٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino WangNandito ako currently sa room nina Kate. Bale nagpalit kami ni Khalil just for the kalokohan na binabalak nitong gagang 'to. Yes, nag-chat kasi siya sa 'kin at ang sabi niya, para ma-surprise 'yong dalawang boys, sabay daw kami bababa mamaya. Magti-three o clock na nga.
Buti nga hindi na nagtanong si Mark. Probably nagawan na ng paraan ni Kate and there's nothing new with that knowing her. Si Mark hinatid pa nga ako sa mismong harap ng room nina Kate kahit sabi ko 'wag na, pero ang sabi na naman niya babantayan niya raw ako. Ang kulit-kulit talaga. And cute.
Actually, na-surprise ako sa ginawa ni Kate. Hindi naman kaya niya sinabi sa 'kin 'tong another kalokohan niya. Ang sabi niya lang, mag-ready lang ako for our moment together while wearing a bikini. Tapos may ganito pala?
Thinking about it, yes thankful naman ako sa kanya kasi honestly 'di ko alam pa'no ko isusuot 'yong bikini ko knowing na nasa isang room kami ni Mark. Nasa isang room kami ni Mark! Take note!
Siyempre din 'no kailangan kong makita sarili ko sa salamin. Yes, may robe naman d'on sa room, puwede ko naman suotin 'yon pero iba pa rin 'yong makikita ko sa salamin na nakasuot 'yon sa 'kin. Kasi hindi ko pa siya tinry sa bahay. Balak kong i-surprise rin sarili ko.
Besides, baka makita ni Mark na suot ko tapos anong magiging reaction niya? Anong magiging reaction ko? How would I react knowing I'm at the same room with him tapos gan'on 'yong situation?
At yes . . . admittedly, want ko rin naman kasi siyang ma-surprise. Imagine me tucking my hair. Gaga ko lang. Haha.
Nasaan si Kate? Nasa harap lang naman siya ng mirror, busy sa ginagawa niya sa buhok niya. May alam-alam pa siyang pakulot-kulot.
"Wow naman, parang sasali lang sa pageant? Ang prepared naman, woy!" sabi ko. Sobrang seryoso niya sa ginagawa niya. Nagha-hum pa nga siya. Kanina pa nga siya, ang lawak ng ngiti niya, parang baliw, ramdam mo talaga 'yong energy na nilalabas ng katawan niya dahil sa excitement.
Yes, the things we do for love.
"True, sis. Kailangang magpaganda for him, e. Dami pa namang ahas everywhere."
"You don't trust him, do you?" I asked curiously, but she didn't respond.
"May hindi ka ba sinasabi sa 'kin?" Tumayo ako at lumapit sa bandang gilid niya. Nakasuot na sa 'kin 'yong bikini ko, pero may white kimono cover up. My hands were on my chest.
Nag-stop siya saglit, tiningnan ako sa mirror, "Sis, I trust him pero lalaki pa rin sila, ano ka ba. Baka mamaya meron na palang nangyayari na hindi natin alam."
I admit, what she said kinda stucked in my mind. Hininga ko na lang 'yong namuong tensyon sa loob ko. I trust him. I trust his love for me. Whatever happens, happens.
Finally after the preparation of my good best friend, sabay na rin kaming bumaba. Nakahawak pa nga siya sa braso ko. Napatingin pa talaga sa 'min 'yong mga guests and staff na nasa lobby area.
Bago kami umalis sa room nila, we even took selfie in the mirror. Si Kate nagyaya. Kaya pumayag na lang ako. Nakakapit na rin naman siya sa braso ko at naka-ready na iphone niya. Hindi na talaga welcome tumanggi. Winarningan ko na lang na 'wag n'yang ipo-post.
'Yong dalawang boys, actually kanina pa sila nasa baba. Sa mismong beach. They volunteered kaninang lunch na sila mag-aayos ng tent namin. Nakakabigla nga na parang close na close na sila the way they talk to each other.
Kaya grabe lang, kalalabas pa lang namin sa building ng hotel, malapit sa mga pools, bawat steps talaga na nagagawa ko, parang tumatalon 'yong dibdib ko na parang ewan. As in. Not in a way naman na I feel uncomfortable about it or masikip sa dibdib.
Bakit ako kinakabahan? What's the big deal? This is for liberation din naman! Celine, just chill. At the same time excited.
"Hello, boys! Nakarating na ang dalawang magandang bulaklak!" She announced kahit one meter pa layo namin kina Mark. She prolonged the word 'bulaklak'. Piinaka-OA talaga sa mundo. Humawak naman ako sa braso ni Kat.
Nakatalikod naman sila sa amin. Si Khalil abala sa paghuhukay sa buhanginan which I assumed for the bonfire, while si Mark, nakaluhod, busy sa iniihaw niya.
At nang luminga sila, like talagang sabay, para silang nakakita ng celebrity kasi nanlalaki talaga 'yong mga mata nila at bukas na bukas 'yong bunganga nila. Eh hindi pa nga namin tinatanggal 'yong kimono cover up!
From that moment, n'ong nagtama mga mata namin ni Mark, naramdaman kong nag-init talaga 'yong mukha ko. To the point na gusto kong yumuko, pero there's this weird energy telling me to just stay there at 'wag ialis 'yong tingin ko sa kanya.
And what was the weird thing happened while our eyes were locked? Biglang humangin at tinangay nito 'yong summer beach hat ko papunta sa left side ko. I even tried to extend my arm, 'kala mo naman talaga mahahabol ko pa 'yon.
From that moment, tumakbo talaga ako pero bigla na lang sumulpot si Mark, mas naunahan ako. Ang bilis naman niya?! Nakita ko na lang siyang nakayuko habang pinupulot 'yon. And, ano pa ba . . . na naman . . . parang biglang nagliwanag 'yong mukha niya. And there was a slow-mo moment. Everything surrounded us had vanished. It even felt like there were butterflies surrounding him.
The reality just hit me back n'ong unti-unti siyang lumapit at nasa harap ko na agad si Mark. Naramdaman ko na lang sa ulo ko na isinuot niya sa 'kin 'yong summer beach hat. He even tapped it. Nakatingin siya sa mga mata ko. And he smiled, then said, "Malakas talaga yung hangin. Higpitan mo kasi para 'di tangayin, 'a? Pero, baby, gusto ko naman yung nangyari kasi tinangay rin ako papunta sa 'yo."
He even added, "'Pag talaga guwapo, wala eh, tinatangay sa mga magaganda."
"Lakas ng hangin mong sira ka." Tumingin ako sa right side ko, pero napatingin ulit ako sa lalaking nasa harap ko at nilagay ko kamay ko sa chest ko, nakataas 'yong kilay, "Wait nga lang, woy . . . are you saying na kahit sinong maganda papatangay ka sa hangin? Kasi nga guwapo ka, right? Papatangay ka kahit kanino? Sumagot ka, huwag kang tatahi-tahimik d'yan."
"Ito naman, 'di naman sa ganun. Galit ka, uy?"
"Ewan ko sa 'yo."
"Baby . . . "
Naglakad ako. Napa-stop ako nang hawakan niya wrist ko. Iniharap niya ako sa kanya.
"Sorry na. Hindi naman ganun sinasabi ko, eh. Promise kahit marami pa babae dyan, tabihan ka man nila, ikaw pa rin makikita ko. Ikaw hahanap-hanapin netong mga mata ko. Ikaw lang tinitibok nitong puso ko, 'di mo ba paniniwalaan yun? Promise talaga. Ikaw lang. Kaya wag ka na magalit, 'a?"
٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang
BINABASA MO ANG
Love Maneuver (LOVE TRILOGY #2)
RomanceLove contract. 'Yan ang napagkasunduan nila matapos madiskubre ang pagmamahal sa isa't isa. Pinakinggan ang sinasabi ng mga puso nila, pero paano ba nila patatakbuhin ang pagmamahal nang magkasama? Sapat ba ito para mapanatili nila ang biyahe sa pag...