Last day na kasi sa university. Kate asked me last night kung sino raw ba pipiliin ko sa kanilang dalawa ni Mark. Ang gaga talaga, ginagamit-gamit pa sa 'kin si Mark. Eh para masakyan ko trip niya, I became honest. Si Mark ang sinabi ko kaya nag-angry agad siya sa message ko. Tawang-tawa pa 'ko nang pinalaunan pa ako ng gaga ng angry emojis. I told her naman na it was just a joke and ang sabi ko, babawi na lang ako at pumapayag na ako sa double date na sinasabi niya this vacation na ni-react-an naman niya kagad ng heart emoji.
On a serious note, I would still choose friendship over a romantic relationship, but not in this matter na magagamit siya to manipulate me and I think it's petty to use friendship that way.
Since maaga akong nagising, naunahan ko 'yong text sa 'kin ni Mark. Usually kasi mas nauna siyang nagigising sa 'kin at natatanggap ko 'yong text niya around 6 A.M. That was consistent and I didn't have the chance to ask him yet about his daily routine. Ayoko namang pangunahan. I want him na kusa niyang i-open 'yong sarili niya sa 'kin.
Thinking about it, gan'on din naman ako sa kanya. We really haven't talked about our daily routine. I know that every relationship is unique, but I do wonder if it's necessary to know all the small details at the early stage of the relationship? Just curious to know. Ayoko naman magmadali. I want to savor every part of our relationship.
BINABASA MO ANG
Love Maneuver (LOVE TRILOGY #2)
RomanceLove contract. 'Yan ang napagkasunduan nila matapos madiskubre ang pagmamahal sa isa't isa. Pinakinggan ang sinasabi ng mga puso nila, pero paano ba nila patatakbuhin ang pagmamahal nang magkasama? Sapat ba ito para mapanatili nila ang biyahe sa pag...