"Gusto mo ba si Jemaica?"
Magkasalubong ang kilay kong tumingin kay Ralph. Kakatapos nga lang ng klase ko at dumeretso kaagad ako dito sa Magis pero siya kaagad ang naabutan ko. Tinanong niya kaagad si Eliyan na kasama ko.
"May girlfriend ako, pare." Eliyan answered him.
Umupo kami sa harap ni Ralph. Binigay naman sa akin ni Eliyan ang pinahawak kong libro sa biology. Ralph is still holding his game ball while studying here in Magis. Sinong tanga ang gustong mag aral sa ganito ka-ingay?
"Ang layo talaga ng sagot mo sa tanong ko," Ani ni Ralph. "Tinatanong ko lang naman kung gusto mo si Jemaica? Wala akong pakealam kung may girlfriend ka."
"In a romantic way, never." Eliyan smiled.
"Kung makapagsalita ka, parang hindi ako kagusto-gusto, ah!" Umirap ako.
Eliyan chuckles.
"Ayaw mo din bang makipag-fling sa kanya?" Tanong ulit ni Ralph.
"Ikaw nga, hirap na hirap na sa talking stage niyong dalawa..." Eliyan teasingly said. "Paano na kaya kapag nakisali na ako? Siguro, isang oras pa lang kaming nag-uusap, mahal ko na siya."
"Talaga, Eliyan?" I smirked.
"Naniwala ka naman? Kay Romer ka lang, okay?"
"Who's Romer?" Ralph asked.
Walang sumagot sa kanya sa amin ni Eliyan kay nag iba nalang sila ng usapan kaya binasa ko na lang ang libro ko dahil kailangan ko pang gawin ang midterm output ko sa major. Naririnig ko lang silang dalawa na nag-uusap tungkol sa basketball. Kahit hindi naman sila magkasama sa team ay nagkakaintindihan pa rin sila.
"Ano bang binabasa mong libro ngayon, Mai?" Ralph suddenly asked.
"Paano iwasan ang isang lalaking may gusto sa'yo at iniisip na may gusto ka rin sa kanya." I answered, still looking at the book I'm holding.
I heard Eliyan chuckles and teasing Ralph. Nagkaintindihan naman silang dalawa na iwan na muna ako dahil pupunta pa sila sa gym. Tumayo na rin ako at pupunta sana ng library nang makita ko sa di kalayuan si Mark. Iginala ko muna ang tingin ko sa paligid dahil baka nandyan ang mga pinsan o di kaya ay naiwan ni Hva dito sa magis ang mata niya.
Dali dali akong lumabas ng Magis at lumapit sa pwesto kung saan ko nakita si Mark pero hindi ko na siya naabutan. Iginala ko ang mga mata ko pero hindi ko na siya nakita. Aalis na sana ako at saktong pagtalikod ko ay siyang pagsalubong sa akin ng halik galing kay Mark. Mabuti na lang ay sa pisnge iyon dumampi kaya napaatras ako ng lakad.
"Why did you do that?" Mataray kong tanong.
"I missed you," Mark answered, smiling.
"Ano bang ginagawa mo dito?"
Iginala ko ulit ang mga mata ko dahil baka may nakakita sa akin. Nanlaki ang mata ko sa gulat nang bigla kong makita si Romer. Nakatingin siya sa posisyon naming dalawa ni Mark. Tinulak ko ng mahina si Mark dahil sa sobrang lapit niya sa akin. Tinignan ko ulit si Romer pero nakatalikod na siyang naglalakad papalayo. Dali dali ko siyang hinabol at nasangga ko pa ang braso ni Mark sa pagmamadali.
YOU ARE READING
Scent Of Consanguinity (Book 1 of Scent Trilogy)
RandomA Series #1 (Scent Trilogy) "Everything that happens in this world happens at the time God chooses." Ecclesiastes 3:1-21 J.A.S. May 15, 2023 - April 10, 2024