Kapitulo 55

23 2 0
                                    



"Gising na, Jemaica..."











Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko nang may naramdaman akong yumuyogyog sa akin. Inangat ko ang ulo ko mula sa pagkakahiga nito sa mesa. Pumikit pa ako nang mariin para kumuha ng enerhiya bago binuksan ulit ang mga mata upang tuluyan ng magising.








"Jemaica," Tawag ulit ni Romer sa tabi ko.








Siya ang gumigising sa akin. Nakangiti na siya ngayon sa akin. Ang gwapo niya talaga! Kahit nga pumikit lang siya buong araw, ang gwapo niya pa rin. He's French crop haircut... he's tall... smart... good dancer... I think, everything. If you're staring at him, you can real think he's almost perfect.











Nanlaki ang mata ko at napatayo nang maalalang may klase pa ako pero nakatulog ako dito sa library. Dali dali kong inayos ang mga gamit ko pati na rin ang dala kong macbook na nakabukas pa din.














"Uuwi ka na ba?" Tanong ni Romer.











"I still have a class." I spoke.








"But it's almost 6 in the evening."








"Huh?" My eyes grew widened.









I looked at Romer and then I looked at my watch. Tama nga siya! Mag aalas-sais na nga ng gabi at ang klase kong two to five ay tapos na. Ibig sabihin lang ay ang haba ng tulog ko dito sa library. Napaupo ako ulit at napahawak sa batok ko.










"I did absent for the first time!" Naiinis kong sabi sa sarili at tinignan ulit si Romer. "Sana naman kanina mo pa ko ginising! Ayos lang sana kung late na ako!"











"Pero... ngayon lang natapos ang klase ko." Aniya. "Manghihiram lang ako ng libro dahil uuwi na din ako. Ngayon lang kita nakita sa buong araw."











"Wala 'yung dalawang librarian?" I asked.











"Wala at puro intern lang ang nandyan kaya hindi ka pinagalitan."








Napabuntong hininga ako at chi-neck ang sariling phone nang magpaalam si Romer sandali na manghihiram siya ng libro kaya hinayaan ko siyag umalis. Naiiyak ako bigla sa lecture na na-missed ko. Hindi naman ako matalino kaya dapat ko tong iyakan. Bakit kasi ako nakatulog!









Nakatanggap ako ng text galing kay Joaquin at Jolly. Sila lang naman ang kaibigan ko sa minor subject na 'yon. Puro sila tanong kung bakit ako umabsent o kung nasaan ba ako o kung maayos ba ako.










"Hoy!"











Inangat ko ang ulo ko upang tignan ang taong nasa harapan ko. Bumuntong hininga si Ymee at naupo sa harapan ko na naka-cross ang mga braso.








"Pasalamat ka nalang talaga at puro student library assisstant lang ang nand'yan, kung hindi ay baka nasa office ka na ni Dean ngayon." Napangisi si Ymee sa sinabi. "Ang sabi sa akin ng kaklase ko ay nakatulog daw ang pinsan ko sa library. I think... 3 hours and half? Wala ka bang klase? Di'ba, meron? Bakit hindi ka pumasok?"










"Nakatulog nga ako, di'ba?" I breathe.











"Bakit ka kasi natutulog, eh, alam mo namang may klase ka?"








Scent Of Consanguinity (Book 1 of Scent Trilogy)Where stories live. Discover now