✭ LOVE MANEUVER 31 ✭

7 1 0
                                    


٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

I didn't expect it would come to this day— feeling in love with a certain person. Yes, I love the fact that at first, I didn't want to rush . . . I hated the idea of love. Kasi kung hindi nangyari mga 'yon, I wouldn't fall for Mark. I wouldn't learn how to love him patiently. To see Mark in a different light, I had to experience everything and I'm really grateful for those experiences.

Who would have thought na 'yong dating kinaiinisan ko lang, ngayon 'yong pangalan na niya isinisigaw ng puso ko. Who would have thought na may tao palang darating sa buhay mo para baguhin ka. In a good way. You learned how to be brave in love.

This is the day na isa-sign na namin 'yong contract. I was the one who printed it out. Nilagay din namin sa folder mga 'yon. Three sliding folders. Each folder has its own copy. 

It was Monday that time. Originally, dapat n'ong weekends namin gagawin 'tong pag-sign namin, pero we decided to reschedule it to give way sa ibang priorities in life. Na-mention kasi niya sa 'kin na every Sunday, nagsisimba sila ng mga kapatid niya. I just agreed to that, ayoko naman na i-cancel nila 'yon just for me. Family bonding is crucial to someone's development! Kaya ang ginawa ko, bukod sa pagsama kay Kate na mag-shopping at pag-claim ng utang niyang libre sa 'kin n'ong Sabado, nagbasa at nanood na lang ako. Na-enjoy ko rin naman 'yong 'Me'time ko.

The original plan where to sign the contract was at the park. Eh kaso, nagkaroon ng idea si Mark na sa mall na lang daw para hindi lang 'yon 'yong reason para magkita kami. He said gusto niya raw akong makasama nang matagal. I didn't even expect him to be that honest. Not that I didn't like it, though. Nakakabigla lang talaga! Kaya to spend more time with him, we did some window shopping first, while holding our hands. Minsan kumakapit pa 'ko sa braso niya. Bumili na rin kami ng ice cream. We even played basketball in Tom's World and even tried the other games. We even watched cinema. Ang sabi pa nga niya, "Baby, naalala mo pa ba yung nanood tayo kasama sinang pareng Khalil? Yung umiyak ka?" Tapos ang gago, tumawa pa talaga. I even mouthed na huwag siyang maingay kasi nakakahiya na ang lakas talaga nang pagtawa niya. Ayaw pa ngang tumigil kaya iniharap ko 'yong mukha niya sa kaliwa.

Kapag talaga kasama ko siya, nakakalimutan ko 'yong oras.

After cinema, we even talked about developing the selfies we took for the announcement of our relationship para daw hindi lang soft copy meron kami kaya we happily did it. Thinking about it, I actually love the idea of having a hard copy. Iba rin kasi sa feeling 'yong nahahawakan mo 'yong mismong picture, instead of just looking at it on the internet. Para kasing 'pag may hard copy ka, it's like it's directly communicating with you if that makes sense. Basta talaga may special feeling 'yong naibibigay ng hard copy kesa sa soft copy.

He was smiling wildly while holding our copies. Ako rin naman habang nakatingin sa kanya. Nahuli pa nga niya mga mata ko, kaya nag-smile na lang ako. I didn't pretend to look away kasi for what? Gusto kong tapatan gaano ka-intense 'yong tingin niya sa 'kin! He even pointed at the pictures, signaling me to go near him. Pero that time, mas gusto kong nakikita 'yong ngiti niya. 

After that, iniabot na rin naman niya sa 'kin 'yong copy ko. He even joked about framing it kasi burara daw siya at ayaw niyang malukot 'yon. I suggested na photo album na lang, pero ayaw daw niya kasi mas gusto niyang nakikita niya pictures namin. Ilalagay pa raw niya sa gilid ng kama niya. He even said na baka raw ipa-develop din niya ibang pictures namin together.  Napailing na lang ako, but deep inside, I was feeling warmth. I even mentally supported what he wants.

Now, at the Food Court, we're currently holding the contract. The way he sit, para siyang client na imi-meet ko. The difference, may pa-smile smile kasi 'yong mokong na 'to. Para siyang ewan. Pero that time, wala na akong pake sa formality. Kahit maging unprofessional pa siya sa harap ko, anong way pa siya mag-act, okay lang sa 'kin. I would accept him. Nabihag na niya ako, eh. Besides, what matters the most to me is his presence. 

The thing about the contract, tatlo 'yon na may tig-iisang sliding folder. Hawak-hawak na namin 'yong copy namin. 'Yong isa nasa table. There were just two seats in this table. Panay smile pa nga ang gago, ako naman pigil na pigil ako.

"Excited na akong pirmahan 'to, baby," he said while scanning the content of it. Tumitingin pa siya sa 'kin. "Hindi nga ako masyadong nakatulog kasi iniisip ko mga mangyayari 'pag napirmahan na natin at nalaman na nila na tayo na. Ang dami kong gustong maranasan kasama ka."

"Basta hangga't 'di pa tayo nakakapag-sign, open for revision pa 'to, ha?" sabi ko. Tumango naman siya agad-agad. 

Kinuha ko na rin naman na 'yong main copy and I had realized something! Considering the fact na hindi pa pala namin napag-usapan mga sinulat namin, kailangan pa talaga ng revision 'to. Nawala sa isip ko. I thought okay na lahat, naplano ko na, hindi pa pala. I even printed out without realizing na hindi pa pala final 'yon. Natawa na lang ako sa isip ko. Effect siguro ng relationship namin— masyado akong na-excite! I just hope by the end of this day, ma-sign na namin. For now, I'm going to show you our agreements. Hindi ko pa nabasa 'yong kanya. Both are raw, unedited, ang excited ko kasi!


CELINE ANGELINE ROXAS' 

     1. Magsasabi ng nararamdaman 'pag may 'di nagustuhan. Or kung gusto mo magsapakan tayo, lalaban ako! 

     2. Feel free to express love, in any way, as long as hindi pini-pressure 'yong sarili and take note! Genuine dapat, woy! G-E-N-U-I-N-E, kuha mo?!

    3. Huwag natin ikulong 'yong relationship natin sa societal expectations and pressures. Magmahal tayo nang malaya— on our own terms.

     4. Ready ka bang ma-judge? I mean, yes, we embrace our flaws and imperfections, at the same time kasi, we still need to uplift each other to grow.


MARK LOUIE DAYRIT'S

     1. Baby, 'pag may umalis tayo or magba-bond kasama isa't isa, pagplanuhan natin. Pakinggan natin yung isa't isa, 'a? 

     2. Baby, huwag kang kakausap nang kahit na sino. Ako lang yung mang-aasar dapat sa 'yo. Ako lahat. Akin ka lang, baby, 'a?

     3. Baby, tiwala sa isa't isa, 'a?

     4. Baby, payakap ako, yakapan ganun 'pag kailangan natin yung isa't isa. Asahan mo na ako palagi may kailangan ng yakap hehe.

     5. Baby, 'pag may problem tayo sa mga buhay natin, sabihin natin, 'a? Nandito lang ako, tandaan mo 'yun.

٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

٩꒰。•‿•。꒱۶Drino Wang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Love Maneuver (LOVE TRILOGY #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon