ANG PAG-SALAKAY

978 31 0
                                    

    Paunawa: Ang pamamaraan ng salita sa unang kapitulo ng aklat na ito ay na-ayon sa pamumuhay ng mga unang tao sa kaharian. Ibinagay lamang sa estado ng pamumuhay ng mga unang tauhan sa kwento bago ang pag-sisimula ng kanilang pag-lalakbay sa buong kwento. 

"Kamahalan! Hindi ka na pwedeng bumalik pa sa loob ng palasyo! Masyado ng mapanganib!" Sigaw ng isang tagapag-bantay sa palasyo.

Sinusubukan nitong pigilan ang sampung taong gulang na si Yohan na gustong bumalik sa loob ng kanilang palasyo na kasalukuyang sina-salakay ng mga halimaw na galing sa kabilang bahagi ng kaharian.

    "Nasa loob pa ang aking ina at ama! Kailangan ko silang maisama palabas!"  Umiiyak na sagot ng batang prinsipe.

Hating gabi na ng mga oras na iyon ng biglang tumunog ang emergency alarm ng palasyo, palatandaan ng panganib na parating. Mahigit labing-limang taon na ang naka-lipas ng huling sumalakay ang mga halimaw. Marami ang mga namatay ng panahong iyon dahil na rin sa kakulangan ng mga taong pandigma ng palasyo. Higit pa roon, ang mga halimaw ay may angking kapangyarihan na tanging mga mages lang ng palasyo ang pwedeng kumalaban. At kabilang na doon ang kanyang mga magulang.

   "Patawarin nyo ako, pero hindi ko maaring baliwalain ang utos ng inyong mga magulang, kamahalan." Mabilis na hinila ng sundalo ang kamay ng batang prinsipe palayo sa palasyo.

    "Bitiwan mo ako! Kailangan ako ng mga magulang ko! Sabi ko bitiwan mo ako!"

Patuloy na pumalag ang batang prinsipe at nagsusumikap na makawala sa pagkakahawak ng lalake ng biglang may apoy na humarang sa kanilang dinaraanan. Parehas na nagulat ang dalawa na hindi rin naka pagsalita pa.

   "Well, well, well, who's here? The runaway prince?"  Sabay na napa-lingon sa kanilang likuran ang dalawa.

Laking gulat ng dalawa ng makita ang isang lalake na naka-sakay sa likod ng isang hayop na ang katawan ay sa aso subalit ang ulo ay sa ibon. Acon, the fire type monster na may buntot ng sa lion. Ang mga paa ay tulad rin ng sa aso. Isa sa pinaka-nakakatakot na halimaw sa buong Drakaya Kingdom.

   "Uncle?"  Hindi siguradong tanong ng batang prinsipe sa lalakeng bagong dating.

    "Uncle? Hahahaha! Yohan, you have sharp eyes. I am using magic para baguhin ang itsura ko pero nakilala mo parin ako? Isn't it surprising?"  Sagot ng lalake.

Maaring naguguluhan kayo kung bakit may taong marunong mag-salita ng english sa palasyo. Isa lang ang dahilan, those people are originally not from the kingdom. They just suddenly appeared from no where at napilitan na lang na tumira sa kaharian. Itinatanong mo kung saan matatagpuan ang nasabing kaharian?

Ito ay matatagpuan sa Romblon's triangle kung tawagin ng mga taong napadpad sa palasyo. At sinasabi rin nila na ang kaharian ay matatagpuan sa ilalim ng karagatan ng Dragon's triangle.

   "Anong ginagawa mo dito? Ang mama at Papa ay na sa loob pa ng palasyo! Help them!"  Sigaw ni Yohan na nag patahimik sa lalakeng tinawag niyang uncle.

Subalit ilang sandali lang ay muli itong bumunghalit ng halakhak. Isang nakakalokong halakhak na sinabayan ng pag huni ng sinasakyan nitong halimaw. Nang bahagya itong tumigil ay seryosong tumingin ito sa kanya.

    "How naive. Anak ka ba talaga ng hari ng Drakaya kingdom na nakapangasawa ng isang huluwa?" Tanong ng lalake.

Huluwa, tawag sa mga taong napadpad sa kaharian ng kailaliman ng dagat galing sa mundong ibabaw. Isa sa huluwa ang kanyang ina. Kaya hindi nakapagtataka na may kapangyarihan din ng mahika ang kanyang ina. The truth is, the man in front of him, is actually the older brother of his mother.

THE ABYS WHERE I BELONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon