✭ LOVE MANEUVER 04 ✭

13 3 1
                                    


٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

Imagine yourself having someone to spend your time with romantically. What would you feel when you're not in good terms?

Ako, parang may mabigat na bato na nakadagan sa dibdib ko, then sa ulo naman, parang may mga bubuyog na kung ano-ano sinasabi, leading me to overthink. Just like what happened yesterday.

Seeing him right now, automatically, I questioned if nandito ba siya for me? Baka naman kasi naligaw lang. Baka naman kasi may barkada siya na pupuntahan. Or baka naman inutusan siya from his department to do something in our department. Or baka naman the reason he's here ay para bumili ng hotdog in a bun, samahan mo pa ng iced tea or even fries which is isa sa mga binabalikan ko and the fact that this is one of the famous spots in CBS. 

The worse thing? Hindi siya nagpunta para sa 'kin.

At bakit naman niya ako pupuntahan? Assumera.

How deep is our romantic connection to begin with?

Ayan na nga ang sinasabi ko.

Quiet.

Ewan.

Gaga.

Bwisit.

Through my eyes, I followed his figure. N'ong nakita kong pumasok siya sa CBS Grounds, napatayo pa ako. Imagine my eyes. Kumislap, my heartbeats were racing at napahawak sa dibdib ko kasi I held myself back para puntahan siya. Gaga na naman.

Bakit ako lalapit? Hindi pa naman nila alam. At bakit ko naman iisipin 'to? Ano naman ngayon kung malaman nila? Anong gusto kong mangyari?

Ang gulo.

Bakit pagdating sa kanya, 'yong pagiging unbothered ko dapat ay nawala?

Dahil kay Mark.

Ewan ko na lang talaga.

Dumiretso siya sa CBS Grounds, pumasok papuntang Building 1 which is may bench na magkabilaan. Because of that, aligagang akong tumayo.

"Puntahan mo na," rinig kong sabi ni Kate, napansin pala ako ng gaga. Sino ba naman hindi makakapansin sa reaction kong 'yon. Kate gave me that reassuring smile that everything will be okay. Ngumiti na lang din ako sa kanya, before making my way there.

It felt like every step I make, lalong sumisigaw 'yong dibdib ko. Ang lakas-lakas to the point na parang anytime, 'yong internal systems ko, they would fail to function because of Mark. Or should I say na dumadating na ako to that point of emotional dependency. Or maybe kasi we're in our early stages of our relationship, that's understandable.

It didn't even felt there were students from my department in each side of the bench. It just felt like the air was cold kahit tirik na tirik 'yong araw at siya lang nakikita ko. 'Yong kabog ng dibdib ko, kulang na lang sumigaw sa 'kin dahil sa kaba.

Atlas, I saw his body figure, then I stopped. I decided to breathe and let this tension out. Hindi ko inaalis 'yong tingin ko sa kanya. That time, nakatingin siya sa room namin mamaya. I don't think I gave my schedule to him, but this matter didn't overpower my gaze at him. Kasi ba't pati naman 'yong side look niya, ang guwapo tingnan? Kitang-kita ko 'yong jawline niya habang nakatingkayad at sumisilip, hinahanap ako. 

"Mark," pagtawag ko.

Kung may isang bagay na wala akong pake no'ng time na 'yon, that's the environment. 

All that matters to me is to sort things out.

Umikot naman siya. He was shocked as if ayaw niyang makita ko siya from that act. And as expected, his reaction made me smile, lalo na nagkamot pa siya ng kilay niya, reminding me that everything will be fine.

Love Maneuver (LOVE TRILOGY #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon