٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino WangJust thirty seconds after sending the text, I already received a call from Mark.
Napatayo ako bigla sa kama ko, inilagay ko pa 'yong phone ko sa dibdib ko, huminga talaga ako to calm my nerves. Because of Mark, lagi na lang ganito nararamdaman ko. Not that I'm complaining though! The first call already ended. Nasa dibdib ko pa rin 'yong phone ko. Napakagat pa ako sa labi ko. That time, it was as if my heartbeats were getting louder and louder. Intense, to be exact. When my phone rang again, I started breathing again to calm my system ruined by Mark.
"Baby?" panimula niya, 'yong boses para akong hinehele. It was deep.
"Hello there . . . " It was awkward. Like, seriously, ano'ng 'hello there'? Gaga talaga. Para kasing may bato sa lalamunan ko na kailangan kong isuka kaya napa-english pa ako!
You have to stay calm.
"Baby, ano . . . ibig mong sabihin d'un sa ride?" Napalunok ako sa narinig ko. Then, I even heard a slight chuckle from him. To get his serious attention back, I even had to pretend to cough. "Baby, ayos ka lang d'yan?" tanong naman agad niya sa 'kin. Yeah, right, it was effective. My bad for fooling him.
"Woy . . . about 'yon sa date. Besides, 'with' ang ginamit ko, not 'on.' Know the difference. Umayos ka ngang lalaki ka. Utak mo, pareho kay Kate. "
"Ah . . . sorry naman, baby. Kaya nga ako nagtanong para malinaw, 'a? 'Wag na mainis sa 'kin, ito naman." Pero tumawa pa talaga siya sa kabilang linya, saka huminga. Narinig kong tahimik lang kung asan siya. Nagsabi pa ng sorry, tatawa lang din naman pala. But I love the way he did that 'suyo' thing.
On a serious note, I still can't imagine myself doing that thing with Mark. Ayoko pa. Besides, ayokong maging drive 'yon ng relationship namin. I want to spend more time with him, too. Hindi rin naman kailangang madaliin. Knowing Mark, kampante naman ako na he wouldn't cross that boundary. Hindi naman siya aggressive most of the time.
Basta 'yoko 'yong mapipilitan ako. It has to be a mutual agreement between us. If kailangang pag-usapan, pag-uusapan talaga dapat. Ayoko kasing maging sagot lang ako sa sexual pleasure ng isang lalaki. I know I am more than that. Besides, I want to discover more from him before giving myself all. And If he's man, I'm sure he would always respect that.
"Si Macy?" tanong ko.
"Pinaalis ko na," sagot naman niya sa mahinang boses.
"What?"
"Gusto na rin kitang makausap, 'a. Seryoso ka ba sa sinasabi mong date?" tanong niya. That time, nakaupo ako sa kama ko. Tumayo ako at maingat na lumabas sa kuwarto ko, sumilip talaga ako to make sure na walang tao. I hope wala tulog na or busy, eh kilala ko 'yong dalawang 'yon, for sure mag-iingay 'yon, maabala pa kami ni Mark, kung ano-ano pa sabihin! Dumiretso naman ako sa ref para kumuha ng tubig.
"Yes, may kailangan tayong pag-usapan, babe. I also have good news! Do you want to hear it?"
"Mahal mo 'ko?" sabi naman niya out of nowhere. I can feel na nag-uumpisa na naman!
"Yes, I love you," mahina, pero may diin kong sabi.
Tumawa pa siya. "Kainis. Talo ako, 'a. Ito na, seryoso na Mark mo. Makikinig na ako."
I smiled. Hindi ako papatalo sa 'yo, Mark. Hindi lang ikaw ang giver of love rito.
"Seryoso ka na nga, woy. Wait, inom lang . . . ako." Kulang na lang mabitawan ko 'yong baso nang nakita ko si mama, nakalabas 'yong katawan sa pinto, nakasilip, as if may bagong tsismis! Tinaasan ko naman siya ng kilay at ang gaga, she mouthed, "Yes, I love you." Ginaya pa talaga ako saka siya natawa. She then gave me a flying kiss before entering her room again.
