Kapitulo 76

19 2 0
                                    

"My puson hurts so much!"









Naiiyak ako. Pilit ko pa ding bumangon sa kabila ng sakit ng puson ko. I am now in my period. Masama na ang tingin ni Hershey sa akin ngayon, nakapameywang siya at ginising ako. Isa pa 'tong sakit ng ulo ko dahil sa pag inom kagabi. Ang sakit talaga ng puson ko, sana naging lalaki nalang ako.







Lumabas na rin si Hershey sa loob ng kwarto ko nang bumangon na ako, nang maisara niya ang pintuan ay kinuha ko ang phone ko sa gilid at humiga ulit sa kama. I opened my gallery and clicked a photo of Kent and me.






"Hoy, ano ba 'to?" Tanong ko sa litrato naming dalawa ni Kent. "Tinutulungan mo nga akong mag move sa'yo, pero ano 'yon? Hindi ko maintindihan! Ang weird ng panaginip ko. Nag ca-cuddle daw kami ni Reymark..." Halos ibulong ko ang pangalan ng pinsan ko.






Napasapo ako sa noo at pinatay ang phone ko. Hindi ko alam kung bakit nanaginip ako ng ganoon. Tuluyan na nga akong bumangon at naligo sa maligamgam na tubig, nagbabakasakaling makalimutan ko ang panaginip ko pero hanggang sa pagbihis ko ay naalala ko pa rin.







"Good afternoon, ate..." Rhealyn suddenly came here in the kitchen and kissed my cheeks.






Mapait akong ngumiti sa kanya. Hindi ko yata kayang tignan siya lalo na't may mali akong panaginip kasama ang Kuya niya.






"Okay ka lang, Ate?" Tanong ni Rhealyn. "Malamig na 'yata yang gatas mo. Kanina mo pa hinahalo 'yan."






Nabalik ako sa huwisyo at umupo sa dining. Ininom ko ang gatas ko at... napapikit nang maramdamang wala na nga talagang init. Tumayo ako kaagad at ininit ang gatas ko. Hindi siya masarap kapag hindi mainit. Natatawa naman si Rhealyn habang tinitignan ako, kasabay ang biglang pagdating ni Rabella. Ang dalawang babae sa puso ni Reymark, beside Tita Eyla. Mali kung makikisali pa ako.







"Nakita kong nag view si Kuya sa IG story mo." Nagsalita ulit si Rhealyn. "Followers niyo na ang isa't isa?"






Nilapag ko ang tasa ng gatas ko sa mesa.






"Talaga?" I lightly smiled. "Hindi ko naman nakita ang pangalan niya."






"Naka airplane mode siya nang tinignan niya 'yun." Ani naman ni Rabella.






I scoff. Nginitian ko lang sila at naiilang na ininom ang gatas ko. Hindi ko alam kung bakit ganito. Hindi naman ako ganito sa mga pinsan ko. Masyado na akong naiilang sa lahat ng bagay!









The fuck! I hope I don't like my cousin! I don't want to know!







"Yalin, nandito ka lang pala!" Biglang dumating ang kapatid kong si Vince. Walang suot na damit pang itaas at tanging pants lang habang may hawak pang bola.







"Ano na naman?" Mataray na tanong ni Rhealyn.






"Naalala mo nong nag take tayo ng board exam?" Seryosong tanong ni Vince.






Nagsalubong ang kilay ni Rhealyn, ganoon din ako. Si Rabella naman ay nagtataka kaya natatawa si Vince.






"Syempre hindi, senior high pa lang tayo eh, excited?" Vince letting out a teasing laugh.







"Baka ikaw yung excited! Makakapasa ka ba? Bobo!" Agap pa ni Rhealyn.







Rabella laughed. Nauna pa siyang umalis ng kusina. Lumabas na din si Vince dahil ganyan naman lagi ang ginagawa niya. Lumalapit lang siya para manira ng mood ng iba.






Scent Of Consanguinity (Book 1 of Scent Trilogy)Where stories live. Discover now