"Good morning, Miss Allena!"
Binati ako ng school guard nang si-nwipe ko ang student ID ko pagkapasok sa entrance, nginitian ko lang ito. Para naman akong batang dali daling tumakbo nang makita ang mga kaibigan ko na nakatambay sa bench malapit sa chapel.
"Alam mo, narinig ni Jomari sa building niyo na kasali ka daw sa hindi makakatungtong ng second year." Bungad ni Leyo sa akin pero binatukan siya ni Zye.
"Isa ka din sa nagpakalat niyan!" Si Zye.
"What? Why me?" I asked.
"Jomari came here and ask us to confirm that shit! Hindi din naman namin alam. Jomari was so worried, you know. Friends nga talaga kayo or friends pa ba kaya turing niya sa'yo?" Nakangising saad naman ni Ymee.
"Shut up, Ymee. I know Jomari. Hindi siya magkakagusto sa girlfriend ko." Si Kent.
"Maraming may gusto kay Maica, malay natin!"
"Kasali nga ako, eh..." Lembert chuckles. Nag peace sign naman siya kaagad kay Kent. Si Nicole naman na nakaupo ay tahimik lang na naka-cross ang mga kamay.
"Subukan lang nila na hindi ka makaka-complete ng first year kahit maayos naman grades mo, bahala na kung mawala ako sa rank one ng dean list, isusuko ko 'yun kapalit ng makakatungtung ka ng second year, gagawin ko." Biglang seryosong saad ni Hershey pero hindi nakatingin sa akin. Nakatingin sa chapel.
"Really, Shey?" Si Nicole. "Gagawin mo din kaya sa'kin 'yan if ever?"
"Oo naman!" Sagot pa ni Hershey at tumingin na sa akin. "Maniwala ka, makaka-complete ka."
I rolled my eyes and sighed. Lumapit naman sa akin si Kent at hinawakan ang beywang ko pero hindi ko siya tinignan. Naglalaro na naman si Leyo ng mobile legends nang biglang dumating si Marco. Bigla namang tumayo si Nicole at sinalubong ito.
"May gana ka pang pumunta dito pagkatapos ng ginawa ng boyfriend mo?" Ani ni Nicole.
"Ayokong masali sa issue, okay? Nag-aalala lang ako kay Maica." Sambit ni Marco. "Kaya nga ako umiiwas muna sa inyo kasi ayokong masali. Naiintindihan niyo naman 'yun diba? Babalik din naman ako kaagad kapag okay na ang lahat. Kahit ngayon lang gusto kong piliin na ako lang muna mag-isa."
"Umalis ka na," Si Leyo na napatigil sa paglalaro. "Kahit anong gawin mo, madadamay ka pa rin. Naiintindihan ka namin at kung nag-alala ka, phone call nalang muna o di kaya sa group chat."
"Okay lang ako, Beb. Sana ikaw din." I smiled. Tumango lang siya at naglakad na din paalis.
"Galit pa din ako sa kanya..." Si Zye na nakatingin kay Marco na naglalakad papalayo. "Sana naman dinefend niya muna sarili niya, kasi wala din tayong pinagkaiba sa mga classmates ni Maica, eh. Nagiging toxic na din 'tong circle na 'to!"
"Mauna na ako, I still have class." Sambit ni Nicole at umalis na. Hindi hinintay ang sagot namin. Umalis na din si Zye sa ibang daan. Hindi na nagpaalam.
"Kung toxic na nga ang circle na 'to, mas mabuti pa pala mga pinsan ko, kahit mga gago, madali namang kausap." Si Ymee at tumayo. "Tara na, Shey!"
"Mauna na kami, Mai..." Paalam ni Hershey at sumunod sa naglalakad papalayo na si Ymee.
"Mee, pinsan mo ko!" Natatawang pahabol na sigaw ni Leyo kay Ymee. Lumingon naman si Ymee at tinaas ang gitnang daliri sa amin.
YOU ARE READING
Scent Of Consanguinity (Book 1 of Scent Trilogy)
De TodoA Series #1 (Scent Trilogy) "Everything that happens in this world happens at the time God chooses." Ecclesiastes 3:1-21 J.A.S. May 15, 2023 - April 10, 2024