"Saan si Kuya? Nag text ba sa'yo?"
I am with Nicole and we're here outside of the Dance Troupe Room. Dito din kami mag au-audition. Ang nakapaskil sa pinto ay 8am kaya 7am palang ay nandito na talaga kami ni Nicole. Sa bahay nga din natulog si Nicole para lang makapag-practice kami ng maayos kaya konti lang ang tulog namin kagabi.
"Susunod daw siya dito." I answered.
Dinikit namin ni Nicole ang tenga namin sa pinto para marinig namin kung may tao nga sa loob. Meron nga dahil narinig namin may nag-uusap. Isang babae at hindi ko alam kung ilang lalaking boses 'yung narinig ko.
"Ako kakatok, ikaw magsasabi, ha?" Ani ni Nicole sa'kin.
"Huh? Ako kakatok, ikaw magsasabi!" Sagot ko.
"Hindi, Mai. Baliktad." Ani pa ni Nicole. "Ikaw na magsabi, makapal naman ang mukha mo!"
"Ano? Ikaw ang baliktad, Nic!"
"Wala ka namang hiya kaya sige na..." Sagot pa ni Nicole sa akin at biglang kinatok ng tatlong sunod sunod na katok ang pinto. Ako naman ay parang hinahabol na ng kutsilyo sa sobrang kaba!
Bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang isang maputi, maganda at medyo kulot ang buhok ng isang babae. Nakangiti siyang tinignan kami mula ulo hanggang paa at sa tingin ko ay isa nga siyang dancer.
"Kausapin mo, Mai." Bulong ni Nicole.
"Ah..." Kinagat ko pa ang labi ko. "Mag au-aud—"
"You both are going to audition, right?" Ani ng babae sa amin kaya sabay kaming tumango tango ni Nicole. "By the way, I am Bhea from Civil Engineering. I'm currently at my second year now. And you guys look so prepared, huh?"
Huh? Prepared?
"Ha? Y-yeah! Kami pa!" Mayabang kong sabi para mukhang confident kung titignan.
Pinapasok kami ni Bhea sa loob at nagulat ako nang makita ko ang pinsan kong si Reymark habang sumasayaw kasama ang isang lalaki. Nakatalikod sila sa amin kaya hindi nila kami napansin not until Bhea suddenly off the music kaya napatingin na sila sa amin.
"What... are you... doing here?" Salitang biglang lumabas sa bibig ko habang nakatingin kay Reymark na natutuluan na ngayon ng pawis.
"Ayan si Sir Josh Jaranilla..." Bulong sa akin ni Nicole. "Sobrang gwapo diba? Alam mo bang twenty-seven years old pa lang 'yan? Pero mukhang kaedad lang natin siya.. Professor namin 'yan sa Physical Fitness. Sobrang strict, Mai! Jusko! Sabi pa ng mga second year na sobrang baba pa bumigay ng grades 'yan!" Bulong pa 'yan ah. "Hindi pa 'yan, Mai... Hindi din 'yan tumatanggap ng members sa dance troupe. Noong last year daw na audition, dalawa lang kinuha niya sa dami ng nag audition. Talagang mapili ang professor na 'yan!"
"Ano bang ginagawa niyo dito? Ke-kwentuhan lang?" Seryoso pang usal ni Sir Josh kaya napalunok ako.
Sobrang gwapo nga niya talaga! Siya pala ang sinasabi ni Nicole na Sir Josh Jaranilla. Nakalimutan ko kasi dahil last week pa ang last schedule namin sa kanya. He's also our Physical Fitness Professor at sa isa pang subject. Hanggang ngayon nga hindi ko pa napapasa sa kanya 'yung art appreciation ko. Inuuna ko kasi 'yung major subs pero dala ko naman 'yun ngayon kaya magpapakasipsip ako sa kanya para mapasa ko mamaya. Baka sakaling tanggapin ako sa audition!
YOU ARE READING
Scent Of Consanguinity (Book 1 of Scent Trilogy)
RandomA Series #1 (Scent Trilogy) "Everything that happens in this world happens at the time God chooses." Ecclesiastes 3:1-21 J.A.S. May 15, 2023 - April 10, 2024