✭ LOVE MANEUVER 22 ✭

11 2 0
                                    


٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

Kahit na niyaya pa ako ni Kate mag-milktea raw, I chose to decline it. Mas gusto kong makasama si Mark. 

"Sis, pinagdadamot mo na ba sarili mo? Bigay na bigay na kay Mark, ah?" ang sabi pa niya. Tapos na kami makapag-attendance. Wala 'yong dalawang lalaki, nag-attendance rin!

"Gaga. Baka hintayin ako n'on. Para namang 'di mo gusto, woy? Talaga lang? Deep inside, I know nagpa-party na 'yang puso mong maharot!" Natawa siya habang naka-crossed arms. "This is the right moment para makasama mo Khalil mo. Feel free to use my name sa parents mo."

"Exactly, sis! Thank you! Nag-jo-joke lang naman! I'm just really happy for you. Sis, ha, huwag mo kalimutan lumapit sa 'kin when something went wrong, ah? Naka-ready na yung manok ko anytime."

"Do you really think na mahina 'yong manok ko?" I challenged her.

"Bakit, sis, na-test mo na ba yung strength niya? I'm curious in what way kaya 'yun? Hmmm."

"Gaga, huwag mo nga akong itulad sa 'yo. Malakas si Mark, nag-g-gym 'yon. 'Yon lang, utak at bunganga mo talagang babae ka."

Napailing na lang ang gaga. Naghiwalay na rin naman kami. She even suggested na maging open daw ako for double date! Kailangan daw namin 'yon, lalo na this vacation namin. Maiinip daw sa bahay ang gaga. Thinking about it, okay naman ako as long as okay at kasama ko si Mark. Siyempre, kailangan pa naming pag-usapan, baka mamaya may ibang plan siya for us then this would lead to another conflict between us, which I don't like to happen.

I texted Mark na papunta na ako sa CEA and asked him kung nasa'n siya. 

"Celine!" Napa-stop ako sa paglalakad nang nakita ko si Dex sa gilid ko. Nasa way kami papuntang CEA, paliko na sana ako.

"Woy, Dex, ikaw pala!"

"I just want to say sorry for what happened that day. Nakuwento sa 'kin ni manang. Sorry for what my mom said."

"Hayaan mo na 'yon, no big deal. Tapos na rin naman na. Just curious ba't nasabi ni manang sa 'yo, assuming na magka-team sila ng mom mo gan'on."

"We're really close since I was kid. Madalas wala sina mom sa bahay for business trips. She's just fulfilling her duty, I hope you understand."

"I see, I do understand. Ah, Dex, paalis na kasi ako kasama si—"

"Mark?" Tumango ako sa kanya. "He's actually in front of us."

And then, ayon na, dahan-dahan akong umikot, nakita ko si Mark sa harap ko talaga. Nakakunot 'yong noo, nakatingin sa akin, then lumipat 'yong tingin kay Dex. Tumakbo pa talaga siya agad. Nakita kong may hawak siyang dalawang mineral water.

"Pre, ba't ka andito?" bungad niya saka siya tumingin sa 'kin. Nakataas 'yong kilay niyang inabot sa 'kin 'yong mineral water. Ang awkward lang, hindi ko alam kung gusto ba niyang iabot sa 'kin 'yon or what. In the end, hindi ko alam kung makakainom pa ako nito.

Dexter just simply smiled and said, "Celine, I have to go. Take care!" Umalis na nga siya. Iniwan talaga ako ng isang 'yon without explaining!

"Ano 'yun, 'a? 'Di ako narinig? 'Di ako nakita ni pare?" frustrated namang sabi ni Mark habang nakaharap kami sa direction ni Dex, nilagay pa niya palad sa dibdib niya, kaya nabasa 'yong white shirt niya. Kinuha naman niya sa 'kin bigla 'yong mineral water ko. Pinipigilan ko na lang talaga 'wag matawa. 

"Buti na lang dalawa lang nabili ko, 'a. Tama lang na 'di ko siya nabigyan, 'di man lang talaga ako napansin?" dagdag pa niya at binuksan mineral water ko. Feel ko talaga 'yong inis niya, kinakagat ko na lang labi ko. 

Love Maneuver (LOVE TRILOGY #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon