"Are you mad?"
I am busy studying about my reports in my major subjects when Romer suddenly came here in the library. Sinamaan ko siya ng tingin at sinara ang librong pinag-aaralan ko.
"I was worried," He said. "Are you mad?"
"Why would I?"
"You replied to me last night if who I am? Nagtataka ako. Akala ko maling number ang na-text ko."
I stood up.
"It's okay, it's not a bigdeal, Romer. Wala namang tayo."
Inayos ko ang mga gamit ko at aalis na sana nang pinigilan niya ako.
"I need to go. I still have a class." I said.
"Take care," Malungkot siyang ngumiti sa akin at binitawan ako.
Napangiti nalang ako habang naglalakad palabas ng library. We're not even together, bakit naman siya mag-aalala? Hindi din naman ako galit sa kanya. But deep down, I wanna post him and caption it, 'If nonsense was a person.' Hindi ko talaga siya mabasa. May pagkapareho kami ng ugali at hindi ko 'yun gusto.
"Jemaica, mag focus ka naman..." Bulong sa akin ni Eliyan.
Kaming dalawa ang partner sa report na 'to. Isang major lang naman kami kaklase pero hindi ko masyadong na-explain ang part ko dahil nga kinakabahan ako. Mula sa upuan namin, si Jolly at Joaquin ay naka thumbs up sa akin. Si Eliyan naman ang tumulong sa akin para maisayos ko ang pag explain ng report ko at kung paano namin 'to maisasaayos kapag nasa labaratory na.
"Good job!" Bulong sa akin ni Eliyan nang matapos kami.
Saka lang ako nakapagpasalamat kay Eliyan nang matapos na ang klase at nasa labas na kami ng faber hall. Nakasabay ko siyang maglakad sa hallway.
"Ngayon ko lang napansin na... ang gwapo mo naman.." Nakangisi kong sabi.
"Thanks." Eliyan said.
"Pag inaway ka ng girlfriend mo ah, andito lang ako."
Mahinang tumawa si Eliyan. "Mabuti naman at clear ka na."
"Clear? Saan?"
"Mauuto mo talaga ang mga lalaki dahil sa mga sinasabi at ngiti mo," Aniya. "May girlfriend ako, may Romer ka. Wag mo kong pinagloloko, okay?"
"Joke lang naman 'yun," Napanguso ako. "Pero totoo ang sinabi ko, gwapo ka!"
"Oy, pare!" Si Eliyan nang makasalubong namin bigla si Romer.
"Mag la-lunch ka na?" Romer asked me.
"Mag la-lunch palang kami ni Eliyan," I answered, trying to hide my smile.
"Hoy, siraulo 'to!" Nagulat si Eliyan at takot na takot na tumingin kay Romer. "Hindi, pare! Hindi kami magsasabay ni Maica na kaming dalawa lang, no!"
YOU ARE READING
Scent Of Consanguinity (Book 1 of Scent Trilogy)
Ngẫu nhiênA Series #1 (Scent Trilogy) "Everything that happens in this world happens at the time God chooses." Ecclesiastes 3:1-21 J.A.S. May 15, 2023 - April 10, 2024