Even though want ko mainis kay mama, what she did made me smile. Ang cute lang ng ginawa niya. Besides, nalaman naman na nila kaya ano pang reason ko para mainis? Wala na! I just . . . really have to accept it. This is all part of the love process. Everything? I have to experience it. Yes, the love process na may pa-plan plan pa, making sure everything is well-handed, pero kusang naiba. I guess that's the beauty of it. I have to be grateful na lang na walang big conflict na nangyari at tanggap naman na n'ong dalawa.
Realizing it, kahit naman na siguro hindi tanggap ng mga tao sa paligid namin, ipaglalaban ko pa rin love ko kay Mark. I'm willing to fight for our love. Thinking back of the moments we have had shared, I can proudly say na deserving si Mark to receive all my love.
"Uy, andyan ka pa?" rinig ko sa kabilang linya kaya napangiti ako. After ko nailagay sa lababo 'yong baso, pumasok na ulit ako sa kuwarto, humiga na sa kama ko.
"Yes, Mark Louie Dayrit, still here, and will always be here. Pati sa puso mo."
Did that just came out from my mouth? Like, seriously, saan ko nakukuha 'yong lakas ng loob ko? Kung narinig lang 'to ni Kate, for sure, she would advise me this, "Damn, girl! Get it!"
"Pa'no ba 'yan, ang hina ko na yata neto, 'a. Tamang-tama na kasi ako sa 'yo, Celine Angeline Roxas." As expected, hindi nagpatalo! I tried to stay calm, despite my loud heartbeats. Nag-side pa ako ng higa. Parang bulate pang nalukot 'yong katawan ko. Grabe lang, hanggang kailan 'yong ganito? I mean, not that I don't like what I've been experiencing with Mark, it just . . . always feels new. It excites the hell out of me every time something happens.
"Kailangan ko na yata lakas mo, 'a, baby. Yakap gan'un, ang hina ko na kasi, kulang na sa energy. Nakaka-excite naman talaga yung date!" sabi pa niya kaya napahawak na ako sa dibdib ko. Gusto kong masagot mga sinabi niya, pero hindi ko magawang ibuka mga bibig ko. Ang lakas lang ng kabog ng dibdib ko. Nag-init din 'yong pisngi ko. "Teka, pero naisip ko rin, baby, na kahit 'di naman kita nakakasama madalas, basta alam ko sa sarili ko na ikaw lang talaga, maisip lang kita, 'yun kampante na ako! Nabubuo na araw ko. Binubuo mo lagi araw ko. Isa ka sa mga nagpapasaya sa akin, pero . . . baby, ikaw 'yong nasa pinakaitaas. Salamat sa pagpapasaya sa 'kin, 'a? Kaya . . . baby, ipangako mo sa akin na kahit wala ako sa tabi mo, aalagaan mo rin sarili mo, 'a?"
I let myself just experience what I was feeling. Parang 'yong mga salita niya, may calming enery sila and they go directly at my heart. It makes me feel warm and loved. It was as if they were a healing enery. Kaya hindi na ako nagtaka nang naramdaman ko 'yong mga luha ko sa pisngi. Happy tears.
After that exchange of conversation, I told him about the date. We both suggested kung saan kami until we arrived at the same destination. Buti na lang nga naging smooth 'yong usapan about d'on. It was as if inaalalayan namin 'yong isa't isa. He suggested na ako mauna mag-suggest, then siya. We really made sure that we would feel listened to.
Sinabihan ko siya na matulog na agad. Kahit gusto pa nga niya akong makausap, sabi ko tomorrow na lang kami mag-usap. He just agreed, sa mahinang boses, saying 'okay, ikaw din. good night, baby." It was as if a lullaby. Tumingin ako sa kisame, nilagay ko kamay ko sa dibdib ko.
Same person. Dahan-dahan kong isinara mga mata ko saka ako nag-smile.
I really wish this love would last. Kasi kung hindi, I wouldn't even imagine how would I survive that raging storm. I hope so. It has to last. Kailangan kong maging matapang. Whatever risk, I would face it. Kasama siya, ilalaban namin.
This is our love, I know it's worth the fight.
٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang
BINABASA MO ANG
Love Maneuver (LOVE TRILOGY #2)
RomantizmLove contract. 'Yan ang napagkasunduan nila matapos madiskubre ang pagmamahal sa isa't isa. Pinakinggan ang sinasabi ng mga puso nila, pero paano ba nila patatakbuhin ang pagmamahal nang magkasama? Sapat ba ito para mapanatili nila ang biyahe sa pag...