✭ LOVE MANEUVER 42 ✭

4 1 1
                                    


٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

I could feel how my heartbeats responded to what he said. Kahit na 'yong pisngi ko, ang init. Pero umikot ako. Kasi nahihiya ako why would I react that way? It was like indirectly saying to him na wala akong tiwala sa kanya. Bold of me to remind him na kailangan memorize niya 'yong agreements namin sa contract, then ako pa 'yong ganito? Just wow.

However, I was disturbed from my inner thoughts when I felt someone's heat had enveloped my body. And sino pa ba? Si Mark. Sa likod ko nakayakap siya sa 'kin. Ang init talaga ng katawan niya, kahit nakasuo

From that moment, the chaos in my sistem had vanished and replaced by the calming energy his body was giving. Ang peaceful lang talaga 'pag nakayakap siya sa 'kin. Ang peaceful lang talaga ng presence niya. He even said, rinig ko paghinga niya, kalmado, "Mukhang kailangan mo, baby.  Naiintindihan kita, uy. Akala mo mawawala pagtingin ko sa 'yo, 'a? Nakuha mo na ako, eh. Tagal na 'di ba? Nung bata pa tayo. Pero gaya ng sabi ko, naiintindihan ko na minsan hindi mo maiiwasan na mag-isip ng kung ano-ano. Okay lang 'yun. Ito oh, okay na ba, 'a? Nakatulong ba yakap ko? Promise, baby, ikaw lang. Kaya tama na sa kakaisip, nandito lang ako sa tabi mo. 'Di ako aalis. Sasamahan kita."

And those words directly pierced my heart like a knife to open my heart to vulnerability. But I was still happy. The vulnerability was like a cake, sliced by his words, and I happily embraced this vulnerability. And then hinawakan ko kamay niyang nasa bandang tiyan ko habang tumutulo na nga 'yong mga luha ko. "Sorry kung nag-o-overthink na naman ako. It makes me feel guilty. Na parang sinasabi ko sa 'yo na 'di kita pinagkakatiwalaan. Parang hindi pa enough 'yong pinaparamdam mo sa 'kin. Parang hindi ko tini-treasure 'yong atin kung ano meron tayo ngayon. I feel guilty talaga. Sorry. Parang ina-assume ko kasi na it would end up bad. Nakakainis lang."

"Okay lang 'yun. Naiintindihan ko, uy. Hindi naman ako galit. Gusto ko rin na lagi maalala mo na nandito lang ako. Kahit wala tayo sa tabi ng isa't isa, gusto kong ipaalala sa 'yo 'tong nararamdaman ko na ikaw lang dito. Kaya okay lang sa 'kin kahit minsan, may maiisip kang kung ano-ano."

Humarap ako sa kanya at tumingala ako. "Seriously, babe, thank you for saying those words. Thank you for assuring me na I'm already enough. I appreciate it. I love you."

He just smiled at me and then naramdaman ko na lang 'yong labi niya sa tuktok ng ulo ko. Ang peaceful na naman. Kaya ipinikit ko na lang mga mata ko. After what he did, he smiled again then in-offer niya kamay niya at sabay kami pumunta kina Kate.

He didn't even need to say those three words to make me feel loved.

Kaikot na kaikot namin, doon na namin nakita 'yong mukha ng dalawa at mula sa puwesto namin, narinig namin 'yong pagtawa nila. At lakas pa naman. Wait, kanina pa ba sila?!

"Sis, ang drama n'yo naman. Kanina pa namin kayo tinitingnan. May video pa nga ako—"

And I was right. Kapag talaga kasama ko si Mark, parang 'yong time 'di na nagma-matter sa 'kin.

"Manahamik ka. Sasabunutan kita."

"Pag-ibig nga naman." May pailing-pailing pa talagang alam 'tong si Kate. Then ano pa ba, umakbay na sa Khalil niya. Nagnakaw pa nga ng halik si Khalil and you know what my bestfriend did? She pretended na ayaw niya, lumayo talaga mukha niya, then n'ong lumapit si Khalil para umulit, to be more exact 'yong mukha ni Khalil, hinalikan din bigla ng gaga 'yong pisngi ni Khalil. Tapos tumawa siya.

Yes, Kate, ibabalik ko sinabi mong gaga ka. Pag-ibig nga naman. Nakakabaliw.

Nagpatuloy na sa ginagawa 'yong dalawang boys. Ang sabi nila sila na raw bahala sa lahat. Humirit pa nga 'tong si Khalil na ipagse-serve raw nila mga prinsesa nila, looking at Mark tapos titingin pa talaga sa 'kin, as if may pinag-usapan silang hindi ko alam. Kanina ko pa nga nakikita si Mark na tumitingin sa 'kin.

Love Maneuver (LOVE TRILOGY #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon