Kapitulo 24

31 2 0
                                    

"Tapos mo na ba 'yung papers mo sa Zoology?"











Napabuntong hininga akong tumango kay Joaquin nang magkasalubong kami sa labas ng labaratory. Papasok palang sana ako sa pinto nang biglang may umakbay sa akin. It was the hype Jolly. I smiled at her. Sabay kaming pumasok tatlo sa lab.





"Maganda naman talaga siya pero hindi siya maputi, ah! Feeling matalino pa!" Narinig ko kaagad malapit sa pinto ang boses ni Dom.





"Ayan na naman ang putang ina," Si Jolly sa akin.





"Ikaw na naman ata pinag-uusapan ng mga kaklase natin," Ani ni Joaquin.





"Akala mo naman talaga napakaganda niya, eh, siya naman ang pinakanaiba sa Allena! Hindi siya kagaya ni Ymee! O kahit ni Cassandra Allena. Papansin pa siya sa mga vlogs ng tita niya!" Dinig ko namang sabi ng isa ko pang kaklase.





"Hindi ko talaga matanggap kung bakit naaakit niya 'yung mga lalaki sa crim! Nakuha niya pa si Kent Midalguez ng CE!"





Tumikhim ako upang mapansin nilang nandito ako. Lahat sila tumingin sa akin at tumahimik. I side eyed Dominique.




"Hindi ako maputi pero atleast marunong akong magsuklay," Nakangisi kong sabi at nilagpasan sila.





"Jemaica, galit ka ba? Ah, wala ka bang ibang sasabihin?" Ani ng isang kaklase kong kasama ni Dom.





"Hoy, ba't ka pa umabot ng college kung bobo ka pa rin!?" Pambabara ni Jolly dito.





"You know what, I don't even care if you guys are talking behind my back," I smiled. "Well, that's were you belong. Behind my back."



Natapos nalang ang lecture namin na puro lang kay Dominique ang pinag-uusapan naming tatlo ni Joaquin at Jolly. Sinasadya pa ni Joaquin na lakasan ang boses niya para marinig nila na si Dom talaga ang pinag-uusapan namin kaya itong si Jolly di tumitigil kakatawa.



I was walking at the hallway when suddenly I bumped into someone. Hindi kasi ako nakatingin dahil biglang tumunog ang cellphone ko. Nang tignan ko, isang lalaking naka police uniform. Gwapo at pamilyar ang mukha. Inaalala kung saan ko siya nakita o nakita ko na ba siya?






"I'm sorry... Officer," I apologized.







"No, it was my fault. I'm sorry." He smiled. "I just want to ask if... sa'an ba dito ang department ng Social Sciences?"






"Ah, you mean... Criminology, Officer?" I asked. "Magkasama lang kasi 'yan,"






The man nodded. "Pwede mo ba akong samahan?"





"I'm sorry, Officer." I said. "I don't know you and I also don't trust you."





"But... I am a Police Major General."





"And then? May mga pulis pa 'ring hindi dapat pagkatiwalaan."





I don't know what's wrong with what I said and why he just chuckles instead of being shocked. There's nothing funny!





"Hoy, Sir!" Nakita ko si Jomari na naglalakad papalapit sa amin. Binati niya 'yung pulis na nasa harapan ko. Nakasunod naman niya ang kapatid niyang si Wendel, wearing his crim uniform.





"You can ask him, Officer. Crim student siya." Turo ko kay Wendel.





"Didi, I was looking at your building." The man suddenly said. Kinagulat ko. "I brought the reports you've always wanted to see."



Scent Of Consanguinity (Book 1 of Scent Trilogy)Where stories live. Discover now